"Si August isa syang shadows , kung ganon May nakakaalam na nandito ako papano kung nandito talaga si blast , yung nakita ko kanina yung babaeng yon kaya nyang kunin ang itim na anino ng tao kahit buhay pa ito , pano nila to nagagawa - dapat bang ipaalam ko sa phantom ang tungkol sa blue eyed sisters pero kung gagawin ko yon siguradong ibabalik nila ako sa emilie ville o kaya ililipat nila ako ng bansa , tahimik na ang buhay ko sa lugar na to - si jade alam kong May alam sya sa mga shadows " sabi ni jewel na agad kinuha ang cellphone na walang battery at agad na bumukas ng hinawakan nya
Hindi maliwanag sa loob ng bahay ni jewel dahil isang maliit na bumbilya Lang ang na kulay yellow ang naroroon
" hello - jade , this is jewel "
" jewel - jewel Ikaw ba talaga to ?- mabuti naman at napatawag ka na mis na mis na kita , sorry sa nagawa ko , Galit ka pa ba sakin ?" Anong balita sayo ? Nasan ka na ? Sunud sunod na Tanong ni jade sa kanya ng marinig sya nito
" jade - sorry din kung nagalit ako sayo , alam kong ginagawa mo Lang ang tungkulin mo , wag ka ng maguilty dahil sakin, kaya ko tumawag para itanong sayo ang tungkol sa mga blue eyed sisters kilala mo ba sila ? " Seryosong Tanong ni jewel
" Ano ? blue eyed sisters ? Nang nagulat ito at agad na humina ang boses at pumasok sa kwarto nya sa tapat ng desktop nya , sa apartment na tinutuluyan nila
" papano mo nalaman ang tungkol sa kanila jewel , mga class A shadows sila - wag mong sabihin na nakalaban mo sila dyan ?? Malakas ang kapangyarihan nila !!" Pagaalala ni jade sa kanya
" hindi jade , hindi nila alam na nandito ako - pero nakita ko sila , May alam ka ba sa kakayahan nila ? Nakita ko ang pag salakay nila dito nagawa nilang kunan ng kaluluwa ang taong buhay pa , May alam ka bang informasyon tungkol sa kanila Ha ?? Jade . " Tanong ni jewel ng agad na umupo sa tapat ng lamesa nya na maraming lumang libro at papel
" ha ?? Wa...wala akong alam sa kanila jewel , hindi ko pwedeng ipaalam sayo ang tungkol sa kanila pagagalitan ako ni kuya ,,, jewel " pagtanggi ni jade na agad kinabahan ng marinig ang sinabi nya
" Jade Sige na Tulungan mo ko gusto kong malaman , para sa ganon pag nakaharap ko sila alam ko ang gagawin ko — please jade wag mo rin ipaalam sa phantom na tinanong ko sayo ang tungkol sa kanila Please " pakiusap ni jewel sa kaibigan
" arrrr— pero kasi pag nalaman ni kuya to malalagot ako —- — si... Sige na nga, pero jewel I promise mo sakin na hindi mo sila Ha harapin - ibibigay ko sayo ang informasyon tungkol sa kanila Isesend ko sa email mo — " nang mabilis na nagtype si jade at kinuha ang information tungkol sa blue eyed sisters na nasa secret file ng phantom
" jewel , sabihin mo sakin bukod sa kanila May ibang shadows ka pa bang nakita dyan ?? " Tanong ng kaibigan nya na ang tinutukoy ay si blast
" kung iniisip mo si blast , hindi ko pa sya nakikita , maaring hindi nya alam na nandito ako - wala parin akong Kendra na nakikita dito - kaya sana ilihim mo ang pinagusapan natin jade please Kahit na sa kapatid mo , para hindi malaman ng ibang Kendra ang tungkol sakin , Ha jade please " sabi ni jewel ng nakiusap sa kaibigan
" sige promise — namimis na talaga kita jewel , marami ka na ba ng nakilalang mga Tao dyan ? Maayos ba ang pakikitungo nila sayo ? " sabi ng nakangiting si jade
" Oo jade wag mo kong alalahanin salamat sa tulong mo hihingi pa ako sayo ng favor ipaalam mo sakin kung nakikipagusap si kalvinne sa iba tungkol kay blast , gayundin ang kapatid mo kung alam na ba nila ang kinaroroonan niya hmm ,please " Pakiusap ni jewel
" pe —pero jewel papano kung mapahamak ka sa paghahanap kay blast , isa pa Malakas ang blue eyed sisters wag mong tangkaing harapin sila Ha jewel , umiwas ka sa mga shadows lalo na ngayon na malayo kami , hindi ka namin agad matutulungan " Pagaalala ni jade sa kanya
" wag mo kong alalahanin jade , kaya ko ang sarili ko , Maraming salamat sa tulong mo - Sige na , magiingat kayo dyan jade " Paalam ni jewel
" Ikaw din jewel , magiingat ka dyan - tandaan mo ang sinabi ko sa mga shadows " sabi ni jade ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nya nagulat sya at agad na binaba ang cellphone
" Sino ang kausap mo jade ?? Si jewel ba yan ?? Matapang na Tanong ni lyric ng makita ang pag Taranta ng kapatid
" ah hindi kuya isa sa mga kaibigan kong Kendra , May tinatanong Lang sya sakin " pagmamaang Maangan ni jade
Lumapit sa kanya si lyric at tumingin sa desktop nya , mabuti nalamang at nagtago nya agad ang file at na palitan ng mga pictures nila
" sigurado ka bang hindi mo nakausap si jewel ? Sa oras na tawagan ka nya ipaalam mo agad sakin lahat ng paguusapan nyo !! Malinaw ba jade ?? " matapang na titig nito sa kapatid
" Oo kuya - sasabihin ko sayo " kinakabahang sabi ni jade ng titigan ng kapatid
" sige - May tiwala naman ako sayo — " hawak nito sa ulo ni jade na agad lumabas na ng kwarto nito
nakahinga ng maluwag si jade na agad inayos ang laman ng desktop at inalis sa call register ang number ni jewel
Kinaumagahan sa kinaroroonan ni jewel , maaga syang papasok sa university dumaan muna sya sa mini store para bumili ng kape at tinapay ora sa almusal na araw araw nyang routine na pagaari ng dalawang matandang magasawa na si mrs. Smith at mr.smith na parehas senior na , nasa cashier area si mrs. Smith habang si mr. smith ay inaayos ang stock nila
" Grabe talaga ang nangyari malapit satin , limang Tao ang pinatay sa isang gabi - nagiging madalas ang nangyayari hindi prin nila nahuhuli ang killer , " sabi ni mrs . Smith na nakatingala sa tv na nakalagay sa bandang itaas ng pader
Natigilan si jewel sa paginom ng kape ng tumingin sa tv , nakita nya ang mga bangkay ng tao na nakalagay sa itim na malaking bag habang pinapasok sa track at tumatangging magpainterview ang pulis at nagkakagulo ang mga reporter
" jewel , jewel " tawag ni mr. smith sa kanya
Nagitla sya at natabig ang kape nya " sorry po mr. smith naku " agad na pinunasan nya ang kape sa lamesa gayundin sa sahig
" Sige Sige ako na mag lilinis ,—- baka malate ka na , " sabi ni mr. smith dahil naging madalas sya sa loob ng mini store at malapit Lang ang bahay nito naging kaibigan nya ang dalawang magasawa
" okay thanks " pagmamadali nyang kuha sa bag at black jacket nya at inayos nya ang malaking eyeglasses
" jewel , magiingat ka sa paguwi mo ahh , " habol ni mrs smith sa kanya
" thanks po , " pagmamadali nyang paglabas ng May nakasalubong syang babaeng nakaoffice uniform sa pintuan na papasok naman sa loob nito
Nakangiti ito sa kanya habang tila May naramdamang kakaiba si jewel sa presensya ng babae dahilan ng paglingon nya dito habang nasa labas sya ng store
"Bakit ganon ? Bakit amoy dugo ng tao ang hangin ng pumasok ang babaeng ito " sa isip nya habang nakatingin sa magiliw na
nakikipagusap na babae kela mrs smith na nakikipagtawanan na tila kilala nila ito
" pero wala akong nakikitang itim na usok sa paligid nya - maari kayang nagkamali Lang ako - naku malalate na ko " agad na tumakbo si jewel palayo sa mini store pra makahabol sa bus
Nang nilingon sya ng babae at nakita na umalis na sya at ngumiti ito
Sumakay ng bus si jewel at agad na umupo malapit sa bintana ilang minuto nang May dumaan na batang babae sa gilid nya at Nahulog ang pink wallet nito dahil sa dami ng bitbit nito na May food bag , jacket , school bag at libro
Agad na dinampot ni jewel ang wallet nito at hinabol ang pababang batang babae " excuse me wait , yung wallet mo " habol ni jewel sa bata
Bumaba si jewel sa bus para iaabot ang wallet hanggang sa umalis na ang bus sa likod nya
Humarap ito sa kanya na May salamin na kulay pink nakaponytail na pangbarbie ang buhok at nakaschool uniform " ohh thank you ate. Yung bus paalis na "
" naku Sandali Lang !!! Kuya !!! " tumakbo sya pero hindi nya ito naabutan " Kainis ang layo pa ng university dito " pa lingon lingon ni jewel sa maaring pwedeng sakyan
" sorry ate ," sabi ng batang babae
" hindi okay Lang hintayin ko nalang yung susunod na bus na dadaan - Sige na pumasok ka na baka malate ka pa" sabi ni jewel sa bata
Ngumiti ang bata sa kanya " salamat bye bye " Paalam ng bata at naiwan sya sa bus stop
Muli syang sumakay ng bus at umupo sa gilid ng bintana nakita sya ni august at agad na tumabi sa kanya
" goodmorning ms Vienna " nakangiting bati. Nito sa kanya
" Anong ginagawa mo ? Bakit ka nandito ? August " naging seryoso ang mukha ni jewel na kinabahan ng makita si August
"Ms Vienna sasabay Lang ako sayo - babalaan Lang kita wag kang pumunta sa party jewel " sabi nito ng maging seryoso ang Boses at biglang tumawa ng malakas
"What ?? Bakit ba ? Sabihin mo sakin ? Napsimangot sya sa sinabi ni August
" naku bro May nakalimutan ako , bababa po ako !!! " Sigaw nito na agad tumayo at nagmadaling bumaba ng kumaway pa kay jewel
" anong ibig nyang sabihin ? Bakit ayaw nya kong umatend sa party di kaya maraming shadows ang pupunta doon ? Mas lalo kong gustong malaman ang dahilan nya bakit nya ko pinipigilan ? " Pagtataka nya sa sinabi ni August
Pagdating nya sa university tulad ng inaasahan maraming freshmen students ang naroroon na lumalapit sa mga club na nasa gilid ng field ng university abala lahat ng mga students , nagmamadali syang magtulak ng Cleaning Cart papunta sa stadium kung san magsasalita ang principal at May ari ng university na kelangan nyang Malinisan
Pinilit nya ang mga nagkalat na papel sa loob nito at inayos ang mga upuan
"excuse me ? Miss ? " boses ng isang babae sa kanya
Agad na napatingin si jewel sa babae ng makilala nya ito ng makita nya sa ministore
" hinahanap ko kasi yung office ni principal George Home alam mo ba miss ?? Wait you look familiar ?" Sabi ng babaeng naka office attire na nakangiti sa kanya
" Amm yes mam don po ang office nya sa building 5 floor ng building na yon " Turo ni jewel sa labas ng bintana
" oh really , thank you so much mali pala ang na puntahan ko by the way I'm Bea Jean I'm new faculty teacher of business administration department ?nice to meet you ms??" Magaling na pananalita nito
" I'm jewel jewel Vienna , " ngiti nya Sabay abot nya sa pakikipagkamay ng babae " nagkita na po tayo sa mini store , malapit Lang yung apartment ko don kaninang umaga "
" oh really small world , actually one year na kami dito pero wala pa kong masyadong kilala dito , kapag May time ka pwede mo ba kong ipasyal jewel ?" Magiliw nitong sabi ng hawakan ang kamay ni jewel
Napangiti si jewel at bahagyang nailang " pero mam , bago palang din po ako dito 2 months palang po kaya Wala pa akong magagandang lugar na pwedeng puntahan dito ... isa pa po medyo busy din po ako sa trabaho " hiya ni jewel na agad hinawakan ang Cart
" talaga ,kung ganon pwede pala natin itour ang isat isa , pumayag ka na , sa day off mo you can visit my house if you want ? Oh I'm late - see you " pagmamadali nitong Pagalis hindi na sya nahabol ni jewel
bumuntong hininga sya at pi nagpatuloy ang paglilinis hanggang sa dumating na ang mga new students sa stadium at gayundin ang mga teachers at nagsasalita sa harap ang principal at owner ng university habang nasa gilid si jewel nakatayo , kumaway sa kanya si ms bea na napansin naman ni August gayundin ni Natasha na kasama ang mga basketball players
Umalis si jewel upang kumain sa canteen habang abala pa ang lahat sa event , magisa syang kumakain sa canteen ng agad na tumabi sa kanya si Natasha at kinuha ang saging sa gilid nya na agad na sinubo Matapos alisin ang lollipop sa bibig nito
"Jewel ? Nakapagprepare ka na ba para mamaya ?? Dadaanan kita sa bus stop malapit sanyo mamaya ah " nakangiting sabi ni Natasha ,
" wait , - Sa tingin ko kasi pupunta ako pero hindi ko na kelangan pang magsuot ng dress ,as employee na Lang - para Lang naman talaga sa students ang party na yon "sabi nya
" no ... no.. pumunta ka na nakasuot ng gown please , ang team na bahalang tumulong sayo para mabilis mo Matapos ang paglilinis sa stadium sumama ka Lang , hmmm I'm already arrange your date and i think his your style - oh I gonna go - bye see you " sabi ni Natasha na agad umalis ng makita si August na nakatayo sa pintuan ng canteen
" pero Natasha —- " habol nya pero kumindat Lang ito at muling sinubo ang lollipop na inilapag sa tray
Nagkatinginan si Natasha at august pero di sila nagusap