EUREKA'S POV
"Him again?! D*mn that Montecarlo!"
Inis na sigaw ng kakambal kong si Anika matapos n'yang ibaba ang telepono. I just got back from my photo shoot at dito agad sa Yu International dumiretso dahil alam kong nandito s'ya. She always spend her sembreak here doing and learning some office stuff. Mas napapadas lang s'ya ngayon sa pagpunta dito in preparation for her upcoming internship.
She quickly removed her reading glass and started massaging the bridge of her nose. Nakangiwing pinanood ko s'ya. She looked so stressed and worn-out! We just turned twenty but she looked way older than our real age! Napapailing na pinanood ko s'ya. Nagagawa nga naman ng workaholic!
But wait! Triton is workaholic, too. But he's becoming more hotter and hotter each day! Wala na ngang mapaglagyan ang yummyness at s*x appeal n'ya dahil sobrang nag-uumapaw na 'yon! Should I call on the attention of Department of Justice in this case? Kailangan nang mahanapan ng hustisya ang kakambal ko!
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang mga papeles na pinahahatid sa kanya ni Kate, her personal trainer, in Aldana Group of Companies. Syempre, magvo-volunteer na akong maghatid nito para makasilay sa asawa ko! Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa excitement at kaagad na nag-imagine.
Gaano kaya ka-yummy ang suot n'ya ngayon? Well, it's Friday and he's not gonna wear his usual formal suit! Ngayon pa lang ay kinikilig na ako!
"What did Vaughan do to upset you this time, Kambal?" maarte kong tanong habang binubuklat-buklat ang mga papeles na hindi ko naman naiintindihan ang mga nakasulat. Napangiwi ako. This is why I chose modeling over this stressful job.
Lakas makawala ng youthful glow at makabawas ng ganda!
Anyway, I am taking up Business Management but I don't have any interest in running our own business. I only took this course `coz my Dad keeps on insisting it but he never obligue me to work here after graduation. He would let me do my passion which is modeling. My Lolas are former super models and so I did! It runs in every bit of my blood!
Oh 'di ba? Pak! Modeling!
"He's at it again, Euri! I really don't get Dad why he let that assh*le handle this project again! Ang tagal kong hinintay na matapos 'yung nauna kahit hindi naman kami nagkikita ay iritang-irita ako sa ka-preskuhan n'ya! Tapos ngayon ay s'ya na naman ang hahawak? Holy crap! Another months of headaches and loads of stress!" napahilamos pa s'ya sa mukha at kunot na kunot ang noo. Napangiwi ulit ako.
Dear wrinkles, maawa ka kay Anika. She doesn't need you now. Masyado pa s'yang bata.
Nagkibit balikat ako. "Maybe he's good at this thing kaya sa kanya pinagkakatiwala ni Dad. Come on, Anika! Dad won't choose him if he's not capable of doing the project," kampante kong paliwanag sa kanya.
Vaughan is almost good at everything he does except for dealing with my twin! Ganoon din naman si Anika sa kanya. Pagdating sa akin ay okay naman s'yang makitungo. Maybe, there are really people who can't stand seeing or being with each other. They both hate each other's guts but they need to be together for work. In short, they don't have a freaking choice but to deal with each other.
Natahimik si Anika dahil sa sinabi ko.
See? Alam rin naman n'ya `yung point ni Dad. I wonder why she's making it a big deal and keeps on stressing herself? Pwede naman na hayaan na lang n'ya pero pinapalaki n'ya pa? Hmmm. Fishy ni Kambal, huh? Baka na di-distract lang sa mukha ni Vaughan!
Well, Vaughan is good looking and hot, too. In fact, mukha s'yang kpop idol dahil sa buhok n'ya. And oh! He's a certified manwh*re! Pinaglihi sa gabing makati ang lalakeng 'yon! Buti na lang talaga ay hindi n'ya naiimpluwensyahan ang asawa ko! Kung hindi, marami ng babae ang nakipagpalit ng mukha sa floor! Hmp!
Kinuha ko lang ang papeles na pinadadala kay Anika at dumiretso na sa kotse. Ngiting-ngiti ako habang nag da-drive papunta sa AGC. I almost spent my first week of sembreak in Paris for a photo shoot of a newly established clothing line kaya isang linggo ko rin s'yang hindi nakita.
Well, kahit nasa malayo ako ay updated pa rin ako sa mga whereabouts n'ya. Asking me how I managed to do that? Well... connections, Baby! Connections!
Nakangiting ipinark ko ang kulay pink kong sedan at bababa na sana nang mag-ring ang phone ko. Bumaba muna ako at chineck kung sino `yon habang naglalakad papasok sa elevator. It was Vaughan. Tumaas ang kilay ko. Agad na sinagot ko ang tawag n'ya.
"I think I know why you called," bungad ko agad sa kanya. Narinig ko ang halakhak n'ya sa kabilang linya. His voice was quite husky. Parang kakagising lang nito or something.
"Well?" amusement was in his voice. "By the way, where are you? I heard kababalik mo lang ng Pinas?" sabi nito. Tumaas ang kilay ko. At paano n'ya naman kaya nalaman? Well, he has connections, too at karamihan sa mga co-models ko ay napabalitang naging ka-fling n'ya.
"Right, Vaughan. Nandito nga ako ngayon sa AGC. I have business here," sabi ko. Narinig ko muli ang halakhak n'yang may halong pang-aasar. Oh well, he knows that I have another business why I went here.
"Business, huh?" I can almost see his devilish grin while saying that. I rolled my eyes. "Anyway, just wait for me in his office. I have something to give to your not-so-nice twin," sarkastikong sabi nito. I giggled. Isa pa 'tong bitter pagdating kay Anika!
"Well... ayoko sanang maghintay sa office kasama ang pinsan mo pero dahil humihingi ka ng pabor-"
Napahinto ako sa pagsasalita nang malakas na tumawa s'ya. Ngumuso ako at sinupil ang nakakalokong ngiti sa aking mga labi.
What the hell, Eureka Gorgeous Yu? Get a hold of yourself! Keep calm and seduce Triton!
Tumikhim ako nang tumunog ang elevator. Hudyat iyon na nasa floor na ako ng opisina ni Triton.
"See you later then, Vaughan? Tagalan mo, ha? Este, bilisan mo. Hindi ako sanay na pinaghihintay ang beauty ko," taas noong sabi ko at saka binaba agad ang tawag. Nagsimula na akong lumakad sa direksyon ng opisina n'ya.
Kabado na ako pagdating doon. Dumiretso muna ako sa isang table sa gilid at ngiting-ngiti na kaagad si Amy pagkakita pa lang sa akin. She is Triton's secretary and she is loyal to me. S'ya lang naman ang nag re-report sa akin ng mga ginagawa ng Boss n'ya.
"Hi! Kamusta?" bati ko at bumeso pa sa kanya bago iniabot ang pasalubong kong dress. Namilog ang mga mata n'ya nang makita `yon.
"Oh my God, Miss Euri! This is too much! Okay na ako sa chocolates, e!" hindi makapaniwalang bulalas n'ya nang makita ang laman ng paper bag. Tumawa ako at kinumpas ang kamay sa ere.
"Don't worry, I had the same dress. Magkaiba lang `yung color kaya sa'yo na 'yan," nakangiting sabi ko at nilingon ang opisina ni Triton. Ngumiti rin s'ya at sinundan ang tinitignan ko.
"Kamusta naman ang asawa kong masungit?" tanong ko.
Ngumiwi s'ya at hininaan ang boses nang sumagot. "Wala pong bago, masungit pa rin!" sabay tawa nito. Natawa na rin ako.
"Isang linggo na pong mainit ang ulo. Hindi naman po namin alam kung bakit!" mahina ngunit mariin n'yang sabi. Tumaas ang kilay ko.
Isang linggo lang akong nawala nagsusungit na naman s'ya?
"Baka na-missed lang ako?" biro ko. Tumango naman s'ya.
"Baka nga po, Miss Euri! Minsan po ay nakikita kong lumalabas tapos pumapasok din sa loob. Parang may inaabangan!" sabi n'ya. Nakagat ko ang ibabang labi at nagpigil ng kilig. Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng puso ko dahil sa sinabi n'ya. D*mn, Triton! How can he do this to me?
"Wag kang ganyan, Amy! Kinikilig ako ng sagad!" biro ko kaya bumungisngis s'ya. Tumawa na rin ako.
Napatigil kami pareho sa pagtawa nang biglang bumukas ang opisina ni Triton. Sabay kaming napabaling ni Amy doon. Halos tumalon ang ovary ko nang makita ang porma n'ya.
He's wearing a dark blue polo na maayos na nakatupi hanggang sa siko. Sa pambaba naman ay black maong pants with white rubber shoes. Halos tumulo ang laway ko sa tindig n'ya. I can also smell his usual scent kahit may ilang metro rin ang layo n'ya sa akin. I felt my heart skipped a beat when his narrow eyes met my gaze.
Sh*t! Why so gwapo and so bango, Asawa ko?!
Nagtagal ang titig n'ya sa akin at nakita ko pa ang nagsusumigaw n'yang adams apple na nagtaas baba. Nagdilim bigla ang mukha n'ya at agad nag-iwas ng tingin bago walang sabi-sabing bumalik sa loob ng opisina n'ya at malakas na sinarado ang pinto.
Napakurap ako. My heart was still beating so fast! Walang ibang nakakapagpabilis ng t***k ng puso ko kagaya nito. Only him.
Only Triton Andrews Aldana.
My first love.
The guy who promised to marry me when I was a kid.
Pero ngayon ay pinagbabagsakan n'ya lang ako ng pinto at binabalewala? Hmp!
You don't do that to your future wife, Asawa ko!
Humarap ako kay Amy at malapad na ngumiti.
"As usual, nagpapakipot na naman!" ngiting ngiting sabi ko sa kanya. Tumawa naman s'ya. Nagpaalam na ako at iniwanan na s'ya para tumuloy sa opisina ni Triton. I took a deep breath and flipped my hair.
"This is it, Pancit!"