Chapter 9

946 Words
Dalawang araw na nagmukmok si Berkeley sa kanilang bahay. Dalawang araw na rin niyang hindi pinapansin ang mga tawag at text ni Finn. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nagtampo siya ng matagal sa nobyo. Isang umaga habang nag aagahan si Berkeley ay nagulat ito ng biglang may dalawang kamay na tumakip sa kanyang mga mata. Dali dali niya itong tinanggal upang alamin kung kaninong mga kamay iyon. Kumunot ang kanyang noo at tumaas ang isa niyang kilay ng makita na si Finn ang kanyang nasa likuran. " What are you doing here", supladang wika ng dalaga. " I'm worried about you babe, you haven't answered my texts and calls, that's why I'm here", wika ni Finn sa malambing na tono. " Worried? Seriously! Alam mo ba yung salitang worried Finn ? May usapan tayo last time hindi ka sumipot and we are waiting for you for almost 1 hour then we tried to call you pero naka off ang phone mo, tapos makikita kitang may kasamang ibang babae sa loob mismo ng sasakyan mo", dire diretsong wika ni Berkeley sa galit na boses. " Oh I'm really sorry babe", wika ni Finn ngunit tinalikuran na siya na Berkeley. Nagmamadaling umakyat ng hagdan ang dalaga at hindi nito pinapakinggan ang paghingi ng sorry ng kasintahan. Hinabol siya ni Finn at niyakap ng nakatalikod. Nagpupumiglas ang si Berkeley ngunit malakas ang mga bisig na nakayakap sa kanya. "Let me explain babe, please" pagsusumamo na wika ni Finn sa nobya. Nang maramdaman ng binata na tahimik na ang dalaga ay hinawakan nito ang kanyang mga kamay at inalalayan patungo sa sala upang sila'y makaupo at makapag usap ng maayos ng nobya. " The reason why I didn't go is because I had an unexpected meeting with my business partner. I want to build my own company, Babe para sa future natin. I was about to surprise you eh, kaso wala na kasi alam mo na", paliwanag ni Finn. " Then why is your phone turned off that day". Tanong ulit ni Berkeley sa mahinang tono. " Nalowbat babe, nakalimutan kung icharge dahil sa pagmamadali ko, then naging abala kami so hindi ko na naalala na low battery na pala", sagot ni Finn. " Then who's that girl inside your car that night? I saw you together looking happy hah!", wika ni Berkeley na may kasamang pagseselos ang boses. "Like I said, I have a business partner and that's the girl you saw that night, Miss Rebecca dela Vega. Don't worry babe, if everything is already settled I will bring you in the company", wika ni Finn. Nalinawagan ang isip ni Berkeley sa mga sinabi ng kanyang kasintahan. Wala naman talaga siyang balak na isawalang bahala ang tawag at text ng nobyo ngunit nadala siya ng kanyang emosyon kaya nagawa niyang hindi pansinin ito. " Still upset?", tanong ni Finn, umiling ang dalaga bilang tugon sa tanong ng nobyo. Kinabig siya ni Finn at niyakap ng mahigpit tapos hinalikan sa noo. " Nag breakfast ka na ba", tanong ni Berkeley. Umiling si Finn na nakausli ang mga nguso na akala mo'y batang nagtatampo. Napangiti ang dalaga sa ayos na iyon ng nobyo. " Anong gusto mo for breakfast?", tanong ulit ni Berkeley. " Maihahain mo ba yung gusto kung kainin", pilyong wika ni Finn na nakatingin sa ibabang bahagi ng katawan ni Berkeley. Naunawaan naman ng dalaga ang tinuran ng kasintahan. Mahinang pinalo ni Berkeley si Finn sa kapilyohan nito at saka hinila papuntang kusina. Habang kumakain ng agahan si Finn ay nagtanong siya sa nobya kung kailan ito magsisimula sa kanyang trabaho . Sinabi ng dalaga na sa susunod na linggo pa ang unang araw nito sa kompanyang kanyang papasukan. Marami pa silang napagkwentuhan ni Finn hanggang sa matapos itong kumain ay nagtanong ang dalaga. " Do you want dessert Finn?", tanong ni Berkeley. Isang nakakalukong tingin ang ipinukol ni Finn sa dibdib ng dalaga. " Uhmmm your so naughty", gigil na wika ni Berkeley at pinisil ang magkabilang pisngi ng binata ng mapansin nitong sa dibdib niya nakatingin ang nobyo. Napuno ng halakhakan ang loob ng kusina nila Berkeley dahil sa mga kapilyuhan ni Finn. Nawala rin ang galit na naramdaman ng dalaga sa mga nagdaan na araw. Isang tunog ng cellphone ang biglang nagpatigil sa paglalambingan ng dalawang magkasintahan. May tumatawag sa cellphone ni Finn, pagtingin nito ay pangalan ni Rebecca ang nakita sa screen ng cellphone. Agad na sinagot ng binata ang tawag iyon. Maya maya pa ay nagpaalam na ito kay Berkeley dahil may importante siyang gagawin. Hindi na natanong pa ni Berkeley kung sino ang tumawag dahil sa pagmamadali ni Finn. Nang makauwi si Finn ay naisipan ni Berkeley na tawagan ang kanyang mga kaibigan ngunit walang sumasagot kahit isa sa kanila. Sa pag iisang iyon ng dalaga ay ngayon lang siya nakaramdam ng boredom. Aakyat na sana siya sa kanyang kwarto ng biglang bumukas ang pintuan. " Daaad, Ang aga mo yata today", gulat at nagtatakang tanong ni Berkeley. " Plano kung kumain ng tanghalian with you",wika ni Mr. Caleb at itinaas ang mga pagkain na nasa supot. " I brought your favorite food", dugtong nito habang iwinawagayway ang dala nito. " Uhhhhyyyyyy, ang sweet naman ng daddy ko" wika ni Berkeley. Tinawag ni Mr. Caleb ang kanilang kasambahay upang dalhin ang mga pagkain sa kusina upang maihain na ito. Masayang masaya silang mag ama na pinagsaluhan ang masarap na pagkaing dala ni Mr. Caleb. Busog na busog si Berkeley sa naging tanghalian nilang dalawa ng ama. Marami pang natira kaya ibinigay na lang ito sa kanilang kasambahay. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Mr. Caleb ang biglaang pag sigla ni Berkeley.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD