Isa ka din ba na palihim na nagmamahal sa iyong kaibigan?
Kilalanin si Louie Ranz Gallevo, isang lalaking palihim na nagmamahal sa kanyang matalik na kaibigan na si Nathalia Babe o mas kilala sa tawag na Nabe. Mahal nito si Nabe higit pa sa pagkakaibigan ngunit hindi nito maamin dahil sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan.
Isa ka din ba na handang gawin ang lahat para sa kaibigan?
Ginawa nito ang lahat para sa kaibigan, dahil na rin mahal na mahal niya ito ngunit dahil sa isang sikreto nasira ang lahat ng mayroon sila.
Nasubukan mo na bang mahirapan at umabot sa puntong gusto mo na lang maglaho?
Dumaan si Louie sa hirap, sakit at lungkot, nang kailangan na nito ng kaibigan ay wala naman siyang matakbuhan.
.
Paano nga ba siya nakaahon? Anong ang mga na-realized nito dahil sa kanyang mga karanasan?