Gumalaw si jewel sa kama at kinapa ang unan pero tila balat ng tao ang kanyang nahawakan
Nasa tabi nya si Oswald na walang suot na damit pang itaas na May kumot sa pangibaba habang tulog itong nakataob at nakatalikod sa kanya
Nang maalala nya ang pagkalasing agad na nagmulat sya ng mata , at tumingin sa paligid ng kwarto - wala sya sa bahay nya kundi sa isang western style na kwarto na tanging liwanag Lang mula sa isang lampshade ang ilaw
" hindi - ? Nalasing ako ! Anong ginawa ko ? Agad na tinakpan nya ang bibig gamit ang kumot na tumakip sa katawan nya
Tiningnan nya ang suot na damit , suot nya pa ang white sando at panty na pang loob pero nasa sahig ang pants at blouse nya
Kumilos si Oswald at pinaling ang ulo paharap sa kanya habang dahan dahan syang umalis sa kama
" Ang lalaking to !! May ginawa ba sya sakin ?!! Bakit magkatabi kami ? Nasan ba ko ? Kelangan ko ng makaalis sa lugar na to ? Ayokong makita pa nya ko sa ganitong ayos ? " Nagmamadaling kinuha ni jewel ang damit habang tinatkpan ng kumot ang sarili at dli daling sinuot ang pantalon pero nagitla sya ng makitang nakaupo na si oswald at nakahawak sa kanya
" bakit nagmamadali kang umalis ? Basta ka nalang aalis pagkatapos ng ginawa mo kagabi ? Sabi ni Oswald habang nasa baywang ang kumot nya at kita ang semi masculine na pangitaas na katawan nya , gayundin ang tattoo sa dibdib nito at mga hiwa na peklat mula sa pakikipaglaban nya
Dali daling tinakpan nya ang katawan at
Agad na umiwas sa mukha ni Oswald at kinakabahan syang nagsalita " Anong ginawa mo sakin bakit wala na kong damit Ha ? Bakit nandito ako at katabi ka ?" Galit na sabi ng jewel na nakatingin sa ibang dereksyon
Inalis ni Oswald ang kumot at wala pala syang saplot pangibaba na syang kinagulat ni jewel at agad na tumalikod na namula " bakit ka nakahubad ?? Ikaw !!! Hindi ka ba nahihiyang ulantad ang katawan mo " Galit na utal ni jewel
Habang naglakad lamang si Oswald na walang pakialam kung nakahubad sya sa malapit sa lamesa at kumuha ng sigarilyo at agad inilagay sa bibig a
" una sa lahat bahay ko to at kama ko ang hinihigaan mo kaya dyan ako matutulog , wala akong damit dahil na puno ng suka mo ang buong damit ko at Sana'y din naman akong walang suot kapag natutulog , isa pa yang damit mo na sukahan mo rin kaya inalis ko , -dapat nga magpasalamat ka pa sakin dahil pinatuloy kita sa bahay ko " walang pakialam na sabi ni Oswald habang nakaharap sa lamesa na naninigarilyo at nakatalikod kay jewel
" sana hinatid mo nalang ako sa apartment ko ? O kaya sa sala mo na Lang ako pinatulog , di - dito sa kwarto mo , " nahihiyang sabi ni jewel na nakahawak sa dibdib dahil sa sobrang kaba
" kung iniisip mong May ginawa akong kakaiba sayo , wag kang magalala hindi ako nakikipagsex sa babaeng walang malay - isa pa May standard din ako sa pag tabi sa babae , " seryosong sabi ni Oswald habang bumubuga ng usok mula sa sigarilyo na Hawak
Napatingin si jewe sa kumot na naka takip sa katawan nya " ganon ba kasama ang itsura ng katawan ko , Maraming babae na syang nakasama kaya baliwala na kung makita man nya ang katawan ko , " agad na nagbihis si jewel habang nakatalikod si Oswald pero hindi nya alam nakatingin si Oswald sa reflection ng isang antigong paso na nakikita ang ginagawa niya
" Salamat sa Pagpapatuloy mo sakin ,lalabhan ko na Lang ung damit mo para mawala ung suka na ginawa ko , " mahinang sabi ni jewel at agad na lumabas na sya ng kwarto ni Oswald Habang nakatayo lamang si Oswald
Napabuntong hininga si jewel ng nakalabas sa kwarto ni Oswald " nakakainis bakit ba hinayaan kong malasing , ang baho nga ng damit ko " sabi ni jewel ng inamoy ang suot na damit
Pagkalabas nya ngumiti si Oswald at inalagay sa ashtray ang sigarilyo nang maalala nito ang nangyari
Buhat nya si jewel ng nasukahan sya kaya agad syang naghubad at nagshower pagkatapos ay nakahubad na naglakad palapit sa kama kung San nakahiga si jewel , tumabi sya dito habang nakatingin sa mukha ni jewel
May hagdan sa labas ng kwarto ni Oswald pababa , agad na bumaba si jewel pra hanapin ang pinto palabas ng makita nya sa sala si august na patungo sa kusina para maghanda ng pagkain nakatingin lamang sya dito ng maramdaman sya nito
Oh jewel kamusta ang naging tulog mo sa kwarto ni Master ? nakangiting sabi ni August ng makita sya habang nilalagay ang plato sa round table na May kandila sa gitna
" alam mong nalasing ako bakit di mo ko Inihatid sa bahay ko ah ? August Akala ko pa naman kaibigan kita , bakit mo ko hinayaan sa kanya ? Pano kung May gawin sa kin si Oswald , kung nakita mo Lang ang weird ng tingin nya sakin " kinikilabutan na sabi ni jewel ng tinuturo ang kwarto ni Oswald
" kilala ko si master wala syang gagawing masama sayo , naging maayos naman ang tulog mo di ba ? Wag ka ng magisip ng anupang bagay , Halika kumain ka muna bago ka umalis " sabi ni August sa kanya
Nakasuot ng sky blue tshirt si august ang pants habang mahinahong mahahanda sa lamesa
Kumakain kayo ? Akala ko ba ang mga shadows na tulad nyo ay tanging kaluluwa lamang ang pagkain ? " Pagtataka ni jewel ng lumapit sa lamesa ng makita ang tuna and egg na May bread at pasta
Natawa si august sa sinabi ni jewel "kumakain din kami jewel Pero Mas madalas hindi depende sa mood namin , ang bawat kaluluwa na naka kain namin mga anim na buwan ang Katumbas sa buhay namin kaya hindi na kami kumakain , pero ngayon especial ang araw na to dahil nandito ka - maupo ka na jewel "
" especial ? " umupo si jewel at agad na kinuha ang fork" at agad na kumuha sya ng egg na May bread at kumain
" hinay hinay Lang jewel wag kang mag madali - maaga pa naman hindi ka pa mahuhuli sa trabaho mo " sabi ni August ng inilapag ang bacon sa lamesa at umupo sa tapat ni jewel
" sorry , ayoko kasing maabutan ako ni Oswald na kumakain dito , sa-salamat sa pagkain August matagal na rin akong di nakakakain ng lutong tulad nito , kasi madalas kasing instant ang kinakain ko sa apartment " sabi ni jewel na puno ng pagkain ang bibig
Jewel Matanong ko Lang? Wala ka na bang pamilya ? Bakit ka nagiisa dito ? Bakit Wala kang kasamang grupo ng mga Kendra ang Akala ko ba ang mga tulad nyo ay May kinabibilangang mga clan ? inabot ni August ang hot chocolate pra makainom si jewel
"Salamat August , namatay ang magulang ko ng bata pa ako , hindi ba na kwento sayo ni Oswald na sya ang kumuha sa kaluluwa ng papa ko ? Nanggaling ako sa ampunan at kinuha ng Kendra clan nagkaroon ako ng grupo dati , nang 18 years old ako nakasama ko sa class A na pinakamagagaling sa Kendra pero inalis nila ako sa grupo nila kasi nagkaroon kami ng misyon na naging pa bigat Lang ako sa kanila " mahinang sabi ni jewel habang nakatingin sa ilaw ng kandila
Ang totoo ng unat huling misyon na kasama nya si kalvinne matapos ng test nila napabilang sya sa class A kasama ito tulad ng nangyari sa test nila hindi nagawang patayin ni jewel ang shadows na target nila na isang matandang babae habang sila ay nasa train station , itiniwalag ng grupo si jewel hanggang sa makarating sya sa grupo na kasama si jade at kapatid nito pero dahil sa nangyari sa kanila ni Oswald pinaalis din sya ng mga ito hanggang sa naninirahan na syang malayo sa Kendra
" parehas pala kayo ni Master blast jewel " Seryosong sabi ni August
" kami parehas ? Magkaiba kami dahil sya nagagawa nyang pumatay ng tao at Kendra , hindi ko kayang gawin yon " Seryosong sabi ni jewel ng ibinaba ang hawak na fork
" maraming naging grupo si master , jewel pero silang lahat ay tinalikuran si master - magisa syang nabubuhay sa mahabang panahon walang kaibigan o kahit pinagkakatiwalaan jewel ang totoo Ngayon —-" ng natigilan si august sa pagsasalita ng biglang marinig ang boses ni Oswald habang bumababa ng hagdan
" Anong sinasabi mo sakanya august ?pinagkwekwentuhan nyo ba ako ? " Seryosong sabi ni Oswald habang nasa bibig ang sigarilyo ay napatingin kay jewel
Tila nataranta si august na agad tumayo " wala po Master , sinasabi ko lamang sa kanya ang nangyari kagabi " pagsisinungaling nito ng inilagay sa lamesa ang ashtray ni Oswald
" Tama si august Di ka namin pinaguusapan , " sabi ni jewel na agad sumubo ng tinapay
Umupo si Oswald sa dulo ng table kung Saan kita nya ang dalawang si jewel at august ng inilagay nya sa Ibabaw ng astray ang sigarilyo nya
Di mapakali si jewel na agad nagsalita " Sandali nga pwede bang tumigil ka na sa paninigarilyo kasi ayoko ng amoy ng usok nyan , " sabi ni jewel kay Oswald
" bakit naman kita susundin ? Bahay ko to at table at upuan ko ang giangamit mo Wala kang karapatan para pigilan akong manigarilyo " sabi ni Oswald ng tumingin sa kanya ng muling May nakalagay na sigarilyo sa bibig nya na agad ulit inalis ni jewel
At tinapon , pero di nagpatinag si Oswald at muli syang naglagay ng sigarilyo sa bibig na May sindi agad at hindi Lang Isa kundi sampu para asarin si jewel
Agad na kinuha ni jewel ang sigarilyo at niyupi at tinapon , " hindi magandang nasa harap ka ng pagkain tapos naninigarilyo ka !!! , ito ilagay mo sa bibig mo kung gusto mong May laman ang bibig mo " sabi ni jewel ng agad na isininubo kay Oswald ang toasted bread
Pero Seryosong binuga ito ni Oswald at Nahulog sa plato , dahan dahang lumayo si august sa kanila para hindi madamay sa pagtatalo nila "
Ikaw babae hindi porket pumayag ako sa kasunduan natin pwede mo na kong bastusin ng ganito sa loob ng teretoryo ko !! Naiinis na talaga sayo ahh !! Sigaw ni Oswald kay jewel
"Sinabi sakin ni August na Espesyal daw ang pagkain na to sanyo ngayon tapos sisirain mo Lang sa paninigarilyo mo Sino naman ang gaganahang kumain kung naninigarilyo ka sa harap Ha ? , Sige dyan ka na nga , aalis na ko " sabi ni jewel na agad tumayo at padabog na inalis ang table napkin sa lamesa
Napatingin si Oswald kay august dahil sa sinabi ni jewel na especial ang hinandang pagkain ni August pero agad na umiwas ito at nagtago
Palayo na sana si jewel sa lamesa ng biglang nagsalita si Oswald
" Sandali ! Sige na hindi na ko magsisigarilyo , pero ngayon Lang - ts- tapusin mo na ang Yong pagkain bago ka umalis "
Mahinang sabi ni Oswald habang nakatingin sa pagkain
Tumigil sa pag lakad si jewel at ngumiti pero hindi nya pinakita kay Oswald at Seryosong bumalik sya sa kinauupuan
"Bakit hindi ka kumakain sayang ang Hinanda ni August ? Sabi ni jewel ng makitang umiinom lamang ng tubig si Oswald habang sya naman ay kumakain na ng pasta
" hindi na tinatanggap ng sikmura ko ang pagkain ng tao , Mas nakakapawi ng gutom ko ang mga kaluluwa nila " Seryosong sabi ni Oswald habang nakatitig kay jewel
Na tahimik si jewel na napatingin sa ilaw ng kandila matapos uminom ng hot chocolate "wala ng bahagi ng pagkatao nya ang natitirang tao , pano nya natatagalang mabuhay sa pagiging halimaw , habang ang paligid nya ay iba sa kanya , Tama nga si august May pagkakaparehas kami ni Oswald magkaiba man kami ng tinatahak na landas dahil sa aming pinagmulan parehas kaming nagiisang naglalakbay sa kadiliman na Pilit gumagawa ng sariling liwanag para makita ang daan" sa isip ni jewel
" Oswald , bakit gusto mong mamatay ? Gusto kong sabihin mo sakin ang dahilan mo ? " Seryosong sabi ni jewel ng mapatingin sa mukha ni Oswald
"Bakit naman naging interesado kang malaman ang dahilan ko ? Bakit tutulungan mo na ba ako sa gusto ko ? Binaba ni Oswald ang tubig ng baso at inilawan ang apoy sa chimney gamit ang kapangyarihan sa kamay nya
" Oo , aaminin ko sayong Galit ako sayo sa ginawa mo sa ama ko gayundin sa mga taong pinatay mo , pero alam kong ginawa mo yon dahil shadows ka , pero ang hindi ko maintindihan Bakit gusto mong mamatay ?pagkatapos ng mahabang panahon na nabubuhay ka ? Malakas ka at makapangyarihan ? Bakit ang isnag tulad mo ay nais ng mawala sa mundo ? Bakit ? Kung gusto mo pwede kitang bigyan ng dahilang mabuhay , Tanong ni jewel na nakatitig kay Oswald
Galit ang mukha ni Oswald sa huling sinabi ni jewel
" tulad ng sinabi ko sayo hindi mo ko pwedeng kontrolin sa kagustuhan kong mamatay , dahil ayoko ng mabuhay sa mundong to , ayoko na ng kapangyarihan , ayoko ng buhay , ayoko ng lahat ng meron ako !!!!Hindi pa ba malinaw sayo jewel !!! Bakit ba hindi mo nalang ako patayin !!! Ang ibang Kendra gustong gusto nilang pumatay ng shadows !! Pero bakit Ikaw hindi mo magawa !!! " Sigaw ni Oswald ng hinawi nya ang gamit sa lamesa na nanlilisik ang mata
Lumayo ng bahagya si jewel na nabigla sa Galit ni Oswald habang nakatitig sa kanya
" ayoko ng mabuhay bilang halimaw !!! Alam mo ba ang pakiramdam na buong buhay ko !! Hinahabol ako para patayin ng mga Tao !!! Maging ng Kendra at shadows !!! Oras oras nagugutom ang katawan ko at naghahanap ng mga kaluluwa ng tao, sawang sawa na kong makita ang mga taong nabubuhay para San , para mamatay - pano mo maiintindihan jewel !! Anong magagawa mo !!! " Sigaw ni Oswald ng lumabas ang mainit na awra sa paligid pero hindi ito naglabas ng apoy habang nangingitim ang mata ni Oswald
"Na-naiintindihan kita Oswald ,!! Alam ko ang pakiramdam ng napagiwanan!!!! Alam kong nahihirapan ka at puno ng kalungkutan ang puso mo kaya !!! Kaya bibigyan kita ng dahilan para mabuhay !!! Tutulungan kita makita ang kagandahan ng mundo " Sigaw ni jewel ng biglang lumapit sa kanya si Oswald at sinakal sya at sinandal sa pader
" Anong sabi mo ?? Bakit ba ang kulit mo ? Sinabi ko sayong patayin mo nalang ako !! Bakit ba pinapatagal mo pa ang lahat !!! Ha !!! Sigaw ni Oswald na gumagapang sa katawan nya ang ugat na itim habang umaapoy ang isang kamay nya
Dumating si august para pigilan siya
" master !! Nangako kang hindi sya sasaktan !! Tumigil ka Master !! Sigaw ni August
" wag kang lalapit sakin !! August !!" Galit na Sigaw ni Oswald
" master !! " dinala ni Oswald si jewel sa gilid ng riles ng mabilis na train habang hawak nya ito sa leeg
" bibigyan kita ng dahilan na mabuhay Oswald , Alam ko ang pakiramdam mo dahil naisip ko na din dating mamatay para takasan ang pagkatao ko " hirap sa pagsasalita ni jewel na tumutulo ang luha na nahihirapan sa pagkasakal ni Oswald
" tumigil ka na !!! Wag mo ng paikutin pa ang utak !!jkung hindi mo pa ko papatayin !! Mabuti pang mawala ka nalang !!! Lalong humigpit ang kamay ni Oswald sa pagkakasakal kay jewel
Binaba ni jewel ang kamay at hindi nya na pinigilan ang kamay ni Oswald sa pagsakal sa kanya
" Tama ka Oswald , ang tulad ko ay dapat hindi na mabuhay pa - ang totoo matagal ko na dng gustong mawala sa mundong to dahil ayoko na ng kalungkutan at pighati ayoko na ring makita ang mga Tao sa paghihirap nila , ang pangarap kong maging tao ay hindi na kailanman matutupad pa dahil kahit Anong gawin ko isa akong halimaw din tulad mo , maaring kapag patay na ako makaranas ako ng katahimikan at kaligayahan na matagal ko ng ninanais Tama , " sa isip nya pumikit si jewel at tinanggap ang gagawin sa kanya ni Oswald
Pero natigilan si Oswald ng makita sya nito na hindi lumalaban agad na binitawan ni Oswald ang leeg nya at napaupo syang hinahabol ang hininga habang napahawak sa leeg
Habang nakayuko si jewel at Nanghihina naramdaman nya ang pagpatong ng ulo ni Oswald sa balikat nya na napaupo rin na nakaharap sa kanya
" bakit ? Bakit hindi ka lumalaban ? Bakit Mas gusto mong mamatay kesa sa patayin ako ? Bakit jewel ? Ano bang klaseng nilalang ka ? "Bulong ni Oswald na nakayuko sa balikat ni jewel
Inilagay ni jewel ang kamay sa ulo ni Oswald gayundin ang isa nyang kamay sa likod nito
" , Alam kong wala akong kayang gawin para mapawi ang hirap na nararamdaman mo pero tutulungan kita maging malaya at maging masaya , susubukan kong pawiin ang lungkot na nararamdaman mo , pangako hi-hindi kita iiwanan " sabi ni jewel kay Oswald habang yakap nya ito
Mabilis na dumaan ang tren sa gilid nila hanggang sa makalagpas ito at nagdilim ang paligid sa underground