Linggo ng umaga, nadatnan ni Berkeley ang kanyang ama na nagkakape sa kusina. Tuwing linggo lang kasi silang mag ama madalas nagkakasabay mag almusal. Kadalasan kasi lalo na pag may pasok sa school si Berkeley ay busy din si Mr. Caleb sa kanyang kompanya kaya halos di sila magpang abot na mag ama.
" Good morning dad!" wika nito sa ama.
"Good morning sweety", lambing na sagot ni Mr. Caleb sa kanyang anak.
"May lakad ka ba today? tanong ni Mr. Caleb sa anak.
" Oh yeah," I almost forgot! Sagot nito at biglang naalala ni Berkeley ang usapan nila ng kanyang mga kaibigan.
" Yes dad", my friends and I were planning to watch a movie later." sabi nito sa ama.
" Hmmm",ang tanging naisagot na lang ni Mr. Caleb,kasabay ng pag tango nya dito.
Balak sana niyang yayain ang kanyang anak sa araw na iyon ngunit may lakad pala ito kasama ng mga kaibigan. Alam kasi ni Mr. Caleb na nawawalan na siya ng oras para sa anak dahil sa sobrang abala nito sa pamamalakad sa kanilang kompanya.
"Bakit dad? tanong ni Berkeley sa ama.
" Wala naman, just asking lang", sagot ni Mr. Caleb. "Anyway, always remember to be careful, okay".,paalala sa anak.
" Yes dad. I will po," sagot naman ni Berkeley.
Matapos silang kumain ng agahan ay umakyat na si Berkeley sa kanyang kwarto. Samantalang si Mr. Caleb naman ay nagtungo sa kanilang study room.
Pagsapit ng tanghalian ay tinawag na sila ng kanilang kasambahay dahil nakahain na ang kanilang pagkain. Ngunit ng bumababa na si Berkeley at patungo na siya sa kusina ay nakita niya ang kanyang ama na nakabihis panlakad. Parang pupunta ng golf club dahil s porma nito.
"Golf club with friends?", tanong ni Berkeley sa ama.
"Yes, sweety", Nagyaya bigla ang ninong mo eh, hindi na ako makakasabay sayo ng tanghalian. Sa labas na lang kami kakain ng ninong mo. ", tuloy na tuloy na sagot ni Mr. Caleb.
"Kumain ka muna kahit konti dad", alok ni Berkeley. Ngunit tinanggihan siya ng kanyang ama dahil malalate na daw siya sa oras na usapan nilang magkumpare.
"Daaaaadddd", patampong tawag nito sa ama. Hinalikan siya ng kanyang ama at tuluyan na ngang nagpaalam.
"Bye, i love you my baby", paalam na lambing ng ama. Wala ng nagawa pa si Berkeley dahil tuloy tuloy na ang paglalakad ng kanyang pinakamamahal na ama.
"Bye dad, I love you too, ingat" sagot niya sa ama kahit dismayado ito dahil mag isa na siya kakain.
Dahil hindi niya kayang ubusin ang inihanda ng kanilang kasambahay ay niyaya na lamang niya ang mga ito pati ang kanilang driver para may kasabay siya kumain kahit papano.
Hindi na bago kay Berkeley ang ganung scenario dahil madalas din naman niyang yayain ang mga ito na kumain kasabay niya. At isa pa matagal na sa kanila naninilbihan ang dalawa.
Pagkatapos mananghalian ay sinabihan niya ang kanilang katulong na gumawa ng tsaa at dalhin na lang sa may swimming pool. Balak kasi ni Berkeley na magpahangin muna sa labas. May ilang oras pa siyang makapag muni muni, alas singko pa naman ang lakad nilang magkakaibigan.
Makalipas ang dalawang oras nagtungo na si Berkeley sa kanyang kwarto upang maligo at magbihis. Simpleng damit at simpleng make up lang para sa kanya ay okay na.
Hindi nagtagal ay narinig na niya ang boses ng bakla niyang kaibigan.
" Sissy, sissy, sissssssyyyyy," paulit ulit na tawag ni Sean.
" Coming," pasigaw na sagot ni Berkeley. Nang makababa ay nagbeso beso ang mga ito.
"Let's go", aya na ni Finn. At umalis na nga silang magkakaibigan. Napakaingay ng loob ng sasakyan ng mga oras na yun dahil sa mga jokes at kalandian ni Sean. Kaya puno ng tawanan at halakhakan ang sasakyan ni Finn.
Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa kanilang paroroonan. Bumili na sila ng ticket at mga pagkain at inumin na dadalhin sa loob ng sinehan. Horror ang napili nilang panuurin kaya ng makarating na sila sa kani kanilang upuan ay gustong tumabi ni Sean kay Finn dahil takot daw siya. Natawa nalang ang magkakaibigan dahil alam naman nilang hindi ito matatakutin at gusto lang talaga makatabi ang binata.
Sa kalagitnaan ng palabas ay biglang nagulat si Berkeley at ito'y napasigaw.
"Ahhhhhh," sigaw ng dalaga sabay takip ng kanyang mga mata. Napalingon naman si Finn at to the rescue ito. Agad agad na inakbayan ang dalaga para mapanatag ito at hindi matakot sa kanilang pinapanood.
"takot takutan ang peg", biro ni Sean na nakataas ang kilay at nakahalukipkip ang mga kamay, habang si Shanty naman ay kinikilig na nakatingin sa dalawa.
"Uyyyyyyy, ang sweet" kinikilig na wika ni Shanty. Mahinang hinampas ni Berkeley ang dalaga dahil sa sinabi nito.
" Manood na tayo," wika ni Berkeley sa mga ito. Dahil ang atensyon ng mga ito ay napunta sa kanya.
Matapos silang manood ay inalok ni Finn ang tatlo na pumunta sila kahit saglit lang sa club kung saan naroon ang mga kaibigang lalaki ni Finn.
Sa kanilang pagpasok sa loob ng club ay namangha si Sean dahil karamihan sa mga naroon ay mga lalaking ang gugwapo. Mahilig pa naman ito sa gwapo at matitipunong katawan.
Kinawayan si Finn ng isang lalaki na kanyang kaibigan at agad namang nagtungo ang apat doon. Ipinakilala ni Finn sina Berkeley, Sean, at Shanty sa mga kaibigan nitong umiinom ng mamahaling alak.
Ito ang kauna unahang makapasok sila sa ganung klaseng club na halos galing sa mayayamang pamilya ang mga tao doon.
Si Sean ay walang pakundangan sumayaw sayaw sa gitna na parang nakawalang isda mula sa aquarium. Samantalang si Berkeley at Shanty ay kuntento na lang sa panonood at uminom ng ladies drink.
Inalok ni Finn ang dalawang dalaga para sumayaw ngunit tinanggihan ito ng dalawa. Kaya ipinasya na lang ni Finn na makipag sayawan sa ibang mga babae roon.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay may lumapit na tatlong lalaking lasing kina Berkeley at Shanty sa kanilang table. Napasigaw ang dalawa dahil kulang na lang ay halikan si Berkeley ng isang lalaking lasing na lasing, na siyang ikinagulat ng lahat. Agad naman na sinaklolohan ni Finn at ang kanyang mga kaibigan ang mga dalaga. Pati si Sean ay nataranta at lumapit na rin sa mga ito.
Nagkagulo sa loob ng club ng mga oras na iyon. Nagkasuntukan ang mga lalaking lasing at sina Finn kasama ng mga kaibigan. Ngunit naawat din ito ng mga bouncer at pinalabas ang tatlong lalaking lasing na siyang nagsimula ng gulo.
" Are you okay guys", pag aalalang tanong ni Finn sa mga kaibigan.
"O-oo" sagot ni Berkeley na may panginginig ang boses.
Inalalayan ni Finn ang dalaga na umupo upang mahismasan dahil nanginginig ito. Sinubukan niyang ireport sa pulisya ang nangyari. Ang sabi ng pulis na kanyang nakausap ay kailangan nilang pumunta sa Police station.
Ipinablotter nila Finn ang tatlong lalaking nambastos kay Berkeley. Sa kabilang banda tinawagan ng isang pulis ang ama ni Berkeley dahil kilala nya ito.
Nagmamadaling nagtungo si Mr. Caleb sa presinto upang sunduin ang kanyang anak at para na rin malaman ang buong nangyari.
Pagpasok niya ng presinto ang unang bumungad sa kanya ay si Finn na may pasa sa mukha. Hindi napigilan ni Mr. Caleb ang kanyang galit at kinuwelyuhan nya ito upang ambahan ng suntok, ngunit niya nakita sa isang sulok ang kanyang anak na may pag alala-ala sa kanyang mukha. Kaya agad niyang binitawan ang kwelyo ng binata at nilalapitan ang anak. Niyakap niya ng mahigpit at inakay palabas ng presinto.