Chapter 10

1126 Words
Maagang nagising si Berkeley dahil ito ang unang araw niya sa trabaho. Nagtungo siya ng kusina upang mag almusal ngunit hindi niya akalain na maabutan niya ang kanyang ama. " Good morning dad," bati niya sa sa ama " Akala ko nasa work ka na dad" dugtong ni Berkeley. " Good morning too,sweety. Ang aga mo yata ngayon", wika ni Mr. Caleb " Dad, It's my first day of work. Don't tell me you forget", wika ni Berkeley " Oh I'm sorry, marami kasi akong inaasikaso sa company. Do you want me to drop you off?", wikang alok ni Mr. Caleb. " No thanks dad, I'm okay I can go by myself", sagot ni Berkeley. Tumango si Mr. Caleb sa sinagot ni Berkeley at ipinagpatuloy ang paghigop ng kanyang kape. Habang nag aalmusal silang mag ama ay lihim na pinagmamasdan ni Mr. Caleb si Berkeley. Nakikita ni Mr. Caleb sa mga mata at ngiti ni Berkeley ang malaking pagkakahawig nito sa ina na si Amelia. Hindi niya akalain na kaya niyang mapalaki mag isa si Berkeley. Ang batang walang kamuwang muwang noon ay isa ng matatawag na " Fine Lady" isang babaeng sopistikada na may mabuting puso at kaakit akit na kagandahan. Sa pagbabalik tanaw na iyon ni Mr. Caleb ay hindi niya namalayan na matagal na pala siyang nakatitig kay Berkeley. Biglang bumalik ang diwa niya mula sa kanyang malalim na pag iisip ng magsalita ang dalaga. " Dad, dad, daaad, are you okay", tawag ni Berkeley upang pukawin ang nakatulalang si Mr. Caleb. " Ye-yeah I'm Okay", gulat na wika ni Mr. Caleb at bigla itong napatingin sa relong nakasuot sa kanyang braso. Nang makita ang oras ay agad agad na tumayo at nagpaalam na sa dalaga. " Oh It's already time, I have to go sweety, bye" pagpapaalam ni. Mr. Caleb sabay halik sa noo ng dalaga. Masiglang pumasok si Berkeley sa kumpanyang kanyang pagtatrabahuan. Mula sa pinto ay nakangiti na itong pumasok hanggang sa makarating sa palapag kung saan siya nakadestino. Pagpasok niya ng opisina ay agad siyang nilapitan ng pinakapinuno sa kanilang departamento at ipinakilala si Berkeley ni Ms. Daisy sa kanyang mga katrabaho. Malugod namang tinanggap ang dalaga ng mga ito. Itinuro ni Ms. Daisy ang magiging office desk ni Berkeley. Ito ay malapit sa bintana kung saan makikita ang malalaking gusali at maluwag na kalsada. Matatanaw din dito ang isang malaking park na napapalibutan ng magagandang bulaklak. Sa pagsisimula ng trabaho ni Berkeley ay medyo kumakapa pa siya sa mga gagawin ngunit alam niya sa sarili niya matututunan din niyang lahat ang mga ito. Itinuro sa kanya ni Ms. Daisy ang magiging trabaho at gagawin niya sa loob ng opisina. Natapos ang trabaho ni Berkeley na may ngiti sa labi dahil maganda ang naging pakikitungo ng mga katrabaho nito kahit bago pa lamang siya lalong lalo na si Ms. Daisy na masipag magturo sa kanya. Pauwi na noon si Berkeley at kasalukuyang nagmamaneho ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito mula sa kanyang bag upang makita kung kanino galing ang tawag na iyon. Nang makitang tumatawag ang nobyo ay agad nitong sinagot. Sa kanilang pag uusap ay kinamusta siya ni Finn at sinabing this coming weekend ay susunduin niya si Berkeley dahil may importante silang pupuntahan. Nang makarating sa kanilang bahay si Berkeley ay agad itong umakyat patungo sa kanyang kwarto. Binuksan ang kanyang laptop at isa isang pinag aralan ang mga itinuro sa kanya ni Ms. Daisy. Habang abala sa kanyang ginagawa ay di niya namamalayan na nasa likod na pala si Mr. Caleb. Dumating na pala ito at tatawagin sana si Berkeley upang sila'y maghapunan ngunit nakita nito na pokus na pokus ang dalaga sa kanyang ginagawa kaya hindi muna niya ito inistorbo. Saka lang siya napansin ni Berkeley ng hawakan at igalaw galaw ng dalaga ang kanyang leeg pakanan at pakaliwa dahil nangawit ito. " Oh dad, kanina ka pa ba diyan", gulat na tanong ni Berkeley. " Hindi naman, tatawagin sana kita para maghapunan kaso nakita kung pokus na pokus ka sa ginagawa mo", wika ni Mr. Caleb. " Patapos na dad, mauna ka na susunod na ako", wika ni Berkeley. "Okay" sabi ni Mr. Caleb, isinara ang pintuan at tuluyan ng bumababa. Mabilis natapos ang isang linggo ngunit sa sobrang abala ni Berkeley sa trabaho ay nakalimutan niya ang usapan nila ni Finn. Nagulat na lang siya ng pagbaba niya ng hagdan ay naroon ang binata sa kanilang sala nakaupo at naghihintay sa kanya. Napamura siya sa sarili at dali daling bumalik sa kanyang kwarto upang maghilamos at magbihis. Hindi na siya naligo dahil naligo naman ito kagabi bago matulog. Mabuti na lang may kausap kanina si Finn sa kanyang cellphone kaya hindi siya nito napansin kanina na pababa ng hagdan. Pagbaba niya ng hagdan ay nakatingin na sa kanya si Finn at nagpaalam na rin ang binata sa kausap nito sa cellphone. " Let's go", wika ni Finn sabay lahad ng kanyang braso na agad naman na kumapit ang dalaga dito. Matamis na ngiti ang dala dala nila palabas ng bahay nila Berkeley. Sa kanilang paglalakbay ay masayang nagkukwentuhan ang magkasintahan. Kinukulit kulit ni Berkeley si Finn sa kakatanong kung saan sila pupunta ngunit ayaw sabihin ng nobyo kahit gaano pa kakulit ang dalaga. Maya't maya pa ay tumigil sila sa isang malawak na gusaling may dalawang palapag na halos puro salamin ang pader nito. Makikita mo mula sa labas ang mga sasakyan na nasa loob ng gusali. Nagtataka si Berkeley kung bakit dito siya dinala ng nobyo. Paglabas nila ng sasakyan ay agad na hinawakan ni Finn ang kanyang kamay at inakay patungo sa gusaling iyon. Pagpasok nila ay binati si Finn ng mga trabahador kaya lalong nagtaka si Berkeley. Napansin ng nobyo ang pagtataka sa mukha niya kaya nagsalita na ito. " This is it babe, my own company. Anong masasabi mo?" wikang tanong ni Finn. " Whoa, really babe! wow! I'm so proud of you babe", masayang wika ni Berkeley sabay yakap ng mahigpit sa nobyo. Pagkatapos nilang magyakapan ay dinala ni Finn si Berkeley sa ikalawang palapag kung saan naroon ang opisina ni Finn. Ipinasyal niya ang dalaga sa buong gusaling iyon at ipinakita ang iba ibang modelo ng sasakyan na naroon sa loob ng gusali. Nang matapos sila ay nakaramdam ng pagkagutom ang dalaga kaya minabuti ng magkasintahan na kumain sa isang restaurant na malapit sa company ni Finn. Masayang masaya ang dalaga para sa kasintahan hindi nito lubos akalain na mag iiba ito ng kahihiligan. Ang buong akala ng dalaga ay sasabak din ito sa pagpupulitika gaya ng kanyang pamilya. Masaya niyang pinagmamasdan ang mukha ng nobyo dahil bakas sa mga mata nito ang tuwa dahil nasimulan na nito ang talagang gusto niya sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD