Makaraan ang isang taon ang ipinatayong negosyo ni Finn ay mabilis na nakilala sa kanilang lugar. Hindi lubos akalain ng binata na tatangkilikin ng mga tao ang kanyang nasimulang negosyo. Karamihan sa mga bumibili ng sasakyan ay mga mayayaman at kilalang pamilya sa kanilang lugar.
Ito na ang hudyat para kay Finn para maisip na nitong mag asawa. Dahil kaya na niyang bumuhay ng sariling pamilya.
Habang nakaupo si Finn sa kanyang opisina ay napag isip isip niyang kausapin na si Mr. Caleb upang hingiin ang kamay ng kasintahan na si Berkeley.
Iyon naman talaga ang original plan nilang magkasintahan ang magpakasal after graduation. Ngunit hindi agad agad nangyari dahil wala pa silang permanenteng trabaho. Ngayon na isa ng ganap na negosyante si Finn ay malakas na ang loob nitong mg settle down sa kanyang buhay kasama ang minamahal niyang si Berkeley.
Maya maya pa ay nagtungo na si Finn sa kompanya ni Mr. Caleb. Sa kanyang pagpasok patungo sa opisina ni Mr. Caleb ay nakakaramdam siya ng kaba hindi dahil sa takot ito kundi hindi niya alam paano sisimulan ang gustong sabihin.
Samantala, abala noon si Mr. Caleb sa loob ng kanyang opisina ng biglang tumawag ang kanyang secretary at sinabing mayroon siyang panauhin na nagngangalang Finn Villanueva. Sinabi ni Mr. Caleb sa secretary na papasukin ito.
Nagtatakang ibinababa ni Mr. Caleb ang telepono dahil ito ang kauna unahang pagbisita ni Finn kahit matagal na niya itong kilala. Magkasalikop ang mga kamay ni Mr. Caleb habang hinihintay ang pagpasok ni Finn.
" Good evening Mr. Caleb", bati ni Finn.
" Oh Finn napadalaw ka, maupo ka. Mukhang importante yata ang sadya mo at ikaw pa ang mismong pumunta dito", wika ni Mr. Caleb.
" Hindi na ako magpapaliguy ligoy pa Mr. Caleb narito ako upang hingiin ang basbas mo bilang magulang ni Berkeley nais kong hingiin ang kamay ng iyong anak", medyo may kabang wika ni Finn.
Matagal na napatitig si Mr. Caleb sa mukha ng binata sa kanyang harapan. May kung anong kudlit ng sakit sa kaibuturan ng kanyang puso na hindi nito maipaliwanag. Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Nabasag ang katahimikang iyon ng magsalita na si Mr. Caleb.
" Anyway, kailan mo balak?", tanong ni Mr. Caleb.
" I'm planning to have my proposal on the day of celebrating the 1st year anniversary of my company Mr. Caleb",wika ni Finn.
" Kailan iyon at kailan ang balak mong pakasalan si Berkeley", matipid na wika ni Mr. Caleb.
" As long as Berkeley agreed to my proposal Mr. Caleb we will get married as soon as possible", wika ni Finn.
" Well, kung yan ang plano mo at sa tingin ko nasa tamang edad naman na kayong magdesisyon sa inyong mga buhay", wika ni Mr. Caleb.
" Thank you Mr. Caleb", pagpapasalamat ni Finn.
" You know what Finn,I'll be honest with you. I don't really like you but because Berkeley loves you so much. I support what makes her happy",wika ni Mr. Caleb tanging pag tango lang ang naging sagot ni Finn.
" Isa lang masasabi ko Finn, Don't make Berkeley sad, kapag hindi ka na masaya sa kanya ibalik mo siya sa akin, I'm willing to accept her no matter what because she is my daughter" madiin na wika ni Mr. Caleb. "And I don't want to see her unhappy. So please Finn, don't make Berkeley feel that way", dugtong ni Mr. Caleb.
" Makakaasa ka Mr. Caleb", sagot ni Finn at nakipagkamay siya sa kausap.
Matapos ang kanilang usapan ay nagpaalam na nga si Finn at naiwang nasa malalim na pag iisip si Mr. Caleb. Tama nga ba ang naging pasya niya? May nagdadalawang isip na tanong ni Mr. Caleb sa sarili. Matagal na siyang nakatulala sa kawalan at hindi namamalayang lumalalim na ang gabi.
Gabing gabi na ng makauwi si Mr. Caleb bago siya magtungo sa kanyang kwarto ay dahan dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ng dalaga. Nakita niyang payapang natutulog kaya hindi na siya pumasok at isinara na lang ang pintuan.
Nang makapasok siya sa sarili niyang kwarto ay agad siyang humiga at tumitig sa kisame. Ipinatong ang mga kamay sa noo sabay pakawala ng malalim na paghinga. Hindi niya maintindihan kung ano ang ikinababahala ng kanyang isip.
Hindi na namalayan ni Mr. Caleb kung anong oras siya nakatulog ng gabing iyon. Paggising niya ay nakita na lang niya ang sarili na hindi man lang nakapagbihis ng pantulog kagabi.
Bumangon siya at nagtungo sa kanyang banyo upang maligo. Pagkatapos ay nag almusal at pumasok na sa opisina.
Samantala, Abalang abala si Finn sa pag aasikaso ng selebrasyon para sa ikaunang anibersaryo ng kanyang kompanya. Gayundin ang plano nito na proposal para kay Berkeley na tanging si Mr. Caleb lang ang nakakaalam ng proposal na iyon.
Nagpadala si Finn ng mga imbitasyon sa kanyang mga kaibigan, kakilala at kapamilya. Ngunit ang imbitasyon na para kay Mr. Caleb ay personal inabot ng binata. Sa oras na iyon ay nakapag usap ulit silang dalawa.
" Sigurado ka na ba sa desisyon mo Finn?", tanong ni Mr. Caleb.
" Yes Mr. Caleb, Berkeley and I have been together for almost 4 years and I think this is the time for us to tie the knot", sagot ni Finn.
" Naninigurado lang ako Finn, You know Berkeley is the only family that I have and the only person I cherish the most", wika ni Mr. Caleb.
" I know Mr. Caleb, don't worry I will make her happy", wika ni Finn.
" Promise me one thing Finn, never ever hurt Berkeley's feeling", wika ni Mr. Caleb. Tumango si Finn sa tinuran na iyon ng Mr. Caleb.
Pagkatapos mag usap ni Mr. Caleb at Finn ay sinundo ng binata si Berkeley mula sa kanyang trabaho. Tahimik siyang naghihintay sa loob ng kanyang sasakyan sa harap ng gusali. Nang makita na nitong palabas na ang dalaga ay dali dali siyang bumaba ng sasakyan upang salubungin ang nobya at pagbuksan ito ng pintuan ng sasakyan para sumakay.
Habang nagmamaneho ay bigla siyang hinalikan ng kasintahan sa pisngi.
" What's that kiss for?", nakangiting tanong ni Finn.
" May congratulatory kiss", wika ni Berkeley na nakangiti katulad ni Finn. Hinawakan ng binata ang kamay ng nobya at hinalikhalikan iyon. Kinikilig naman at napa hagikgik pa si Berkeley sa ginawang iyon ng nobyo. Bakas sa mga mukha ng dalawa ang kasiyahan at pagmamahal sa isa't isa.
Dumating na ang araw ng anibersaryo, kinakabahan si Finn sa mga oras na iyon.
Halos lahat ng kanyang inimbitahan ay naroon upang samahan siya sa kanyang tagumpay. Naroon ang kanilang matalik na kaibigan na si Sean at Shanty na walang kaalam alam sa proposal niya.
" Hi Finn, my darling congratulations!", bati ni Sean sa malanding tono.
" Congratulations Finn", wika ni Shanty at nag beso beso ang tatlo.
" Thank you, and also thank you for coming tonight", pagpapasalamat ni Finn sa kambal.
" Are you okay Finn, you look nervous!", wika ni Shanty sa malumanay na boses at sabay niyakap ang mga braso ni Finn.
" Just a little bit nervous guys", may kunting kaba na wika ni Finn.
" Relax baby, Don't worry I'm here", malanding wika ni Sean sabay nguso at unti unting inilalapit sa mukha ni Finn na agad naman pinigilan ni Shanty.
" Tumigil ka nga Sean, ang landi mo", wika ni Shanty na parang may halong inis ang tono.
" Ito naman si Sissy ang Kj, pakiss lang naman ng isa kay Finn eh" , pasupladang wika ni Sean.
Natatawa na lang si Finn sa dalawang kambal sa kanilang kunwaring pag aaway.
" Maiba ako, Nasaan na si Berkeley", tanong ni Sean ng hindi mahagilap ng kanyang mga mata ang dalaga.
" Ang sabi sakin kanina ay papunta na siya" sagot ni Finn.
Habang hinihintay nila si Berkeley ay inaasikaso nila ang ibang mga bisita.
Samantala, Kasalukuyan nagbabyahe si Berkeley papunta sa party ng biglang may humarang na sasakyan dahilan upang siya ay mapatigil. Kinakabahan siya ng biglang may mga lalaking nakaitim at nakabonet na lumabas mula sa sasakyan na iyo. Maya maya pa ay nilapitan siya ng mga ito at binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. Hinablot ang kanyang mga kamay, tinalian at tinakpan ang mga mata saka isinasakay sa itim na Van na sinakyan ng mga lalaking nakaitim. Nagpupumiglas si Berkeley ngunit wala siyang magawa. Sumisigaw siya ng saklolo ngunit binabantaan siya ng mga lalaking iyon na kung di siya tatahimik ay puputulan siya ng dila.