Chapter 7

1119 Words
Kinabukasan, maagang nagising si Mr. Caleb upang pumasok ng opisina. Bago ito umalis ay sumilip muna siya sa kwarto ni Berkeley para icheck ang kalagayan nito. Pagsilip niya ay mahimbing na natutulog ang dalaga ng nakanganga. Napangiti na lang si Mr. Caleb sa nakitang ayos ng natutulog na si Berkeley. Marahan nitong isinira ang pinto para hindi maabala ang natutulog na dalaga. Habang pababa ng hagdan si Mr. Caleb ay biglang sumulpot sa kanyang isipan ang paghalik ng dalaga sa kanya kagabi. Pinipilit iwaglit ni Mr. Caleb sa kanyang isip ang mga pangyayaring iyon. Alam niya na nadala lang ang dalaga sa kalasingan nito kaya hindi niya alam ang kanyang ginagawa. Pailing - iling siyang lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. Samantala, si Berkeley naman ay tanghali na ng magising. Bumangon siyang masakit ang kanyang ulo at nakakaramdam pa ng konting pagkahilo. Nagtungo siya ng kusina at nagbukas ng malamig na tubig. Habang nilalagok ng deri deritso ang malamig na tubig ay napapaisip siya kung ano ang mga nangyari kagabi. Nagtataka siya kung paano siya nakauwi ng bahay. Wala halos siyang maalala dahil sa kalasingan nito. Maya maya pa ay naisipan niyang tawagan ang kambal. " Hello sissy, napatawag ka" wika ni Shanty na nasa kabilang linya. " Shant, I wonder how I got home?" tanong agad ni Berkeley. " Ahhhh, iyon ba?, Your too much drunk last night, hindi ka na rin namin kayang hinatid ni Sean kaya tinawagan ko na lang ang daddy mo para sunduin ka.", pagpapaliwanag ni Shanty. "I can't remember anything sissy, and ang paggising ko ang sakit ng ulo ko", wika ni Berkeley sa kaibigan. " Paano naman kasi nilaklak mo ang alak na akala mo'y wala ng bukas, feeling mo bihasang bihasa ka sa pag inom ng alak gurl ", wika ni Shanty. Natawa nalang si Berkeley sa tinuran ng kaibigan. Nang matapos silang mag usap ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Ibababa na sana ni Berkeley ang kanyang cellphone ng bigla itong tumunog. Si Finn, ang nakita ng dalaga sa screen ng kanyang cellphone. Tinatawagan siya ng binata ngunit parang nagdadalawang isip ang dalaga kung sasagutin ba niya ito o hindi. Nang nagpasya ang dalaga na huwag itong sagutin ay tumunog ulit ang cellphone nito. Wala ng nagawa pa si Berkeley kundi sagutin na lamang ito. " Hello", matamlay na wika ni Berkeley " Hello babe, I miss you", paglalambing ni Finn na nasa kabilang linya. Napangiti ng bahagya si Berkeley sa sinabing iyon ng nobyo. Ito ang kahinaan niya kunting paglalambing lang ng kasintahan ay nawawala na ang galit nito sa kanya. " Babe, let's have dinner later", yaya ni Finn sa kanya. " I can't Finn, masakit ang ulo ko", pagtanggi ni Berkeley. "Ehmmm. Okay, punta na lang ako sa house niyo mamaya. Anyway, What do you want?, para madala ko mamaya", tanong ni Finn. " Anything babe", tipid na sagot ni Berkeley " Okay got it. I love you babe, Mwaaaah", lambing na wika ni Finn. " I love you too Finn", nakangiting sagot ni Berkeley. Hindi maintindihan ni Berkeley ang sarili kung bakit hindi niya kayang magalit ng matagal kay Finn. Siguro nga dahil sa mahal na mahal niya ang kasintahan. Nabubulag siya sa pagmamahal na iyon kahit pa alam niyang may ibang kinahuhumalingan na babae si Finn. Isang katok mula sa pinto ng kanilang bahay ang narinig ni Berkeley. Kasalukuyan siya noon na nanonood sa kanilang sala. Tumayo siya at mabilis na nagtungo sa may pintuan upang buksan. Bumungad sa kanyang harapan ang isang bungkos ng mapuputing rosas. Hinawi ng dalaga ang mga bulaklak upang makita ang nakatagong mukha ng kasintahan. Agad niyang niyakap ito ng mahigpit at binigyan ng halik sa pisngi. Pinatuloy ni Berkeley si Finn at hinila papuntang sala para makaupo. Ipinagpatuloy ng dalaga ang panonood kasama ang nobyo. Pinahiga ni Finn si Berkeley sa mahabang sofa at pinaunan sa kanyang mga hita. Habang abala ang dalaga sa panonood ay biglang naisipan ng binata na subuan ang nobya gamit ang kanyang mga labi. Ang pagdidikit ng kanilang labi ay nauwi sa halikan. Habang naghahalikan sina Finn at Berkeley ay may isang pangyayaring pumasok sa isipan ng dalaga. Biglang lumitaw sa kanyang memorya ang isang lalaki na kanyang kahalikan ngunit hindi maalala ng dalaga kung sino ang lalaking iyon. Nagtatalo ang isipan ni Berkeley dahil may pagkakaiba ang halik ng nobyo at ang halik ng lalaki ng gabing lasing ito. Hindi inaasahan ng magkasintahan na maagang umuwi si Mr. Caleb at naabutan sila sa gaanong ayos. Mula sa likuran nakita ni Mr. Caleb ang paghahalikan ng dalawa. Gumawa ito ng mahinang ingay na agad naman nagpabalikwas sa magkasintahan. "Ahem", mahinang tunog mula kay Mr. Caleb. Sabay na napalingon sina Berkeley at Finn. " Dad, maaga ka yata ngayon", wika ni Berkeley na namumula ang mga pisngi nito dahil sa kahihiyan. "I am worried about you sweety, that's why!", wika ni Mr. Caleb "G-Good evening Mr. Caleb", wika ni Finn ng nauutal. "Good evening too", casual na sagot ni Mr. Caleb sa binata. Tatalikod na sana si Mr. Caleb ng bigla ulit itong magsalita. " Siyangapala Berkeley, kumain ka na ba?, may dala akong pagkain", tanong ni Mr. Caleb sa dalaga. " Yes dad, Finn brought me food", sagot ni Berkeley. Tumango na lang si Mr. Caleb sa sagot ng dalaga. Tinawag niya ang kanilang kasambahay at inutusan na dalhin sa kusina ang binili nitong pagkain. Sinabi rin niya sa kasambahay na kainin na lang ang dala nitong pagkain dahil nawalan na ito ng gana. Hindi nagtagal ay nagpasya ng umuwi ni Finn. Nagpaalam na ito sa nobya at sinabing dadalaw na lang ulit kinabukasan. Hinatid ni Berkeley sa may pintuan ang nobyo. Pagka alis ni Finn ay agad isinara ng dalaga ang pintuan. Paglingon ng dalaga ay napatingala sa taas sa bandang hagdan. Nakita niya si Mr. Caleb na bumababa mula sa hagdanan. "Dad, di ka pa ba matutulog", tanong ni Berkeley. " Not yet sweety, why? Sagot at balik tanong ni Mr. Caleb. " Can we talk? ", tanong ulit ni Berkeley " Sure, about what? Berkeley", sabi ni Mr. Caleb. " Ehmmmm, about last night dad, I just want to know what happened last night ", sagot ni Berkeley. " Last night?, nothing happened sweety, your just drunk, Why?", wika ni Mr. Caleb na may halong kaba. " Nothing dad", sagot ni Berkeley. Gusto sana ng dalaga na tanungin ang kanyang ama kung may nakita siyang kasama nilang lalaki sa kanilang lamesa ng gabing iyon. Sa pag dadalawang isip na magtanong ay mas pinili nalang ng dalaga na hayaan na lang ang bagay na iyon. Baka dala lang ng kanyang kalasingan kaya kung ano ano ang pumasok sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD