(RANZ)
I can’t take off my eyes of her. Sobrang sarap niya lang pagmasdan. Nakangiti at masaya. Hindi stress sa buhay.
Nakikita ko ang pagmamahal nito sa mga istoryang kanyang binabasa. Siya iyong tipo ng babaeng, napaka-dali lang pasayahin pero madali lang din masaktan.
“Ang hirap naman, parang sobrang perperkto naman niyang lalaking sinasabi mo” sabi ko.
“Hindi naman perfect, wala namang ganoon, pero siya iyong ideal man ko.” Sabi pa nito.
Tumango-tango na lang ako.
Hirap naman kasi maging ideal man niya. Iyong nasa mga librong nababasa niya, kahit hindi sila perpekto, kaunti na lang din naman ganun na din iyon.
“Kanin aka pa nagpho-phone sib a iyong ka caht mo?” tanong ko nang nakakunot ang aking noo.
Mabilis nitong initinago ang kanyang phone sa bag.
“Wala iyon, kaklase ko noong grade one, nagchat lang” sagot nito pero bakit bigla akong kinabahan ng sinasabi niya iyon ay hindi siya nakatingin sa akin kundi sa pagkain.
“Ano namang sabi?” tanong ko ulit.
“Wala naman, mag-aya lang gumala kasama nung iba pa namin mga kaklase. Iyon yung kaklase namin na lumipat na after ng third grade.” Sagot nito. Hindi na lang ako ulit nagtanong kasi may pakiramdamam akong iba. Feeling ko ayaw siya sana sabihin pero dahil nagtanong ako sumagot siya at iyong sagot ay pilit pa.
Ang dami namin nagpagkwentuhan lalo na iyong mga teacher naming hindi namin alam kung anong mga balask sa buhay. Magtuturo pa ba o magbibigay lang ng gagawin?
“Si Sir Lino kasi, para namang ewan, ang dali lang talaga ng paliwanang niya doon sa example na binigay niya pero bakit noong exam na, san niya kinuha iyong mga problem na nandoon, hanep siya, kahihirap!” sabi ko.
Tumawa naman si Nabe kasi totoo, pero mabuti na lang matalino itong kaibigan ko, nakakahanap pa din sya ng way para masagutan ang problem, hindi nga lang daw niya sure kung mga tama iyong iba pero ang mahalaga naman ay may sagot dahil may points na iyon para sa effort.
Kung saan-saan na naupunta ang usapan namin. Nakapanglait na nga din kami ng kapwa, pero ang sabi ko naman hindi namin nilalait, dine-describe lang. Patawarin san kami ng nasa taas.
Hindi naman kasi mawawala sa mga magkakaibigan ang mag-usap tungkol sa kapwa, basta sa inyong dalawa lang iyon. Ang minsan lang nakakahiya kapag si Joff at Gail ang kasama, mga walang pero no ang bibig ng mga iyon. Kahit nasa malapit lang ang tao, talagang sasabihin nila kung anong nasa utak nila.
Madalas sa pagkain, unang tikim, may masasabi na agad iyong dalawa. Misan masarap ang lumalabas sa bibig nila pero kadalasan, pamumuna kahit nasa harapan nila ang nagtitinda.
Iyon naman ang isa sa mga nagustuhan ko sa mga kaibigan ko, hindi sila nagsu-sugar coat. Kung ano ang nasa isip nila sinasabi nila nag masama lang minsan walang preno, hindi na iniisip kung sino na makakarinig.
Napatingin ako kay Nabe habang subo pa ang straw ng inumin ko ng magtanong ito.
“Balita ko crush ka ni Tala ah, ano namang tingin mo sa kanya?” tanong nito. Napakunot na lang ang noo ko pero sinagot ko pa din naman ang tanong nito.
“Si Tala? Joke lang nila iyon” sabi ko at natawa. Oo, naririg ko naman na din iyang issue na yan na may gusto nga daw sa akin is Tala, isa siya sa mga classmate namin
“Seryoso nga, nasabi sa amin nung kaibigan niy” sabi naman nito at dumukot sa may friesbago isinubo.
“Wala iyon!” sabi ko na lang.
“Pero kung sakali nga, anong mafefeel mo?” tanong pa nito.
“Okay lang naman, wala namang masama magkagusto” sagot ko.
“Hindi mo siya gusto?” tanong nito.
Tumingin ako sa mga mata nito, kita ko ang excitement sa kanyang mga mata dahil sa chismis na ito.
“Kasi bestfriend, okay ako kay Tala, gusto ko siya para sa iyo!” sabi nito na tila ba kinikilig naman talaga.
Hindi pa din ako sumsagot sa mga tanong niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Ano nga?!! Sagot!” sabi nito.
“Well, okay naman si Tala, mabait naman siya, matalino at maganda din naman” iyon lang ang sinabi ko.
“Crush mo rin siya?” tanong nito at pinasalikop pa ang kanyang mga kamay.
Matagal ako bago sumagot, pero napapangiti na ako dahil sa reaksyon niya, hindi dahil parang gusto niyang magkagusto din ako kay Tala.
Malinaw naman na sa akin ang kung sino ang gusto ko, hindi nga lang gusto eh, mahal ko na.
“Silence means yes, Oh my Gosh!! Oh my gosh!! Binata ka na!” sabi nito habgn tumwang tuwa.
Hindi ko na kinontra dahil ang sarap niyang tignan kapag nakangiti at sobrang saya. Wala lang naman sa king iyang issue about sa pagkakagusto sa akin ni Tala dahil sa akin malinaw kung sino ang gusto ko.
“Gusto mo ilakad kita?” tanong nito bigla.
“Hmmm, huwag na” sagot ko agad. No need, hindi ko naman kasi talaga gusto si Tala.
Okay, sure naman akong kaya mo na iyan” sabi nito.
Napabuntong hininga na lang ako.
“Hindi ko naman talaga kasi siya crush” sabi ko na lang.
Agad itong napasimangot pero mabilis din nagtaas ng isa niyang kilay.
“Deny mo pa, ako lang ito besfriend. Kaibigan mo naman ako, huwag kang mahiya sa akin” sai nito saka natawa.
“hindi nga kasi,” sabi ko ulit at napailing.
“Sus, huwag ka na mahiya, crush mo din si Tala. Nangingiti ka nga kanina eh” sabi pa nitp.
“Kasi nakakatawa ka, paniwala ka naman na gusto ko siya” sabi ko. “Kasi gusto mo siya, alam mo kapag nakikita ko iyong mata, parang puno ng feelings, tapos kanina din. I can see the love in your eyes” sabi nito saka tumawa.
That’s because I’m inlove with you, hindi kay Tala o kung kanino man.