Chapter 2

1040 Words
Kinaumagahan ng lunes ay masiglang bumangon si Berkeley upang bumaba para mag almusal. Nang makita nito ang kanilang kasambahay ay agad niyang tinanong ang kanyang ama. "Manang..!Nasaan c daddy,paki gising naman po sya" Wika ni Berkeley. "Maaga pong umalis ma'am, nagbilin po na mag almusal na po kayo bago umalis." Wika ng kasambahay. Nang marinig ni Berkeley ang sinabi ng kasambahay ay agad na kinuha nito ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ama. Rrrrriiinnnggg….!! Narinig ni Berkeley sa kabilang linya ng kanyang Cellphone. Nang walang sumasagot dito ay pinasiya na lang nito na putulin ang tawag. Nang dahil sa nangyari ay biglang nawalan ng ganang mag almusal ito. kaya't pinasiya na lang nyang pumasok sa University. Habang patungo sa loob ng kanyang class room ay agad natanaw ni Berkeley ang kanyang mga kaibigan. Nang makapasok ang dalaga sa kwarto ay agad naman napansin ng kambal ang kanyang mukha na hindi maipinta. "Anong nangyari sa mukha mo? at para kang inagawan ng Candy." Wika ni Shanty. "Baka may regla..! Sabat naman ni Sean. "Paano ba naman kasi first day of school nag promise si Dad na mag sasabay kami kumain ng umagahan pero as usual hindi na naman tumupad sa usapan."Wika ng dalaga sa kanyang mga kaibigan. Matapos sabihin ni Berkeley ang kanyang tampo sa kanyang ama ay agad na rin ang mga ito na tumahimik ng pumasok sa loob ng class room ang isang teacher. Habang nagsasalita ang guro ni Berkeley ang isipan naman nito ay wala sa konsentrasyon. Napapaisip ang dalaga dahil halos hindi na nya makikita sa bahay ang kanyang ama. Nang matapos ang klase ng magkakaibigan ay agad naman ng aya ang kambal, upang magtungo sa cafeteria, habang patungo ang mga ito ruon ay agad napansin ni Berkeley si Finn na patungo rin sa kanilang pupuntahan. Kung kaya ng makita sila ng binata ay agad na lumapit rin ito sa kanila. "Hay..Sa Cafeteria rin ba ang punta niyo?" Tanong ni Finn sa magkakaibigan. Agad naman nagkatinginan ang tatlo at walang sagot na hinila ni Sean si Finn, at niyakap niya ang braso ng binata na akala mo'y nobya siya nito. Tanging tango nalang ang naisagot ng dalawang dalaga. At sabay sabay na nga silang pumasok. Sa kanilang pagpasok ay hindi maiwasang lumingon ang mga kababaihan sa gawi nila Berkeley. "Ikaw ba naman hindi pagtinginan eh kasama mo ang isang hearthrob ng paaralan. Pogi na mayaman pa saan ka pa diba" bulong ni Berkeley sa sarili. Dire- diretso silang apat sa counter upang pumili ng kani kanilang pagkain. Maraming pagkain ang nasa harapan ngunit parang walang ganang kumain si Berkeley. Kaya nagpasya na lang siya na bumili na lang ng kape. "ay diet ang sister mo," sabi ni Sean sa kanyang kakambal na si Shanty. Napansin kasi nito na yong kape lang ang inorder ni Berkeley. "may pinagpapasexyhan", dugtong nito sabay lingon kay Finn. Sinaway ni Shanty ang kanyang kakambal dahil sa kapilyohan nito. Pero gayunpaman sanay na sanay na ang kanyang mga kaibigan sa kapatid nito. Kaya napangiti na lang silang lahat sa pang aasar ni Sean. Nang matapos na silang umorder ay naghanap na sila ng mauupuan. Alam ng lahat na may pagtingin si Finn kay Berkeley ngunit sa panahon na iyon wala pa sa isip ni Berkeley pumasok sa isang relasyon. Matagal ng nagpapalipad hangin si Finn sa kanyang nararamdaman para kay Berkeley ngunit hindi niya kayang sirain ang pinagsamahan nilang dalawa ng dalaga kung ipipilit nya ang kanyang nararamdaman. Masaya na siya kung anong meron sila ngayon ng dalaga. "Any plan this weekend," tanong ni Finn sa kanilang tatlo. "Gusto niyo bang manood ng movie" dugtong pa nito. " Ayy bet ko yan", malanding sagot ni Sean. "Basta gala ang usapan ganadong ganado ang bakla", sabi ni Shanty kay Sean. " Ikaw Berkeley wanna join us", tanong ng binata sa dalaga. Wala sanang balak na sumama ni Berkeley ngunit nahihiya naman siyang tumanggi sa mga ito. Isa pa, wala silang pasok ng lunes kaya pumayag na lamang siya. " Pumayag ka na sissy", pamimilit ni Sean kay Berkeley dahil matagal sumagot ang dalaga sa tanong ni Finn sa kanya. "Oh siya sige, sige na nga!", pag sang ayon nito sa kanila. Naputol ang usapang nilang iyon ng tumunog na ang bell ng kanilang paaralan hudyat na magsisimula na ang klase nila para sa hapon. Sabay sabay na silang nagsitayuan mula sa kani kanilang inupuan at nagpaalam na rin sa isa't isa. Dahil mgkakaklase sina Sean, Shanty at Berkeley ay iisang direksyon lamang sila samantalang si Finn naman ay sa kabilang direksyon. Sa kanilang magkakaibigan si Finn lang ang naiiba ang kurso sapagkat gusto niyang sumunod sa yapak ng kanyang ama bilang isang Pulitiko. Kilala ang pamilya ni Finn bilang mga Politician sa kanilang bayan. Kaya hindi maitatangging sikat siya dahil na rin sa impluwensiya ng kanilang angkan. Kaya sanay na sanay na si Finn na maging center of attraction lalo na sa mga kababaihan sa kanilang lugar. Maraming humahangang mga babae kay Finn karamihan sa kanila ay galing din sa mga kilalang pamilya. Maraming kaibigan si Finn, mapa lalaki man o mga babae. Ngunit sina Berkeley, Sean, at Shanty lamang ang itinuturing niyang best of friends niya. Dahil kaibigan na niya ang mga ito simula ng mga bata pa sila. Sa pagtatapos ng kanilang klase ay nagkita kita sila sa may gate ng paaralan. "Don't forget guys, sunday 5 pm sharp", paalalang sabi ni Finn sa kaibigang tatlo. "Susunduin ko kayong lahat", pahabol nitong sabi sa kanila. "Copy!" sabay na sabay na sagot ng tatlo. " Pano ba yan mauna na ako sa inyo may bisita kasi kami sa bahay" pagpapaalam ni Finn sa mga kaibigan. Ipinasya na din ng magkakaibigan na umuwi na rin. Sa mga sandaling iyon ay naghihintay na ang driver nila Berkeley. Inalok niya ang kambal kung gusto na ni lang sumabay sa kanya. Dahil iisang direksyon lang naman ang kanilang destinasyon. Umaga ng sabado maagang nagising si Berkeley dahil mag eehersisyo siya. Yun na kasi ang daily routine nya sa umaga pag walang pasok. May sarili kasi silang mini gym sa kanilang bahay. May sarili din silang pool kaya anytime nakakapag swimming siya. Minsan pag bored siya niyaya niya sina Sean at Shanty upang may kasama siyang maligo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD