Naguusap si august at Oswald sa loob ng classroom ng hapon Tungkol sa pagiging malapit ni Beatrice kay jewel
"Anong gagawin natin Master ? Mukhang kumikilos na si Beatrice " sabi ni August
" hayaan lang natin sya , gusto kong makita ni jewel kung Ano ang mga ugali ng mga shadows na gusto nyang tulungan ," sabi ni Oswald ng inaayos ang libro na ginamit
Nagmamadaling maglakad si jewel palabas ng university habang pa lingon lingon sa paligid kung nakasunod ba sa kanya si august o si Oswald pero wala syang nakita kaya agad na sumakay sya ng bus at umupo sa malapit sa bintana na huminga ng malalim
" Simula ng makita ko si Oswald hindi na ko mapalagay sa lugar na to , sa pagkakaroon ko ng kapangyarihan kaakibat nito ang Kahit na anong gawin ko hindi magiging normal ang buhay ko , na kahit Anong gawin ko hindi ko mararanasang mamuhay bilang tao " nakasandal nya sa bintana ng makita nya ang isang lalaking matanda na kasunod ang isang shadows na kukuha sa itim na kaluluwa nito na hinihigop nito ang itim na usok na galing sa katawan ng matanda
Tatayo sana si jewel ng May humawak sa kamay nya " oras nya ng mamatay jewel kaya wala ka ng magagawa sa oras na tulungan mo sya , malalaman nilang Kendra ka - maaring hindi Lang ang matanda ang mamatay dito " mahinang sabi ng boses na nasalikuran nya ng agad syang tumingin dito nakita nya si Oswald na naka subrero at nakasuot ng eyeglass nakayuko ito kaya hindi nya nakitang nakasakay na doon
Bumalik sa pinagkakaupuan si jewel , binitawan sya ni Oswald " alam mo Kahit na anong gawin mo ang shadows ay shadows hindi mo sila mapipigilan dahil yon ang dahilan kung bakit kami dinala sa mundong to -ang kumuha ng kaluluwa ng mga masasamang tao jewel " nakayuko ng sabi ni Oswald habang nasa harap nakaupo si jewel
Alam kong May paraan pa , Naniniwala parin akong di lahat ng shadows ay masama maaring wala Lang silang pagpipilian ," Bulong ni jewel sa sarili ng pagbaba nya mapansin ng mga pa sahero na patay na ang matandang lalaki kaya agad silang nagkagulo habang si jewel ay hindi na lumingon sa bus kasunod si Oswald sa paglalakad
" bakit ka ba sunud ng sunod sakin ? Naiinis na sabi ni jewel lumilingon sya kay Oswald
Hindi kita sinusundan May pupuntahan ako sa lugar na to kaya ako nandito " sabi ni Oswald
Habang nasa isang shortcut na kalye sila papunta sa apartment building ni jewel
"Ahh talaga , San naman yun ? " sabi ni jewel ng makita nyang lumiko sa paglalakad si Oswald
" Grabe basta na Lang umalis , San kaya sya pumunta ? Bahala sya " di nakatiis si jewel at sinilip nya ang pinasukan ni Oswald na isang maliit na eskinita na sa dulo ay May bantay na lalaking nagbabasa ng dyaryo habang nakaupo
" excuse me mr May nakita ba kayong lalaking pumasok dito ? Tanong nya sa lalaking homeless
Tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa at tumitig sa kanya " Oo Ikaw siguro ung sinabi nyang babae nasa loob sya - sabi ng lalaki ng tumayo ito at kumatok sa pinto
Bumukas ang pinto na bakal at pinapasok sya sa loob" Sandali Anong lugar po ba to ?? Tanong ni jewel ng May telang itim na nakaladlad sa kisame na ginagawa nya hanggang sa makarating sya sa dulo at May makapangyarihan pinto nasilaw sya ng makita ang ilaw ng mula sa disco light sa loob ng bar , na Maraming nagsasayawang mga shadows gayundin ng mga Tao May mga pooldancer na nakatayo piece na sumasayaw sa mga stage habang May dj sa harap na syang nagtutugtog
May mga waitress din na shadows na May tattoo sa likod na nakasuot ng itim na sexy dress na napatingin kay jewel agad na umiwas sya sa mga ito
" ba-bakit ba ko pumasok sa lugar na to , kuta ng mga shadows ang lugar na to - Napaatras si jewel ng makita ang mga nagkalat na shadows sa paligid ng aalis na sana sya ng humawak sa balikat nya si august mula sa likod at inalalayan sya
"
Jewel relax Lang , hindi nila alam na Kendra ka , kaya wag kang matakot , Halika nandoon si master " sabi sa kanya ni Oswald na agad hinawakan ang braso niya at hinila sya at dumaan sa mga nagsasayawang mga tao
" bakit nya ko pinapasok dito ? Kabadong sabi ni jewel ng makita si Oswald na nasa 2nd floor nakaupo sa sofa habang May kabilangan na dalawang babae
"Relax Lang jewel ito ang teretoryo namin wAlang gagalaw sayo dito ,pwede kang uminom at magenjoy dito kung gusto mo " sabi ni August ng hinila sya paakyat palapit kay Oswald
" ayoko dito uuwi na ko " sabi ni jewel ng inalis nya ang kamay ni August ng nasa harap na sila ni Oswald na hinahalikan ang tenga ng isang babaeng katabi habang ang kamay nito ay nakahawak sa tyan nito
Iniwas ni jewel ang tingin sa ginagawa ni Oswald sa babae , nang mapatingin si Oswald sa kanya" jewel Tama nga akong susundan mo ko curious ka kung San ako pumunta , ? Ito ang teretoryo ko welcome sa mundo ng mga shadows jewel , sabi ni Oswald ng inangat ang dalawang kamay na pilyong ngumiti
Nakatingin kay jewel ang dalawang babae na nakasuot ng black sexy dress na parehas na May blonde hair
" aalis na rin naman ako ,ayokong makaistorbo sanyo Sige bye" Inis na sabi ni jewel ng tumalikod na pero agad na nagsalita si Oswald
" Akala ko ba gusto mong maintindihan ang mga shadows , kung gusto mong malaman ang kahinaan ng mga shadows dapat matuto kang makisalamuha sa kanila kaya ito malaya kang gawin ang gusto mong sa lugar na to " sabi ni Oswald ng inalis ang eyeglass at ginulo ang buhok , pinaalis nya ang dalawang babaeng katabi At humawak sa magkabilang sofa
" Tama sya , sa lugar na to malalaman ko ang kilos ng mga shadows na tulad nya , pero natatakot ako pano kung pag tulungan nila ako at di ko makontrol ang kapangyarihan ko , kelngan ko Lang makasabay sa gusto nila " sa isip ni jewel bumalik sya at umupo at agad na tumungga ng isang bote ng alak
Papayag ka rin pala , sige uminom ka Lang kahit Ilan pa ang gusto mo " senyas ni Oswald sa waitress para magdala ng mga alak ng mapatingin sa kanya , silang dalawa lamang ang nasa sofa habang si august ay nagbabantay sa malayo , tumayo ang dalawang babaeng nasa tabi ni Oswald at bumaba ng hagdan
"Tutal sinabi mo ng kelangan kong makisalamuha sa mga shadows para maintindihan sila , sisimulan ko na sayo Sabihin mo sakin kung San ka galing Oswald ? At Anong klaseng kapangyarihan ang meron ka ? Naging Tao Karin ba o pinanganak kang isa ng shadows I kwento mo sakin ang buhay mo ? At bakit gusto mong patayin kita !!" Matapang na sabi ni jewel habang nakatitig kay Oswald dahil sa maimpluwensya na alam lumakas ang loob nya
Bahagyang napangiti si Oswald at tumitig kay jewel " Sige sasabihin ko sayo ang tungkol sakin kung sasabihin mo sakin ang tungkol sayo , gusto kong malaman lahat -maging tinatago mo sa katawan mo " sabi nito ng ibinaba sa ashtray ang sigarilyo
" sige sasabihin ko sayo , !!" Derektang sabi ni jewel ng nakatitig sa mukha ni Oswald
"Pinanganak ako sa Romania year 1300 BC I'm the eldest son of a poorest family , sina Michael at Josephine panahon ng agawan ng mga palasyo at digmaan -" sabi ni Oswald ng biglang kinuha nya ang alak at sumeryoso ang mukha nya
Pinagbubuntis palamang si Oswald ng kanyang Ina , nagpalipat lipat sila ng baryo dahil sa banta ng mga pagsalakay ng mga kawal sa kabilang syudad ng Syrian , sakay ng karwahe gabi Malakas ang ulan nagmamadali ang magulang ni Oswald na tumakas ng May isang matandang lalaki silang nakita sa daan na syang humarang sa kanila
Bumaba ang kanyang ama at tiningnan ang matandang lalaki na nakaupo sa daanan at tinulungan gayundin tumulong sa pagaakay ang kanyang ina na buntis na noon at Pinasakay ang matandang lalaki
Pero hindi nila alam na ang matandang lalaki ay isang dem*ny* na isa sa mga nagdala ng shadows sa mundo dinala nila ito sa pinagtaguan nilang mahirap na baryo binigyan ng pagkain at inumin
" maraming salamat sa tulong mo sakin Michael dahil sa Ginawa mo bibigyan kita ng pabuya , " Seryosong sabi ng matandang lalaki sa ama ni Oswald habang nasa harap ng apoy na siga
" " di na po kelangan ginoo , sapat na po smin ang makatulong " sabi ng ama nya habang abala sa pagsisibak ng kahoy at ang Ina naman nya ay abala sa pagtahe ng pang batang damit
" sigurado ka ba Michael , pero bakit hindi mo nagawang tumulong sa iyong mga kapatid at hinayaan mong iligtas ang sarili mo - nakita kong lahat ang ginawa mo - " sabi ng matanda ng uminom ng tubig habang nakatingin sa kanya , tinutukoy nito ng sumalakay ang mga kawal sa kanila nakapagtago agad silang magasawa pero hindi nya natulungan ang pamilya ng kanyang kapatid na May dalawang babaeng anak na nasa edad 9 years old at 12 years old na pinatay ng mga ito sa takot ng ama ni Oswald tumakas na lamang sila
Natigilan ang ama ni Oswald at mahigpit na hinawakan ang itak " Sino ka ? Anong kelangan mo samin ? Matapang na Tanong nito sa matanda
Natakot ang Ina ni Oswald na agad na napatayo ng makita ang reaksyon ng asawa
" ako ? Marami tinatawag sakin black keeper , demonyo , kadiliman kasamaan , nasayo kung Anong I tatawag mo sakin ? Michael " ng umitim ang mata ng matanda ng mahinahong tumayo ito
Nagmadaling lumapit ang Ina ni Oswald sa asawa at takot silang nakatingin sa matandang lalaki
" sa totoo nyan hindi Ikaw ang pakay ko kundi ang munting nilalang na nasa tyan mo babae " Turo sa tyan ng matandang lalaki sa Ina ni Oswald
"Lumayo ka samin !!! Wag kang lalapit halimaw !!! " I winasiwas ng ama ni Oswald ang hawak na itak sa matanda pero hindi ito natinag
Hanggang sa lumapit ito sa kanila tinaga ng ama ni Oswald ang matanda sa leeg na agad bumaon sa leeg nito , walang dugong lumabas kundi itim na usok lamang
" Anong klaseng nilalang ka !!! Takot na napaatras ang ama ni Oswald hanggang sa tumawa ang matandang lalaki at binunot ang itak sa leeg nya at inihagis at bumaon sa bato
" sinabi ko na sayo kung Ano ako !! Hahayaan kitang mabuhay sa ngayon Michael pra sa iyong Anak , wala ka ng magagawa dahil isa na sya samin , " sabi ng matandang lalaki ng itinapat ang kamay sa tyan ng Ina nya
" wag !!! Pakiusap wag ang anak ko !!!! Maawa ka Ako nalang wag ang anak ko !!! Pagmamakaawa nya ng lumuhod na Sigaw nito pero wala silang nagawa , nagkaroon ng itim na tattoo ang tyan ng Ina ni Oswald na syang tatak na ang isisilang nya ay isang shadows , sumakit ng husto ang tyan ng Ina ni Oswald hanggang sa mahimatay ito agad na nilapitan ito ng asawa na umiiyak
" dapat na maging masaya ka Michael dahil magtataglay ng kapangyarihan ang iyong anak at hindi na sya mamamatay pa ,- " sabi ng matandang lalaki ng biglang naglaho
Simula ng nangyaring yon lagi ng umiinom ng alak ang kanyang ama at tinakwil nya ang sanggol sa tyan ng asawa ,
Nanganak itong kasabay ng pagkasunog ng mga bahay ng kanilang kapitbahay at pagkawasak ng kanilang taniman , isinilang si Oswald na May tatak sa kanyang dibdib na sagisag ng shadows dahilan ng pagkatakot ng nagpaanak sa kanyang Ina na agad Tumakbo ,yakap sya ng kanyang Ina habang binalot sya sa kumot
Lasing ang kanyang ama at Galit na Galit ng makita sya
Inaagaw sa asawa ang sanggol na si Oswald para patayin sya pero hindi nito natuloy dahil sa bigla nyang pagiyak naawa ang kanyang ama sa kanya at hinayaan nalamang syang mabuhay
Sa kanyang pag laki Naging iba sya sa mga batang nakasalamuha nya , Sampung taon sya ng ipinanganak ng kanyang Ina ang bunso nyang kapatid na lalaki habang May roon pa syang kapatid na limang taon na lalaki din , sa panahon na yon lalong tumindi at lumakas ang kapangyarihan nya
Magkasama sila sa paglalaro sa Palayan ng kanyang kapatid na limang taon ng madaanan sila ng mga batang May dalang bato dahil sa tinatawag silang pamilya ng mga mangkukulam , pinagbabato sila ng mga ito hinarang ni Oswald ang kanyang katawan sa mga bato at para protektahan ang kapatid dahilan ng dami ng Tama nya sa ulo at sa ibang parte ng katawan na agad nagdugo sa Galit ni Oswald sumigaw sya , at agad na nagkaroon ng apoy sa paligid na nasunog ang mga batang bumato sa kanila gayundin ang buong palayan
Tumakbo sila ng kanyang kapatid patungo sa bahay nila kasunod ang mga taong bayan dahil sa ginawa ni Oswald
Nagalit sa kanya ang ama pero sinubukan silang itakas kasama ng asawa kaya itinago nya ang mga ito sa ilalim ng bahay nila mula sa pinasadyang hukay at ang ama nya lamang ang humarap sa mga Tao
Hindi matigilan ang Galit ng mga Tao habang naka Silip si Oswald nakita nya kung paano binugbog hanggang sa mamatay ang kanyang ama at sinunog ang bahay nila
Dahil sa ginagawang apoy ni Oswald tinakpan ng kanyang Ina ng tela ang kanyang mata para hindi nya makita ang mga dadaanan nila habang hila sya nito , naririnig nya ang iyak ng kanyang Ina at mga kapatid habang tumatakbo sa kagubatan , hanggang sa makarating sila sa gilid ng matarik na bangil at pinalibutan ng mga Tao
Umiiyak at nagmamakaawa ang kanyang Ina na wag patayin ang kanyang mga anak pero walang awa ang mga Tao , pinakarga kay Oswald ang bunso nyang kapatid at tinago sa likod ng Ina gayundin ang kapatid nyang limang taon habang nakikiusap ito sa mga Tao
Pero hindi nakinig ang mga Tao at sa halip pinana ang kanyang Ina , sa bahagyang silip ni Oswald sa telang nasa mata nakita nya ang pagtulak sa kanya ng Ina sa bangil habang karga nya ang kapatid na bunso naiwan ang kapatid nyang limang taon sa mga Tao na umiiyak , habang namatay ang kanyang Ina
Bumagsak sa batuhan si Oswald ng nagkabali Bali ang buong katawan , nagkamalay sya at gumaling ang mga sugat ng hinanap nya sa paligid ang kapatid pero hindi nya ito nakita
Umiyak sya ng umiyak at nagpalaboy laboy sa ibat ibang syudad , namalimos at naging pulubi hanggang sa makita nya ang matandang lalaking dem*nyo nasumpa sa kanya na syang nagturo sa kanya kung papano maging shadows tinuruan sya nitong makipaglaban at papano kontrolin ang kapangyarihan nya at tumira sila sa transalvynia
20 years old ang kauna unahang beses nyang Mambiktima ng tao , isang babae prinsesa ang kanyang biktima , panahon ng mga hari at reyna nagkaroon ng bahagyang katahimikan sa digmaan pero matindi ang nangyayari ng agawan sa katayuan ,
Nagpanggap sya bilang isang kawal , dhil sa ang prinsesa ay nakikiapid habang itoy May asawa sya ang naging target ni Oswald , Nilason ito mismo ng asawang lalaki hanggng sa mamatay habang nakahiga sa kama
Habang nasa tabi ni Oswald ang matandang lalaki , nilapitan nya ang nakahigang babaeng wala ng buhay at hinigop ang kaluluwa nito hanggang sa umitim ang kanyang mga mata , at naramdaman nya ang kakaibang drive na hinahanap hanap na ng katawan nya
Iniwan na sya ng matandang lalaki hanggang sa sya nalamang magisa ang naglakbay sa ibat ibang bansa , nawala na sa isip nya ang pagiging tao gayundin ang hanapin pa ang mga kapatid na nawala , tinuring nya ang sarili na dyos dahil sa lakas ng kapangyarihan taglay nya , ibat ibang digmaan na ang kanyang nakita , ibat ibang babae na ang kanyang na katabi sa kama , lahat na mamatay sa paligid pero hindi ang tulad nya , nagkaroon sya ng ibat ibang grupo ng shadows pero iniwan nya ang mga ito at nanatiling magisa hanggang sa ang taon na makilala nya si jewel nagbago ang lahat
At ninanais nya ng mamatay dahil sa nagsasawa na sya sa Paulit ulit na nangyayari sa panahon na naranasan nya pero hindi umayon sa kanya ang tadhana dahil binuhay sya ni jewel na syang naging obsession nya dahil sa kapangyarihang taglay nito ,
Ang totoong nais nyang magkaroon ng katulad ng kapangyarihan na meron si jewel dahil meron sya nito mabubuhay nya ang kanyang Ina , ama at mga kapatid gayundin Malalabanan nya ang panahon sa pag kuha ng mga buhay kaya nais nyang malaman ang sekreto ni jewel
" naging malungkot at mahirap ang buhay nya lalo ng bata palamang sya , Akala ko noon pinapanganak ang mga shadows dahil sa masasamang ginawa ng kanilang magulang pero nagkamali pala ako kung ganon galing sila sa inosentemg sanggol na ginamit lamang para sa misyon na sa una palamang hindi na nila ginusto - " hindi namamalayan ni jewel ang pagtulo ng luha nya habang nakatingin sa bote ng alak na naubos na sa kwento ni Oswald
Ngumiti si Oswald ng lumapit sa kanya " bakit ka umiiyak ? Nalulungkot ka ba sa nangyari sakin jewel ? Pinunasan nya ng daliri ang luha ni jewel habang nakaupo sa tabi nito at inilagay sa bibig nya para tikman ito
Nainis si jewel sa ginawa ni Oswald at Pilit syang lumayo pero nahihilo sya dahil sa Nainom
" wag mo kong hahawakan !!!na— nalulungkot ako sa batang Oswald at sa kapatid nya gusto kong mahanap sila gusto kong malaman kung buhay pa sila - di mo ba nais makita ang mga kapatid mo sabi ni jewel na tila lasing na inaangat ang kamay
Natigilan si oswald na tila nainis sa sinabi ni jewel " hahanapin sila , nagpapatawa ka ba ? Sa tingin mo ba buhay pa sila ngayon sa tagal ng lumipas ang panahon siguradong patay na sila , isa pa Ano bang pakialam mo sakin Ha jewel !!! Hindi porket sinabi ko sayo ang kwento ng buhay ko , Makikialam ka na sakin , hindi mo na ulit ako pakikialaman sa mga gusto ko jewel !!! " Galit sa Sigaw ni Oswald
" ano bang kinagagalit mo ha !!! ?? Isa pa sa tagal mong nabubuhay Mas marami kang oras na mahanap sila pero hindi mo ginawa tapos ngayon magagalit ka sakin !! Gusto kong tulungan ka para hindi mo na I Pilit sakin na patayin ka !!! Alam kong May rason kung bakit kita nakilala ito yon !!! Para sabihin sayo na dapat mong hanapin ang kapatid mo !!! Sigaw din ni jewel na nahihilo na tumayo
" Ikaw!!! Pinagbibigyan Lang kitang mabuhay dahil sa kapangyarihan mo !!! Pero napupuno na ko sayo !!! Sabi ni Oswald ng itinapat sa mukha ni jewel ang kamay
" hindi mo ko matatakot sa kapangyarihan mo !! Ilayo mo nga sa mukha ko ang kamay mo !!! Sabi ni jewel ng lasing na tinabig ang kamay ni Oswald at agad na naglakad papunta sa Maraming tao na sumasayaw na May hawak na bote ng alak
" hoy bumalik ka dito !!! Kinakausap pa kita !!! Galit sa Sigaw ni Oswald pero pagiwang gewang na hindi sya pinansin ni jewel at sa halip sumasabay sa mga taong sumasayaw na nakataas ang kamay
Habang tumatawa at paikot ikot nawala na sya sa sarili sa unang pagkakataong uminom ng Maraming alak , hanggang sa nahihilo na sya at tumingala sa mga ilaw " ngayon ko Lang naranasan ang ganito kalaya ang ganda ng mga ilaw , parang mga star sa langit " nakatingala si jewel habang nakatayo nalamang na nakatingin sa disco light hanggang sa unti unting nanlalabo ang mata nya at nagdilim ang paligid nya
Hindi nya napapansin na nasa tabi nya si Oswald na agad na sinalo sya ng matutumba at agad na kinarga sya at umalis sa lugar