Nasa isang lumang underground nakatira si Oswald kasama ang isang grupo ng mga shadows na kinabibilangan din ni august , isang tila mansion ang loob nito na May ibat ibang painting at antique na bagay at May Fire chimney sa sala kung Saan nasa tapat si blast at naninigarilyo habang nakasuot ng long sleeve na bukas ang botones at umiinom ng alak , nakaTayo naman si august sa tapat ng painting na mukha ni jewel na hindi pa tapos at wala pang kulay ang leeg at buhok nito
Nakasuot ng brown leader jacket si august , " master , si Beatrice alam nyang nandito ka sa city , hindi pa ba tayo aalis dito ? Siguradong mag pupuntahan na ang mga shadows na naghahanap sayo kapag nalaman nila na nandito ka , Pwede nating isama na Lang si jewel kung nagaalala ka sa kanya ? " sabi ni August habang nakatingin sa painting
"Oo narinig ko na ang tungkol sa blue eyed sisters masyado silang gahaman pagdating sa kapangyarihan , pwede ngang mahirapan tayong kalaban sya pero hanggat di pa sinasabi ni jewel na umalis na tayo di tayo aalis sa lugar na to , makikipaglaro ako sa kanya , isa pa matagal tagal narin akong nagtatago sa kanila ngayon na Nakita ko na si jewel , ito na ang oras para harapin ko naman sila , " ngiti ni blast ng uminom ng alak na nasa bote
Huminga ng malalim si august " master ito ang pang ika 50 pieces na painting mo kay jewel , Anong plano mong gawin sa mga painting mo sa kanya ? Curious na Tanong ni August
" plano ? Wala ? Sunugin o itago wala naman sakin ang mga painting nayan , , " sabi ni blast na di tumitingin kay august
" wala Lang sayo ang painting nato , pero si jewel mismo nakikita kong meron syang halaga sayo " sa isip ni August ng kunin ang painting na tapos na ni blast at nagpaalam sya at naglakad sa pasilyo at pumunta sa isang kwarto na May kurtina ang mga gilid ng pader hinila nya ang lubid sa May pinto at unti unting tumambad ang mga painting ng mukha ni jewel sa ibat ibang anggulo , May nakapikit nakangiti , malungkot ,pagod , masaya lahat ay si jewel na halos mapuno na ang buong kwarto nito isinabet ni August ang bagong painting sa pader
Nang umatras sya parang pagmasdan ang mga ito , nang aalis na sya ay nagulat sya ng makita si blast na nasa likod nya at nakatayo at nakatingin sa mga painting na gawa nya
" bakit ko ginawa ang mga to ? Nababaliw na ba ko August ?hindi maalis sa isip ko ang babaeng yon !!! Gusto kong patayin sya pero makita ko pa Lang ang mga mata nya di ko magawa!! Ayoko ng ganitong pakiramdam !!!! Ayokong maging mahina !!!! Sigaw ni blast ng itinapat nya ang kamay sa mga painting at lumabas sa kamay nya ang apoy pero agad na hinawakan ni August ang braso nya , ang pinigilan syang sunugin ang mga ito
" master sa-Sandali !! Si jewel ,sya ang sagot ?!! Sya ang tanungin mo ? Maaring sa ginawa nyang pag buhay sayo May ginawa sya o baka May alam sya pano ibabalik ang dating Ikaw ? Huminahon ka master !" Pigil ni August kay blast Huminahon sya at ibinaba ang kamay dahil sa nakainom napangiti ito
" Tama ka , si jewel Lang ang Makakasagot ng lahat , kaya paaaminin ko sya sa ginawa nya sakin ,aalamin ko din ang kapangyarihan nya " sabi ni blast ng agad na umakbay kay august habang nakapikit at inaantok
" master ,Kahit ako parang alam ko na ang sagot kung bakit ka nagkakaganyan , nararamdaman mo na ang pagiging tao kaya ka nanghihina marahil obsessed ka na kay jewel , - Ano kayang gagawin ni jewel pag nalaman nya to ? Ang isang eldest shadows ay Obsessed sa isang Kendra - " sa isip ni August habang buhat nya at inihiga si blast
Umalis sya at iniwan na patay ang ilaw sa loob
Biglang bumagsak sa isang rooftop ng mataas na building si Beatrice at nakasuot ng itim na fitted leather kasama si Ellery na nakasuot ng school uniform , na umiitim ang mata at May itim na usok sa katawan
Bumaba din ang isang grupo ng mga shadows bitbit ang isang duguang lalaki na bumagsak sa sahig ng rooftop na syang nagpaatras kela Beatrice ng makilala ang mga ito ,
Apat na member Ng class A shadows mula sa Asia ,
"Anong balita ? Nahanap nyo na ba si blast ? Tanong Ni JHUMPA
(Isang asian na Lalaking mukhang high school student na nakasuot ng red rubber shoes , shorts na hanggang tuhod at jacket na blue na white shirt na pang loob
May headset na nakasabet sa kanyang leeg ability Malakas ang paa nya kung sumipa ito kaya nyang makawasak isang building at mabilis sya , sinisipa nya ang mga biktima nya hanggang sa mamatay ito )
Nakaapak ang isang paa nya sa tyan ng lalaking duguan na nasa sahig na Pilit inaalis ang pagkakaapak nya ,
May isang babaeng nakasuot ng eyeglass na May straight na itim na buhok na May bangs at nakasuot ng dress na May ruffles na parang Isang cosplayer na white stocking na May bitbit na Manika na babae na kamukha nya na nasa apat na dangkal ang laki sya si FIONA isang shadows na May kakayahang kumontrol ng mga statwa o mga maniquine gamit ang makinang na sinulid
Nakahiga naman sa taas ng malaking water tank si FATTY isang shadows na nakahubad na tila sa Sumo resler na May kakaibang lambot ang balat na tila sa jellatin na kapag napadikit ang kalaban nya ay agad na nakakapasok sa katawan nya at na mamatay
Nakaramdam ng takot si Beatrice ng makita ang grupo " h- hindi pa namin sya nakikita , pero Malakas ang kutob kong nasa malapit Lang sya dahil May nakapagsabi sakin na May nakakita sa kanya " sabi ni Beatrice
Ngumiti si jhumpa , " baka naman hindi kayo seryoso sa kasunduan Beatrice , nakikilala nyo ba sya ? Sya si Leon ,shadows class c May inpormasyon sya tungkol kay blast pero nagsinungaling sya samin kaya ganito ang sunapit nya , kung makita nyo sya sabihin nyo agad sakin kung ayaw nyong matulad sa kanya " nanlilisik na mata ni jhumpa na agad tumalon ay Inapan ang lalaki at agad na sumabog ito at labas ang itim na shadows at naglaho ito habang hinihigop ni fatty ang usok nito
" pinagbabantaan mo ba kami jhumpa ? Matapang na titig ni ellery ng humahaba ang mga daliri na nagiging tila patalim
" tumigil ka jhumpa !" Sabi ng boses ng lalaking lumabas mula sa madilim na bahagi ng rooftop , nakasuot ito ng japanese school uniform na itim na May itim na buhok at nakamaskara sya ng legendary Japanese monster na May nakakatakot na itsura pero nasisinagan ang kulay brown nitong mata at puting balat
Sya ang leader nila na si RYO isang eldest shadows na kalabang mortal ni Oswald na May kapangyarihan ng tubig na kayang gawing yelo ang paligid bawat inaapakan nya ay agad na lumalamig
Pumunta sa likuran si jhumpa habang Huminahon at nakatingin parin sa blue eyed sisters
" sorry sa inasal ni jhumpa , hindi namin masyadong kabisado ang western country Beatrice dahil sa hindi namin to territory kaya kami nagpapatulong sa nyong hanapin sya - " Seryosong sabi ni ryo sa dalawang babae
"Nagbago na ang isip ko hindi na kami makikipagtulungan sanyo para hanapin si blast !! Hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay namin para Lang sa nyo !! Hindi ko na din gustong makuha ang kanlurang territory's kaya iba na Lang ang kausapin nyo !! Para hanapin si blast !!Sabi ni Beatrice
Natawa si ryo sa sinabi ni Beatrice kasunod non nakakatakot ding tumawa ang tatlong mga kasama nito
Nang biglang umihip ang kakaibang awra ni ryo ng tumigil ito sa pagtawa gyaunidn ang mga kasama nito , naglakad ito palapit sa dalawang magkapatid
"Wag kang lalapit ?!! Ryo !! Takot na napaatras si Beatrice ng mabilis na sumugod si ellery kay ryo pero agad na nahawakan ni ryo ito sa leeg at pinaling paharap kay Beatrice habang hawak ang dalawang kamay na sandata nito
" Kung ako sayo Beatrice pumayag ka nalamang sa gusto ko kung gusto nyo pang mabuhay na dalawa dalhin mo sakin si blast o papatayin ko ang kapatid mo ! Humigpit ang pagkakasakal ni ryo kay ellery habang nahihirapan ito na lumalabas sa katawan ang itim na usok na syang kinahihina nito
" ellery !!! Tama na ryo !!! Sige papayag na ako !!! Bitawan mo sya ryo !!! Sigaw ni Beatrice Huminahon si ryo at agad na inihagis si ellery na syang sumubsob sa sahig
" aasahan kong tutupad ka sa kasunduan dalhin mo sakin si blast , " sabi ni ryo ng tumalikod na sa kanila kasabay ng biglang pag laho ng grupo yinakap ni Beatrice si ellery na nanghihina na nakahiga
Matapang na tumingin si Beatrice sa malayo " blast kasalanan mo to , papatayin kita - hindi ka na sana pumunta dito " nangangalit na sabi ni Beatrice
Kinaumagahan maagang tumungo si jewel sa school para magresign tulad ng sinabi sa kanya ni natasha Nasa loob sya ng office ng principal pero hindi tinanggap nito ang resignation nya
" jewel , hindi ka maaring nagresign - Wala pa kaming nakikitang kapalit mo ? Kaka Simula palang ng semester , tataasan ko ang sahod mo kung yon ang problema " sabi sa kanya ng principal na lalaki na agad ibinalik sa kanya ang resignation letter
" pero ser hindi po sahod ang problema ko., magaabroad po ako kaya po ako magreresign please tanggapin nyo na po ser- aalis na po ako " Pakiusap ni jewel habang sumusunod sa prinsipal na nagdidilig ng halaman nya sa loob ng office
" jewel , kelangan ka ng university lalo na ng library wala na kong nakitang kasing honest at dedicated mo sa trabaho , bibigyan kita ng mga benefits na kelangan mo o 1 week vacation pero please wag kang umalis jewel , lalo na ngayon na maraming bagong students kelangan ka nila - Sige na jewel pagisipan mong mabuti ang alok ko " sabi ng prinseipal sa kanya ng lumabas na si jewel at napabuntong hininga nalamang
"Pano ngayon to ?kung di pa agad ako aalis dito malalaman ni Beatrice ang totoo kong pagkatao pero hindi ako papayag na May madamay na tao , isa pa sigurado akong mambibiktima sya ng mga students na nandito kaya Mas mabuting bantayan ko ang kilos nya pero si Oswald baka mapahamak sya at malaman ng Kendra ang tungkol sa kanya ahhh bakit ko ba iniisip ang lalaking un kaya nya ang sarili nya !!bahala sya " Sabi nya ng agad kinuha ang bag sa labas ng pinto
Bumaba sya sa hagdan at nakasalubong ang mga magulong mga students na tinatawag syang Ms sweeper
Pero hindi nya ito pinansin at agad na lumabas sya habang hawak ang Panlinis ng upuan sa running field ng school kung Saan nagprapractice ang mga cheerdancer , soccer player at iba pang athletes
Nakita ng mga lalaki soccer players si jewel na nagwawalis at balak syang pagtripan ng mga ito kinuha ng isang lalaki ang bola at balak na patamaan si jewel habang hawak nya ang balde ng tubig na pinapampunas nya sa mga upuan
Habang nagtatawanan ito binato sya pero hindi nya ito Inilagan napaupo sya at nataktak sa kanya ang tubig dahilan ng pagkabasa nya
" Hey ms cleaner , pa abot ng bola !! Haha Sigaw ng lalaki sa kanya na nagtatawanan pa
Nagapiran pa ang mga soccer player na tuwang tuwa na matamaan sya pero tiningnan lamang nya ang mga ito Na agad tumalikod at hindi sya tinulungan
"ahhhr - Kainis ang mga students na to wala naman silang magawa , nabasa tuloy ako " pinagpag ni jewel ang damit pero hindi man Lang sya nagalit dahil nasanay na syang ginagawa ito sa kanya ng mga Tao at ayaw nyang saktan ang mga ito para Lang gumanti
Tumayo sya at kinuha ang balde sa lupa ng nakita nyang May taong dumampot sa bola na nasa gilid nya
" bakit ka nagpapabully sa mga mahihinang tao tulad nila ? Nakakainis ang ginagawa mo ! Agad na tiningnan ni jewel ang lalaki ng makita nyang si Oswald ito at nakatingin sa mga grupo ng soccer player at mahigpit na hawak ang bola na sa sobrang init ng kamay nya ay agad na pumutok ito
" Oswald bakit nandito ka !!?? Wag kang mang gulo dito !! Anong gagawin mo ? " kabadong pigil nya ng makita nya si Oswald na nakasuot ng checkered na long sleeve na May white na pang tshirt at maong pants na nakasuot ng nerd glasses at all star na sapatos
" wag kang magalala di ko sila papatayin , tuturuan ko Lang sila ng leksyon na dapat sa kanila " , sabi ni Oswald na agad binato ang naimpis na bola na syang tumama sa isang lalaking soccer player habang nakatalikod ito na agad na napadapa sa lupa at nawalan ng malay
Nagkagulo ang mga soccer player ng agad na nilapitan ang kasamahan at tumingin kay Oswald na naglalakad pupunta sa mga ito
" f*ck you !! Sino ka !!! Bakit mo sya binato !!!sigaw ng mga lalaki ng sumugod kay Oswald na agad sinusuntok sya pero mabilis nya itong iniiwasan hanggang sa napasubsob ang mga ito sa lupa
" August pigilan mo sya !! Baka May makakilala sa kanya !! " pgaalala ni jewel ng nakatingin kay oswald habang iniiwasan lamang ang mga lalaki na hindi nya ito hinawakan
Nakaupo si august na mahinahon ang mukha " hayaan mo sya jewel , kapag pinigilan mo sya Mas lalo syang magagalit , hayan mo Lang syang makipaglaro " sabi ni August ng agad na umalis sa lugar
Napanood ng mga ibang students ang ginawa ni Oswald sa mga soccer players na lahat ay nakahiga sa lupa dahil sa pagiwas ni Oswald
" kayo , subukan nyo ulit na lumapit sa babaeng cleaner , papatayin ko kayo !Matapang na titig nya sa mga lalaki na pinilit tumayo at umiwas sa kanya , natuwa ang mga cheerdancer ng makita sya at agad na Humanga sa kanya kahit sa kabila ng nerd looks nya
Tinanaw nya si jewel pero wala na ito sa kinatatayuan nito ,
Nagmamadaling pumunta sa locker room si jewel pra magpalit ng damit " Anong plano nya bakit nandito pa sya sa university ? Malalagay sa panganib ang mga taong nandito ! Kainis ! Napakayabang nya" Matapos nyang magpalit ng damit ng tshirt at pants nagmamadali syang lumabas ng makita nyang nakasandal sa pader si oswald at hinihintay sya
" sinabi ko na sayo na wag mo kong pupuntahan dito sa university !! Dahil nandito si Beatrice naghahanap ka ba talaga ng gulo Ha Oswald !!! Tska ano yung ginawa mo kanina ? Mga students sila normal na sakin na gawin nila yon " Sabi ni jewel na agad umiwas ng makita ito
Ngumiti si Oswald na agad Narinig ni jewel kaya lumingon sya dito "pinagtatawanan mo ba ko Ha ??
" hindi , tinawag mo rin ako sa pangalan ko - ang sarap pakinggan jewel , " sabi nito na syang nagpapula sa mukha ni jewel " nandito ako kasi magtuturo ako dito di ba sinabi sayo ni August ako ang bagong professor nya sa physics , madalas akong napagkakamalan na students dahil siguro sa itsura ko Pero Mas gusto kong maging professor para palagi kitang makita "
Umiwas si jewel at nagmadaling maglakad " professor , si Beatrice professor din sya dito siguradong makikilala ka nya agad pag nagkita kayo , Anong gagawin mo kung mangyari yon ?maddamay ang mga students na nandito ? Mabuti pa umalis ka na Lang " sabi ni jewel habang nakasunod sa kanya si august at kumakaway sa mga students na nakakakilala sa kanya
" hindi nya ko makikilala kung hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ko - kapag nakita nya ko isa lamang akong tao sa paningin nya , yon ang katangian na taglay ng isang eldest shadows na tulad ko jewel ,di tulad nyong mga Kendra kaya naming magpanggap na tao , kaya marami pa tayong mga oras na magkasama jewel " ngiti nito ng mauna sa paglalakad
" Ano ? Hindi pwe—" nang Nagmamadaling maglakad si Oswald
" ms cleaner , mauuna na ko sayo May klase pa ko , magkita nalang tayo mamaya " sabi ni Oswald ng kumindat pa ito suot ang eyeglass
Bumuntong hininga si jewel " Tama ba ang desisyon ko na makipagkasundo sa kanya ? " nang nakalayo na si Oswald pag paling ni jewel sa likod nya nakita nya si bea Jean na papalapit sa kanya
Kinabahan sya at agad na inayos ang sarili " o hi miss jewel , o bakit hindi ka nakauniform what happened by the way birthday ng sister ko sa Sunday , gusto namin ng celebration sa apartment sana pumunta ka ? Malapit ka Lang tama , don't worry I invited some of my closed friend meron akong gwapong kaibigan Ipapakilala kita " sabi ni bea sa kanya ng hawakan sya nito sa ulo
" bakit nya ko iniinvite ?alam nya na kayang Kendra ako o hindi ? Kapag Tumanggi ako sa kanya mahahalata nyang iniiwasan ko sya , pero blue eyed sisters sila Malakas sila papano kung May masama silang plano sakin - hindi susubukan kong kausapin silang dalawa , Tama ito ang chance ko para malaman ang buhay nila " sa isip ni jewel ng ngumiti kay Beatrice
" sige pupunta ako , ilang taon na ba ang kapatid mo ? Para mabilhan ko sya ng regalo - sabi ni jewel na Pilit huminahon
" really thank you so much actually she's turning 15 pero maliit Lang sya , matutuwa syang makita ka jewel - o it's my time - see you around , Bye bye " nakangiting sabi sa kanya ni Beatrice na tila wala itong tinatagong kakaiba
Nakita ni August na kinausap sya ni Beatrice pero nakatago ito at hindi sya nilapitan at agad na umalis
Hindi nya nakita si natasha sa university basta ang sabi sa kanya ni August nagout of town daw ito , pero ang totoo pumunta si natasha sa healer academy para pangaralan ang nakuha nyang dugo ni jewel na nagliliwanag mula sa botelya na hawak nya sa laboratory habang nakasuot ng lab gown na pinagaaralan nito ang taglay nyang kapngyarihan
"