(RANZ)
Kanina pa ako nakatingin kay Nabe na kausap si Gail. Kanina ko pa din iniisip kung anong pinag-uusapan nila, mukhang mga tangang kanina pa ngiti ng ngiti. Kung sana shinare nila, sana kaming lahat masaya.
“Huwag mo na pansinin iyang dalawa, sigurado mga Oppa! Oppa! na naman pinag-uusapan niyang dalawang iyan. Hindi naman sila kilala, hindi nga yata alam ng mga Koreanong idol nila na nageexist sila” sabi ni Christian.
“Hoy! Mag-ambag naman kayo, puro kayo daldal!” sigaw ng leader namin.
“Grabe ka naman sa amin, eto na nga oh” sabi ni Christian.
Actually nasa meeting kami ngayon at hindi ko ka-group sila Nabe kaya kanina ko pa siya tinitignan doon sa may kabilang round table. Sila ni Gail ang nagkasama sa isang group tapos kami ni Christian. Si Joff naman ay nasa ibang group at hindi ko alam kung saan sila nagmeeting ng mga kasamahan niya.
Nagpaplano kami ngayon para sa isang play para as Filipino subject namin.
“Ano nga kasi yung gagawin?” tanong ko ulit.
“Ayan kasi hindi nakikinig, lumilipad kasi ang isip sa ibang bagay eh” sabi na naman ng leader namin.
“Basta, yung romantic daw, nakakakilig.” sabi ng isa pa naming ka-grupo.
“So ayun, ganun na lang. Ikaw na Louie ang lead, ikaw iyong lalaking may gusto sa kaibigan niya pero hindi makaamin dahil natatakot tapos si Farah ang partner mo pero may ibang gusto. Tapos makikilala mo si Ella, tapos magiging kayo, tapos si Farah ay maghahabol na sayo pero mahal mo na talaga si Ella kaya si Ella ang pinili mo. Ang mahalaga lang dito, sa scene mo Louie at Ella dapat kikiligin mga nanonood” mahabang paliwanag ng leader namin.
“Okay na iyon, uuwi na ba tayo?” sabi agad ni Christian.
“Ano yun impromptu?” tanong ko.
“Hindi, ako na bahala sa mga lines, gagawin ko mamaya tapos send ko na din agad bago mag nine siguro” sabi naman ni Tala, isa pa naming ka-grupo.
“Okay. Oh sige na alis na. Uwi na tayo” sabi ng leader namin kaya naman agad na akong tumayo at isinukbit ang aking bag sa likod.
Sabay kaming naglakad ni Christian patungo sa may round table nila Nabe at Gail.
“Hoy! Huwag muna kayo lumapit dito, hindi pa kami tapos mamaya gayahin niyo pa iyong amin e” sabi agad ni Gail na ikinailing na lang ng mga kagrupo niya.
“Hoy tanga, bakit naman namin gagayahin iyong inyo, sigurado ako pangit kapag ikaw nag-isip, kaya guys huwag niyo payagan si Gail diyan magdecide, bababa score niyo” pang-aasar ni Christian sa kanila na ikinairap ng sabay ni Nabe at Gail. Natawa na lang naman iyong mga kagrupo nila Gail sa panagsasabi ng loko.
Hinila ko na ang bag ni Christian paalis at tumingin kay Nabe.
“Hintayin namin kayo, sa may kubo lang kami tatambay” sabi ko at pilit ng hinila si Christian na lalapit pa talaga sa may round table, mang-iistorbo lang naman iyon.
Pagka-upo namin sa may kubo ay agad kong inilabas ang phone ko.
Nanahimik naman na din si Christian habang nag-aantay kami kina Nabe.
Binuksan ko ang f*******: ko, medyo nakakairita lang na madaming request message at hindi ko alam kung bakit ko naisipang buksan ngayon.
Inisa-isa kong buksan ang mga message, karamihan mga hindi ko kilala at mukhang mga kaklase lang ng kapatid ko. Gwapo ko naman kasi. Oo na ako na mayabang at nagbubuhat ng sariling banko.
Matapos kong tignan ang mga message ay sakto namang tapos na yata sina Nabe dahil nag sitayuan na sila.
“Tara na, tapos na sila” sabi ko kay Christian.
“Alas kwatro pa lang naman, kain muna tayo ng tokwa doon sa may graduation site” pag-aaya nito.
“Sabihin mo kila Gail” sagot ko naman.
Kung nasaan naman kasi ni Nabe nadoon lang naman ako.
Habang naglalakad kami papunta sa may graduation site ay tinanong ako ni Nabe. “Kamusta iyong inyo sa Fili?”
“Gago nga eh, ako yung ginawang main character” sabi ko at napapailing na lang. Wala din naman kasi akong choice alangan namang hindi ako magparticipate, anong grade ko? Kung si Christian, wala kaming aasahan sa kanyang kaseryosohan.
“Weh?” tanong agad nito.
“Oo siya, sobrang sakto nga sa kan—“
“Panagsasabi mo!” agad kong pigil kay Christian, mamaya kung ano na naman ang masabi ng gago.
“Ay bawal ba? HAHAHA abangan mo na lang Nabe” sabi ni Christian habang binibuksan ang wallet nito.
Nandito na kami sa may graduaton site, dito kasi naka pwesto itong nagtitinda.
“Anong gusto mo?” tanong ko ka Nabe.
“Ikaw?” balik na tanong nito.
“Ikaw.” Sabi ko ng seryoso
“Ano nga sayo?” napairap na sabi nito. I saw how her neck went red. Alam kong nagets niya. Awkward tuloy.
“Tokwa sa akin tapos kwek-kwek” sabi ni Gail at agad na kumuha ng mangkok.
Kumuha na din ako at iniabot kay Nabe ang isa.
“Ngayon lang ako ulit kakain dito, nakakamiss, sayang wala si Joff” sabi ni Gail
“Mambabarat lang naman iyong kay Ateng nagtitinda, hihingi ng extra kwek-kwek” sabi ni Christian kaya nagtawanan na lang kami. Si ate na nagtitinda na nakarinig eh pangiti-ngiti na lang.
Matapos naming magmeryenda ay nagkanya-kanya na kaming daan. Si Gail at Christian ay sa may second gate dahil mag-aabang sila ng jeep at kami naman ni Nabe ay naglakad na papunt sa dorm nila.
“May bagong bukas na café sa may Munoz, punta tayo sa bukas?” tanong ko.
Pinanood ko muna kuna paano niya nilunok ang iniinom niyang buko juice habang naghihintay ng kanyang sagot.
“Libre mo ba?” tanong nito saka tumawa.
“Sure! why not.” agad ko namang sagot.
“WOW! Sana all madaming pera”
“Magkano lang naman, saka syemre babawian din naman kita” sagot ko naman. Minsan din naman kasi si Nabe ang nagbabayad para sa aming dalawa, ayaw niyang puro ako lang.
“Okay sige bukas” sabi nito.
YES! Gusto ko mang sumigaw ng yes sa harap niya ay hindi ko magawa kaya hanggang sigaw lang sa isip muna.
“Sige sabihan ko sina Gail mamaya” sabi nito na nagpasimangot sa akin.
“Oh bakit?” tanong nito.
“Akala ko tayo lang eh, kapag simana mo sila, wala na akong panlibre sa kanila” sabi ko.
Sa loob-loob ko sana huwag na niya ayain.
“Ayaw mo ba? Hindi mo naman sila kailangan ilibre, marami naman pera iyong mga iyon” sabi nito. Ng
Napanguso na lang ako. Hindi naman kasi sa ayaw ko, pero this time sana kami lang, parang date b ba sana.
“Sige na tayo na nga lang!” sabi nito na nagpangiti sa akin.