Wala ng tao sa loob ng university kundi sya na lamang na naglalakad sa malawak na field palabas ,
" 10 pm na pala , di ko na naabutan ang huling byahe ng bus " buntong hininga ni jewel na Magpa sya na Lang maglakad sa Kalye , habang sa di kalayuan sa nilalakaran nya May grupo ng mga lalaking nag aabang sa gilid ng eskenita na umiinom at naninigarilyo ng mapa daan ang isang babae na nakasuot ng office attire na black miniskirt na Nakalugay ang black na buhok at May sexy na katawan na naglakad sa harap nila
Sinipulan nila ito at agad na kumindat ng lumingon sa kanila ang babae na May kulay blue na mata at magandang mukha na parang pangmodel , sumunod sila sa babae
" hi miss , are you lost ? Gusto mo ba ng tulong ?lets go guys "nakangising sabi ng mga lalaki
Lumapit ang isa sa kanila at hinawakan sa balikat ang babae
" Oo medyo natatakot kasi ako magisa pwede nyo ba kong samahan" inosenteng sabi ng babae ,
, dahil gutom na ko —- " sabi ng babae ng lumingon ito sa kanila at agad na hinila ang kamay ng lalaki at hinawakan sa ulo at agad na binagsak sa lupa na agad na durog at lumabas ang dugo sa bibig tenga at mata nito , nang Namula ang mata ng babae tila May sinisinghot , lumabas sa katawan ng lalaki ang itim na usok na syang agad na hinigop ng babae ,
" isa kang halimaw !!!! Takot ng apat na lalaking na sa takot at napaupo sa ulo na agad nagpiglasan sa pag takbo
BLUE EYED Beatrice
CLASS A- shadows
French woman na ilang years ng nabubuhay sa mundo , walang sinusunod na leader At walang grupo
Isa sa makapangyarihang shadows na hindi madaling makalaban ng mga Kendra clan
May Kakayahang humaba ang mga daliri nya at maging matalim at makahiwa ng anumang bagay .
" hmmm nakakainis naman , bakit lumalayo kayo sakin - Akala ko ba gusto nyong samahan ako , " sabi ng babae ng pinunasan ang labi at iniwan ang natuyot na katawan ng Biktima nya at naglakad patungo sa tinakbuhan ng mga lalaki
Tumakbo ang mga lalaki hanggang sa makarating sila sa tapat ng lumang building ,
" Nakita nyo ba yon? Ha-halimaw ang babaeng yon !! She's a monster !!! Tumawag kayo ng pulis " pawisang takot na sabi ng mga lalaki ng May makita silang isang batang babaeng nasa 14 pataas ang edad na nakayuko at May kinukuhang bola sa kanal ,
"Yung bata " Sabi ng isang lalaki , tinuro nila ang babae at agad na pinuntahan , nakaponytail ang buhok nito na May blue eyes din habang nakajumper na maong at pink tshirt
" hey , Anong ginagawa mo dito ? Delekado dito Halika na Dali umalis na tayo dito !!"Hila ng lalaki sa batang babae na tinuturo anv bola nya
" yung bola ko , Sandali Lang kuya , " Turo nito sa bola nya pero hinila parin sya ng mga lalaki at nagmamadaling maglakad habang tumitingin sa paligid ,nang natigilan sila sa paglalakad ng nakasandal sa bakod ang babaeng nakita nila
" bakit naman umalis kayo agad hindi pa tayo nagsisimula sa laro natin ahh " sabi ng babae ng humarap at ngumiti sa kanila
Agad na dumampot ng kahoy ang mga lalaki para Humanda sa paglaban sa babae "Lu—-lubayan mo na kami babae !!! Kung — kung ayaw mong masaktan , isa kang halimaw , tatawag kami ng pulis sasabihin namin sa kanila ang katauhan mo " pangangatog ng isa nilang kasamahan na May hawak na kahoy habang umaatras
" talaga ?? Pulis ?? Sa tingin nyo ba maniniwala sila sanyo ?? Isa akong babae , pwede kong sabihin na nais nyo kong pagsamantalahan o kaya pagnakawan , maniniwala sila sakin kesa sanyo hahahaha " sabi ng nakakatakot na tumawang babae
Nang sumugod ang isang lalaki na May hawak ng bote at pinalo sa ulo ng babae , nabasag ito pero hindi ito nasaktan , napaatras ang pumalo sa kanya
"Ikaw !!!! , hinawakan mo ang buhok ko !!!! Papatayin kita !!!! Sigaw ng babae na Galit na Galit na agad na nangitim ang mata at humaba ang mga daliri na naging patalim at agad na sinaksak sa tyan ang pumalo sa kanya at pinutol ang ulo nito
Sa takot ay napasigaw ang mga lalaki sa kanila , gayundin ang batang babae na hawak ng lalaki na agad itinulak sya at nadapa sa harap ng babae ,
" kuya tulong !!! Tulungan mo ko !!" Pagmamaawa ng batang babae
Bakit mo ginawa yon ?? Bakit mo sya itinulak ? Sabi ng isa na nakonsensya syang iwan ang bata ng babalik sana sya habang hawak sa damit ang kasamahan
" Bitiwan mo sya !!! Wag mo syang saktan !!! Sigaw ng lalaki ng may Hawak na kahoy agad pinalo nya ang babae at hinila ang bata at inilagay sa likod nya " tumakbo ka na !!! Umalis ka na !!! Dali !!!! Sigaw ng lalaki
Umiiyak ang bata sa takot pero hindi umaalis sa kinatatayuan nya
Nagalit ang babae at agad na pinutol ang kahoy na hawak ng lalaki
Pare Halika na tumakbo ka na !!! " tawag sa kanya ng isang lalaki agad na hinawakan nya sa braso ang bata at akmang tatakbo pero hindi ito umiimik at nakayuko Lang
" Halika na !!!! papatayin nya tayo !!! " pero Natigilan sya at natakot at agad na binitawan ang braso ng bata ng marinig nya ang Malakas na tawa nito hanggang sa inangat nito ang mukha
" Ano ba Ellery ? Ang hilig mo talagang makipaglaro sa pagkain ?" Sabi ni Beatrice sa bata
" Ang galing ko bang umarte ? Hahahahaha tulungan nyo ko mga kuya hahahahah, napadali talagang paikutin ang mga Tao"malakas na tawa ni ellery na nangitim ang mga mata
Lumayo ang mga lalaki sa bata ng biglang mangitim din ang mata nito "wahhhhh !!!!halimaw !!!!parehas silang halimaw !!!" Nang napasigaw ang lalaki sa sobrang gulat at takot ng makita ang bata
BLUE EYED ELLERY
Sister of Beatrice class A shadows
Tulad nito ilang years na rin itong nabubuhay pero tinatago ang lakas nito sa batang itsura
nagiging kadena ang kamay nito na ang dulo ay May karet na syang pinangaatake nya sa mga nagiging biktima nya
Tulad ni Beatrice walang awa din itong umaatake na parehas na walang sinusunod na batas ngshadows ,
" shhhh , .....wag kayong maingay —" ng bigla maglaho sa tabi ng babae ang bata at lumitaw na nakasampa sa likod ng isang lalaki at nakahawak sa bibig nito na naginginig sa takot " gusto ko Lang naman makipaglaro sanyo ah " pawisan ang lalaki na nanginginig sa takot na Pilit inaalis sa bibig nya ang pagkahawak sa kanya ng batang babae
Tumakbo ang isang lalaki at agad na naabutan sya ng babaeng humahaba ang kuko at natusok sya sa likuran habang ang isa naman ay sa hita natamaan
Pilit paring tumakbo ang May tama sa hita Kahit na duguan ito
Buhay pa ang lalaki ng Pilit hinigop ng bata ang itim na usok sa katawan nito habang nasa likod sya at mahigpit na nakahawak sa ulo nito
Hanggang sa natuyot na ang katawan nito at tuluyan ng mamatay gayun din ang ginawa ng babaeng nakauniform sa isa pang lalaki Matapos ay inihagis nila ang mga katawan nito
" kulang pa ang nakuha kong anino , nagugutom pa ko " sabi ng bata na tila nainis
" sige na sayo na yong natira , " sabi ng babaeng nakauniform na bumalik na sa normal ang itsura
" talaga ? Yeay - " biglang naglaho ang bata na tila usok na itim
Napadaan si jewel sa isang madilim na kalye nang agad syang napalingon sa gilid nito
" Ang pakiramdam na to ,... " Nanlaki ang mata nya na napaatras at ibinaba ang kamay na mahinang nagliwanag na agad syang tumingala sa kalangitan nakita nya ang tila itim na usok na dumaan , nagmadali syang tumakbo at sinundan ang usok kung san ito tutungo hanggang sa maabutan nya ito
Nakita nya ang isang babae na nakatayo na naging kadena ang kamay nito na sa dulo ay hila hila ang isang Karet na agad tinusok sa lalaking napahiga sa basurahan
" huli ka - sana ginalingan mong magtago " sabi ng batang babae na agad hinigop ang itim na anino sa katawan ng lalaki kahit buhay pa hindi
Nakatayo si jewel sa sulok
" Shadows ang babaeng yon ..pa—panong buhay pa ang lalaking nagawa nya ng makuha ang itim na anino nito ,.. tumigil ka—— " May humila sa kanya at agad na tinakpan ang bibig nya
" shhhh - wag kang maingay kung gusto mo pang mabuhay ..." sabi ng lalaking mahigpit na nakahawak sa bibig at baywang nya
Narinig ng batang babae ang kaluskos mula sa kinaroroonan nila kaya agad na napalingon ito at mabuti na lamang agad na nakatago sila , tila naramdaman nitong May ibang Tao
" tapos ka na bang kumain ? Pwede na ba tayong bumalik sa condo ? " sabi ng babaeng nakaoffice attire na itinali ang buhok
"Wala kabang nararamdaman ?? may ibang taong nandito - " sabi ng batang babae na tinuro ang kinaroroonan nila jewel at ng lalaking May face mask na itim Na mahigpit na nakahawak sa kanya
" talaga — Sino ang nandyan lumabas ka ? Wag ka ng mahiya " naglakad ang babaeng nakaoffice uniform patungo sa pinagtataguan nila jewel ng biglang bumagsak sa harap nila ang isa pang shadows Na mula sa taas ng building Habang umuusok ang pinagbagsakan nito
Napaatras ang dalawang magkapatid ng makilala nila kung Sino ang lalaking bumagsak
" Anong ginagawa mo dito !!??? Territory namin ang lugar na to !!! Sabi ni biatrice na halatang natakot ng makilala ang lalaki
" wag kang magalala hindi kayo ang pakay ko - " sabi ng teenager na lalaki na tumayo ,
Sya si JHUMPA
Isang asian na Lalaking mukhang high school student na nakasuot ng red rubber shoes , shorts na hanggang tuhod at jacket na blue na white shirt na pang loob
May headset na nakasabet sa kanyang leeg
Ability : super strength kicker
" nalaman nyo na ba ang nangyari sa emilie ville ? Nagpakita na si blast doon ?? May nakapagsabi na nandito sya sa Washington Kaya ako pumunta dito para sabihan kayo, sa oras na makita nyo sya IPaalam nyo agad samin , " matapang na sabi ni Jhumpa sa kanila
" Ano !! Alam mo namang hindi kami sumusunod kahit kanino!! Wala akong pakialam kay blast o kanino man kaya kung ako sayo umalis na kayo dito !!! Sigaw ni Beatrice kay Jhumpa
Matapang na ngumiti si Jhumpa " baka nakakalimutan mo kung sinong kaharap mo Beatrice " sabi nito ng yumuko ito at dumampot ng bato sa lupa
" pumapayag kami sa gusto mo Jhumpa " matapang na sagot ni Ellery na agad humarap sa kanya - dadalhin namin sya sayo sa kondisyon na ibibigay mo samin ang territory sa berklin " sabi ni Ellery
" ano bang sinasabi mo Ellery !! Itigil mo yan !! Hindi ka dapat makipagkasundo sa kanya !!" Galit na pigil ni Beatrice
" Sige , ibibigay ko sayo ang berklin - kapalit ni blast - aasahan kong tutupad kayo sa usapan " ngiti nito ng agad na maglaho sa harap nila
" d*** it , bakit na naman sila nagpakita !!! Si blast Hindi ko pa nakikita ang mukha nya , dahil isa syang oldest shadows May kakaibang kapangyarihan si blast kaya dapat hindi ka pumayag sa gusto nya !- " nang galit na sabi ni Beatrice na agad naglakad paalis
" kilala ko ang grupo ni Jhumpa hindi sila titigil hanggat di nila nakukuha ang gusto nila , kaya makipaglaro nalang tayo sa kanila " Seryosong sabi ni Ellery ng makita ang mga anino na nasa taas ng building na pinapanood ang paguusap nila
"Tara na nga kelangan ko ng maligo — ewww , Ang baho ko na - sabi ni Beatrice na agad naglaho
Habang si Ellery ay muling lumingon sa pinagtataguan nila jewel at naglaho na
Hinila ng lalaki si jewel hanggang sa pumasok sila sa loob ng isang building
" Bitiwan mo ko !! Sino ka ?? Bakit mo ko pinigilan !! Isa ka ring shadows !!! Nang agad na tinulak ni jewel ang lalaki at tinapat ang lumiliwanag na kamay nya
" yan pala ang kapangyarihan mo ms Vienna , " sabi ng lalaki ng inalis ang facemask
Nanlaki ang mata ni jewel ng makilala na si August ito
" Ikaw ? Panong ? Kung ganon isa kading shadows !!! Nang Humanda si jewel at naglabas ng kapangyarihan sa dalawang kamay
" shhh relax , Hindi kita sasaktan , I save you , hindi mo kilala ang blue eyed sisters malakas sila at Hindi sila madaling matalo lalo na magisa ka Lang - mamatay ka Lang at uubusjn nila ang dugo mo ," sabi nito ng maglakad sa loob ng lumang bahay na May sira sirang upuan at lamesa at agad na umupo
" anong kelangan mo sakin ? Papano mong nalaman na Kendra ako ? Kaya ka ba palaging pumupunta sa library !! Para sundan ang kilos ko !!Sabihin mo ang dahilan mo !!!" Galit na sabi ni jewel ng makilala na shadows si August na lumalakas ang liwanag sa kamay nya
" sinabi ko na sayo , ms Vienna niligtas kita kung May ibang dahilan man ako hindi mo maaaring malaman iyon ,isa pa kung ako sayo hindi ko gagawing umatake maraming shadows ang nakatira dito sa Washington na Mas malalakas pa sakin siguradong hindi mo sila kakayanin kung malaman nilang may Kendra dito " sabi ni august ng bumaba sa inuupuan
" Sandali Lang hindi mo pa sinasagot ang Tanong ko !! Sabi ni jewel ng patamaan ang pader sa harap ni august na syang kinatigil nito " anong kelangan mo sakin bakit ka nagpapanggap na tao ?? !!! " Seryosong sabi ni jewel
Nang agad maglaho si August at agad na nakarating sa likod ni jewel " sorry Ms.vienna pero hindi kita masasagot - see you tomorrow " iwas nito na agad lumabas ng bahay at agad naglaho habang si jewel ay nanghina ng malaman na ang student na inakala nyang magiging kaibigan ay isa palang shadows
Agad na umalis si jewel sa lugar na yon at nagtungo sa tinutuluyang rooftop na maraming bote na May ibat ibang kulay na nakasabet sa gilid nito gayundin sa bubong nya na kapag humahangin maririnig ang pangtunog gayundin mga lumang bumbilya at lampshade na iniipon nya at ginagawang collection
Nakarating naman si august sa isang condo na bukas ang bintana , patay ang ilaw sa loob nito at May anino ng lalaking nakaupo sa sofa nito
Nagawa mo ba ? Tanong ng lalaki kay august
Opo , Wala pa silang alam na nandito sya - " sabi ni august sa lalaki Na nasa madilim na sala
" gawin mo Lang ang nasa plano , bantayan mo ang kilos niya - hindi sya maaring makuha ng ibang shadows " Seryosong sabi ng lalaking nakaupo
" sige po , master maaari ko ba ng malaman kung bakit nyo sya pinapabantayan sa akin , isa syang Kendra kalaban ng ating lahi ang tulad nya " Tanong ni august
" hindi Lang sya basta Kendra august , especial sya " sabi ng lalaki ng tumapat ang brown na mata nito sa liwanag na galing sa labas ng bintana
Agad na umalis si August at naiwan na nakatayo ang lalaki at nakadungaw sa bintana na hindi naaninag ang totoo nitong itsura