Chapter 8

1149 Words
Sinimulan ni Berkeley mag apply sa mga hiring company. Gusto niyang simulan ang career sa sariling sikap. Kaya hindi muna niya piniling magtrabaho sa kompanya ng kanyang ama. Nais muna niyang magkaroon ng karanasan at hasain ang abilidad na meron siya. Isang araw ay nakatanggap siya ng isang tawag mula sa isang malaking kompanya. Hindi man ito gaanong kilala ay hindi na iyon importante kay Berkeley. Ang mahalaga sa dalaga ay magkaroon ng kaalaman sa pamamalakad ng isang kompanya sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. Tinawagan niya ang kanyang mga kaibigan upang ibalita na may magiging trabaho na ito. Natuwa naman ang kambal sa ibinalitang iyon ng kaibigan. Maging sina Shanty at Sean ay natanggap na rin sa kompanyang kanilang inapplyan. Dahil dito nagpasya ang mga magkakaibigan na magkikita bago pa man sila maging abala sa kani kanilang trabaho. Tinawagan din ni Berkeley ang kasintahang si Finn para yayain itong sumama sa kanila na mamasyal at kumain sa labas. Natuwa din ang binata sa pagkakatanggap ni Berkeley sa trabaho. Kinagabihan ay tahimik na naghihintay sa sala si Berkeley sa pagdating ng kanyang ama. Maya maya pa ay dumating na nga si Mr. Caleb. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay kanyang nabungaran ang magandang ngiti ni Berkeley. " Good evening sweety, any good news you look happy today? ", wikang pagbati at tanong ni Mr. Caleb. " Guess what dad?", wika ni Berkeley. Hindi muna niya kaagad sinabi sa ama kung bakit masaya siya ngayon. Gusto ng dalaga ay may pasuspense ang sasabihin. " What?", nahihiwagaang tanong ni Mr. Caleb. " Finally dad, natanggap na ako sa trabaho", masayang wika na Berkeley. "Uhmmm, I'm so proud of you sweety", wika ni Mr. Caleb at niyakap si Berkeley. " I'm happy for you", dugtong ni Mr. Caleb. "Happy? You said you're happy but what's the long face is all about dad? Paglalambing ni Berkeley. " Uhmmm, nagtatampo ako kasi di mo tinanggap ang inaalok ko sayong trabaho sa kumpanya natin", kunwaring pagtatampo ni Mr. Caleb. Nilambing lambing ni Berkeley ang ama para sa ganun mawala ang kunyaring pagtatampo nito. Wala ng mahihiling pa si Berkeley wala man siyang nakagisnang ina ay mayroon naman siyang napakabait at supportive na ama. Kinabukasan, alas tres ng hapon ang usapan nila Berkeley, Sean at Shanty na pagkikita sa isang mall. Matiyagang nag antay ang tatlo sa pagdating ni Finn subalit lumipas na ang isang oras ay wala pa ni anino ng binata. Sinubukang tawagan ni Berkeley ang kasintahan ngunit out of reach ito. Hindi mapakali ang dalaga dahil nag aalala ito para sa nobyo. Sinubukan pakalmahin ng kambal si Berkeley sa kanyang pag aalala. Niyaya nilang mag ikot ikot ang dalaga upang mawala sa isip nito ang kasintahan. Dahil ayaw naman sirain ni Berkeley ang araw na iyon ay isinantabi na lang muna niya ang pag iisip patungkol sa nobyong hindi matawagan. Sinamantala niya ang araw na iyon na makasama ang mga kaibigan dahil maaaring hindi na nila ito magagawa palagi. Natapos na lang ang pamamasyal nila Berkeley at ang kambal ay hindi pa rin nagpaparamdam si Finn. Lalong sumidhi ang pag aalala ng dalaga para sa nobyo. Habang nagmamaneho ang dalaga pauwi sa kanilang bahay ay isang pamilyar na sasakyan ang kanyang nakasulubong. Habang papalapit ng papalapit ang sasakyan ay doon napagtanto ni Berkeley na ang sasakyan na iyon ay walang ibang may ari kundi ang kanyang nobyo. Lumakas ang kabog ng dibdib ng dalaga ng makita nitong may kasamang babae si Finn sa loob ng sasakyan. Hindi man lang napansin ng binata na nakasalubong na pala niya si Berkeley dahil abala ito sa pakikipag usap sa kasama nitong babae. Nanginginig sa galit si Berkeley kung kaya minabuti niyang ihinto ang kanyang sasakyan sa tabi ng kalsada. Napadukdok siya sa harap ng kanyang manibela upang itago ang nagbabadyang pagpatak ng kanyang mga luha. Ilang minuto din ang lumipas bago niya maisipang ipagpatuloy ang kanyang pagmamaneho. Ngunit nakakaramdam pa rin siya ng panginginig ng katawan sa labis na pagseselos. Hindi nagtagal ay nakarating siya ng bahay na namumugto ang mga mata. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Padabog na isinara ng dalaga ang kanyang pintuan na nagdulot ng malakas na tunog. Ibinagsak niya ang katawan at isinubsob ang mukha sa kama upang mailabas ang kanina pang pinipigilang sakit na nararamdaman. Kasalukuyan noon na nasa study room si Mr. Caleb kaya nagulat ito sa malakas na lagabog na kanyang narinig. Binitiwan ang hawak hawak na papel upang alamin kung saan nanggaling ang tunog na iyon. Umakyat ng hagdan si Mr. Caleb at naglakad patungo sa kwarto ni Berkeley. Marahang binuksan ang pintuan upang silipin kung naroon ang dalaga. Pagsilip ni Mr. Caleb ay agad niyang napansin ang yumuyugyog na balikat ng dalaga at narinig ang mahinang hikbi nito. Biglang nabalot ng pag aalala ang mukha ni Mr. Caleb sa kanyang anak kaya dali dali itong lumapit sa dalaga. " What's wrong sweety?", wika ni Mr. Caleb na bakas ang pag alaala sa kanyang boses. Hindi nagsalita si Berkeley bagkus mabilis siyang umupo at niyakap ang ama. Isinubsob ng dalaga ang mukha sa dibdib ni Mr. Caleb at doon ay parang batang umiyak ng umiyak ang dalaga. " Sssshhhhhh, tahan na sweety, tahan na", wika ni Mr. Caleb at hinaplos haplos ang buhok at likod ng dalaga. " Pwede ko bang malaman kung ano nangyari sweety?", tanong ni Mr. Caleb. " Si Finn kasi dad", pahikbi hikbing wika ni Berkeley. " Ba-bakit, What's wrong with Finn? Can you tell me exactly what happened sweety?", nagtatakang tanong ni Mr. Caleb. Umayos ang upo ang dalaga at ikinuwento sa ama ang nangyari. " May usapan po kasi kami ni Sean at Shanty na mamasyal with Finn but unfortunately hindi sumipot si Finn, then I tried to called him but his mobile was turned off. I was worried to death but then nakita ko siya, with another women inside his car", pagsasalaysay ni Berkeley na humihikbi pa rin. " It hurt's me dad, it hurt's me until now hindi pa niya ako tinatawagan", wika ulit ni Berkeley. Niyakap ulit ni Mr. Caleb si Berkeley upang mapakalma at mapatahan sa pag iyak. Sa tagal nilang magkayakap at sa pagod ni Berkeley sa kakaiyak ay hindi namalayan ni Mr. Caleb na nakatulog na pala ito sa kanyang dibdib. Hinawakan ni Mr. Caleb ang ulo ng dalaga at dahan dahan itong binitawan upang maiayos sa paghiga. Hinawi ang buhok at pinunasan niya ang mukha ni Berkeley na basang basa pa ng mga luha. Ilang minuto din niyang pinagmasdan ang natutulog na dalaga bago niya ito iwanan. Ngunit hindi nakaligtas kay Mr. Caleb ang mapupulang labi ng dalaga at biglang sumulpot sa kanyang isipan ang nangyaring paghalik na naganap sa pagitan nilang mag ama. Iwinasiwas ni Mr. Caleb ang kanyang ulo upang burahin iyon sa kanyang isipan at kinumutan niya ng maayos ang dalaga at tuluyan ng umalis mula sa silid na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD