Chapter 12

1085 Words
Nagsimula na ang kasiyahan ngunit wala pa ring Berkeley ang nagpapakita sa gabing iyon. Dahil abala si Finn sa ibang mga bisita ay hindi na nito namamalayan ang oras. Nakakaramdam na ng pagtataka ang kambal kung bakit wala pa ang dalaga. " Sissy, bakit wala pa si Berkeley", wika ni Sean na may halong pag aalala sa kanyang boses. " Hindi ko nga rin alam eh, kanina ko pa siya tinatawagan ring lang ng ring yung cellphone niya", sagot ni Shanty. " Itanong kaya natin kay Finn", mungkahi ni Sean. Ngunit hindi sila makalapit kay Finn dahil abala ito sa ibang mga bisita. Lumipas ang ilang oras ay nagkaroon ng pagkakataon si Sean at Shanty na lapitan si Finn. Hinila ni Shanty ang mga kamay ni Finn upang sila'y makapag usap usap sa isang tabi na walang masyadong tao. " What happened guys", tanong ni Finn sa kambal. " Ganito kasi iyon Finn, we are worried kasi wala pa si Berkeley, Can you try to call her?", wika ni Sean. " Relax guys okay. Don't worry I will call her", wika ni Finn at kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa ngunit bigla siyang tinawag ng isa sa mga bisita niya kaya hindi na siya nakatawag pa. Naiwan ang dalawang kambal at napabuntong hininga na lang dahil sa pag alala. Hindi nila masisisi si Finn na hindi sila masyadong inaasikaso dahil sa mga bisita nito na halos mga client's niya. Kahit gaano pa sila nag aalala para kay Berkeley ay ayaw naman nilang sirain ang gabing iyon para kay Finn. Patapos na ang kasiyahan ng biglang magsalita si Finn at inanyayahan niya ang lahat ng kanyang bisita na pumunta sa rooftop para sa isang firework show sa event na iyon. Samantala, sa loob ng sasakyan ay pilit pinapakalma ni Berkeley ang sarili dahil sa sinabi ng isa sa mga lalaking dumukot sa kanya. "Wag kang matakot miss hindi ka namin sasaktan basta sumunod ka lang sa lahat ng sasabihin namin", mahinahong wika ng isang lalaki. Sa tinuran na iyon ng lalaki nakaramdam si Berkeley ng konting kahinahunan ng dibdib. Hindi man niya kilala ang mga lalaking iyon ay sa tono ng boses ng mga ito ay mukha naman na hindi sila mga masamang tao. Isa isa namang nagtungo sa rooftop ang mga bisita ni Finn. Maraming bulaklak at balloon ang bumungad sa mga ito sa taas ng gusaling iyon. Mas maraming dekorasyon ang makikita mo kumpara sa mismong venue ng party. Hindi nagtagal ay inaalalayan siyang bumaba ng mga lalaking iyon pababa ng sasakyan. Inakay siya paakyat sa hagdan na hindi malaman ni Berkeley kung saan iyon. Nang maramdam ni Berkeley na binitawan na siya ng mga lalaki sa pagkakahawak ay unti unti nitong tinanggal ang telang nakabalot sa kanyang mga mata. Nagulat si Berkeley sa nakita sa kanyang harapan. Si Finn nakaluhod at may hawak na singsing. Kasabay ng pagputok ng fireworks sa taas ay makikita mo ang nakasulat na "WILL YOU MARRY ME". Nagulat ang lahat at nasurpresa lalong lalo na si Berkeley. Hindi niya alam kung paano niya ilarawan ang sayang nararamdaman niya sa oras na iyon. Nagsimulang magsalita si Finn na lalong nagpatili at nagpakilig sa mga bisitang naroon. "Babe, I promise to hold your hand no matter what happens. Till death do us part, Will you be my lover that I could love you forever? wika ni Finn na hawak hawak ang isang kamay ni Berkeley. Hindi makapagsalita ng maayos ang dalaga dahil umiiyak na ito sa mga sandaling iyon. Patango tango na lang ito sa mga nangyayari. Isinuot na ni Finn ang singsing na hawak hawak nito at niyakap ang dalaga. Nagsimulang nagpalakpakan ang taong naroon na nakasaksi sa matagumpay na proposal ni Finn. Samantalang ang kaibigan niyang si Sean ay tili ng tili sa sobrang kilig, na animo'y para sa kanya ang proposal na iyon. Lalo na ng halikan ni Finn si Berkeley ay mas lalong naging maingay ang rooftop. Habang si Shanty ay hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat sa pangyayaring iyon. Nakaramdam ng kirot ang dalaga dahil bilang matagal ng kaibigan ni Finn ay wala man lang pasabi ang binata sa gagawin nito. Nawalan ng saysay ang pag aalalang kanina pa nila nararamdaman para kay Berkeley. Bago matapos ang event na iyon ay isa isang nagpaabot ng kanilang mga pagbati. Naiwan silang apat sa taas ng rooftop at last but not least ang pagbati ng kambal. " Congratulations sissy, I'm so so happy for you", wika ni Sean at bineso beso si Berkeley. " Ikaw hah Finn, kaya pala di ko maramdaman ang pag aalala mo kanina para kay Berkeley may pasabog ka pa lang gagawin, Anyway congrats to both of you", wika ni Sean kay Finn at niyakap ang binata. "Congrats to both of you", wika ni Shanty sa matamlay na tono sabay beso beso sa dalawa. Napansin ni Berkeley ang pagiging matamlay ni Shanty kaya hinawakan ang kamay nito at tinanong. " Shant, you look unhappy? Is there something wrong?", tanong ni Berkeley. Umiling lang si Shanty sa tanong na iyon ng binata. " Ayy nag iinarte ang Lola,", pang aasar ni Sean kay Shanty. Inirapan lang siya ng kambal sa pang aasar niyang iyon. " Shant, ano problema", tanong ni Berkeley ngunit si Sean ang sumagot sa kanya. " Nagtatampo ang lola mo dahil sa pag aalala sayo kanina tapos isang surpresa lang pala ang dahilan kaya wala ka pa sa party. Ikaw pala ang main character sa malafairytale na event na ito. Ayy ang bongga mo sissy, ikaw na ikaw na talaga ang dyosa", wika ni Sean s malanding tono. "Sorry guys, kung hindi ko sinabi sa inyo ang plano ko, I just want to make it more special for Berkeley",paghingi ng paumanhin ni Finn. " Shant, wag ka na magtampo alam mo naman na ikaw lang ang nag iisang maid of honor sa kasal namin", paglalambing ni Berkeley. Sa tinurang iyon ng dalaga ay napangiti na lang si Shanty at sabay sabay silang nag group hug. Sa kabilang banda, Ang proposal na iyon ay nasaksihan ni Mr. Caleb kahit wala ito sa mismong venue. Dahil tamang tama na dumaan siya sa kalsadang malapit sa kompanya ni Finn. Naimbitahan naman siya sa event na iyon ngunit may mahalaga kasi siyang inasikaso kaya hindi siya nakadalo. At sa katunayan ay wala naman talaga siyang balak pumunta. Hindi rin dumalo sa party ang mga kamag anak at magulang ni Finn sa kadahilanang hindi naman talaga sila sang ayon sa tinahak na career ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD