Chapter 1

1029 Words
Hindi masidlan ang ngiti sa labi ni Berkeley, habang dahan-dahan bumababa ng hagdan ito. Habang nakatingin ang dalaga sa kanyang paligid ay ganun na lang ang kanyang tuwa ng lahat ng kanyang mga kaibigan ay nasa kanyang kaarawan. Makikita sa bawat mukha ng kanyang mga bisita ang saya at tuwa sa kanyang kaarawan, dahil ito ang kanyang pinakahihintay na araw na tumuntong siya sa legal age. Dahil para kay Berkeley ang legal age ay freedom. "Happy birthday, sissy..!" Wika ng kambal na sina Sean at Shanty na siyang kababata ni Berkeley. "Thank you, mga sissy." Wika ni Berkeley Hope sa kanyang mga kaibigan. Habang masayang nagkukwentuhan, ang magkakaibigan ay bigla na lang sila napahinto sa kanilang pag uusap ng may isang baritonong boses ang bigla na lang nilang narinig. "Happy 18th birthday, Berkeley." Wika ng isang lalaki. Nang dahil sa kanilang narinig ay sabay sabay napalingon ang magkakaibigan. "FFFiiinnnn…!!!" Wika ni Sean sa malanding tono nito sa lalaki. "G*G*. " Wika ni Shanty sa kanyang kakambal sabay kurot nito s kanyang tagiliran" Tong baklang to apakalandi at sabay sabay silang ng tawanan… "Thank you, Finn." Wika ni Berkeley sa binata. "Finn. Hindi ka ba nangangalay dyan sa dala mo." Tanong ni Sean sa binata na nasa kanilang harapan. "Napakalaki ng kargada mo este dala pala." Biro nito sabay tawa. Habang inaabot ni Berkeley ang regalo na bigay sa kanya ng binata ay ganun na lang ang kanyang pagtitig dito. Agad napansin ng dalaga ang gandang lalaki ni Finn. Habang nakatingin si Berkeley sa matangos at mapungay na mata ng binata ay isang bulong ang bigla na lang narinig nito sa kanyang tainga. "Kung ipagpatuloy mo yan mga titig mo kay Finn, panigurado na mahihirapan na siyang makauwi sa kanila." Bulong ni Shanty sa kanya Habang silay ng uusap ay isang pamilyar na boses ang narinig ni Berkeley mula sa itaas ng kanilang hagdan. "Good evening, everyone I want to say thank you for joining us tonight as we celebrate my daughter's 18th birthday. Let's enjoy the party tonight, "cheers" Wika ng ama ni Berkeley sa mga bisita. Nang marinig ng lahat ang sinabi ng ama ni Berkeley na si Mr. Caleb Morgan ay sabay sabay naman nag palakpakan ang lahat at itinaas ng mga ito ang kani kanilang mga kopita. Habang abala ang lahat ay biglang inaya ni Finn si Berkeley, upang sumayaw sa isang romantikong tugtugin na pinamagatang wonderful tonight ni Eric Clapton. Kasabay ng saliw ng tugtugin ay ang titig ni Finn sa dalaga. Sa gabing yun, si Berkeley ay nakasuot ng isang mahabang dilaw na bestida na hubog na hubog sa kanyang katawan. Nang dahil sa kanyang suot ay lalong lumitaw ang kanyang kagandahan, kaya hindi maiwasan ni Finn na pagmasdan ang dalaga. Habang nakahawak ang binata sa bewang ng dalaga ay isang kakaibang pakiramdam ang bigla na lang naramdaman ni Finn. Isang kuryenteng bumuhay sa kanyang p*********i. "Finn.." Tawag ni Berkeley sa binata. Agad naman natauhan si Finn sa kanyang iniisip ng marinig nito ang boses ng dalaga. "B-bakit.?" Tanong ni Finn sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Muling tanong ni Berkeley sa binata. "Oo. Ayos lang naman ako." Wika ng binata sa dalaga na nasa kanyang harap Ngunit habang nakatayo ang dalawa ay hindi na maiwasan ni Finn na bumulong sa kanya. "Alam mo ba ng dahil sa kagandahan at ka sexyhan mo nagising ang natutulog kung alaga." hindi na bata si Berkeley para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng binata. Mabilis na tinapik ni Berkeley sa balikat si Finn at inaya na nito umupo ang binata. Habang patungo ang dalawa sa kung nasaan ang kambal ay agad napansin ni Berkeley ang kanyang ama na nakatingin sa kanya, nakakunot ang noo at parang di natutuwa dahil sa pagiging malapit ng dalawa na animoy magkasintahan sa kasweetan. Habang lumalalim na ang gabi ay unti-unti narin nagpaalam ang ilang mga bisita. Maging ang mga kaibigan ng dalaga ay agad na rin nagpaalam dito. "Sis..! Grabe ang saya ng party mo. Kaso late na need na namin umuwi ni Shanty at baka majombag kami ni father earth, kung alam mo lang sis." Wika ni Sean. "Ssssuuuss…Kung hindi lang namin alam ni Berkeley. Kaya ka lang naman ng enjoy sa party ay dahil kay Finn na walang habas mo nilalandi kanina pa." Pagbabara ni Shanty sa kanyang kakambal. Nang sabihin ni Shanty yun sa kanyang kakambal ay sabay sabay ang mga ito na nagtawanan. Habang masaya ang tatlong magkakaibigan ay siya naman pagsulpot ni Finn sa harapan ng tatlo. "Hay. Girls.." Wika ni Finn sa mga babae na nasa kanyang harapan. "O.M.G..Sa wakas napansin mo rin ako Finn na sa maganda mong mga mata ay ang tingin mo sa akin ay isa ng babae." Masayang wika ni Sean sa lalaki. Habang sinasabi Sean ang mga salitang yun ay agad silang inalok ni Finn na sumabay sa kanya, dahil isang direksyon na lang naman sila, at hindi na tinanggihan ng magkapatid ang alok ni Finn. Nang makapag paalam na ang lahat ng bisita kay Berkeley ay agad naman nagpasya ang dalaga na umakyat patungo sa kanyang kwarto. Sa harap ng kanyang vanity mirror si Berkeley ay abala na tinatanggal ang kanyang make up sa kanyang mukha. hindi nito namalayan na nasa kanyang likuran ang kanyang ama. Habang dahan-dahan binuksan ni Mr. Caleb ang pintuan ng kwarto ni Berkeley, mula sa pinto ay pinag mamasdan niya ang kanyang anak, at hindi nito lubos maisip na ang dating bata ay ganap ng dalaga. Biglang pumasok sa isipan ni Caleb ang mukha ng ina ni Berkeley, habang pinang mamasdan nito ang dalaga. Habang abala ang kanyang isipan ay biglang nagsalita ang dalaga, dahilan upang bumalik sa kanyang ulirat. "Daddy. Kanina ka pa ba dyan." Wika ni Berkeley sa kanyang ama at sabay na tumayo upang lumapit at yakapin ito. "How's your party baby, ng enjoy ka ba." Tanong ni Caleb sa kanyang anak. "Yes, Daddy. You're the best dad ever." Wika ni Berkeley sa kanyang ama na may kasamang thumbs up na ikinatuwa naman ni Mr. Caleb. "Kung ganun magpahinga ka na, dahil alam ko na napagod ka sa gabing ito." Wika ni Mr. Caleb at hinalikan na niya ito sa noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD