Prologue

465 Words
“LUMAYAS KA..! Napaka walang hiya mong babae ka. Hindi ko alam na ganyang ang gagawin mo. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng pamilya ko sayo.” Hindi maiwasan hindi alalahanin ni Amelia ang mga nangyari sa kanya kanina, habang pinagtabuyan siya ni Donya Anastasia sa mansion ng mga Gil. Habang naglalakad si Amelia sa isang madilim na kalsada ay bigla na lang umulan ng pag kalakas lakas na may kasamang pagkulog at pagkidlat ngunit hindi nya ito alintana. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagbuhos ng kanyang mga luha at pagkirot kanyang dibdib. Sa isang banda bigla syang nakaramdam ng pagkirot sa kanyang sinapupunan, pagtingin ni Amelia sa kanyang mga hita ay ganun na lang ang kanyang pagka gulat ng isang pulang likido ang kanyang nakita mula sa kanyang mga hita. “AHHH… Tulong…!! Tulungan niyo ako…!!” Malakas na sigaw ni Amelia mula sa kanyang kinatatayuan. Habang hawak-hawak nito ang kanyang malaking tiyan ay isang sasakyan ang bigla na lang huminto sa kanyang tapat at mabilis na bumaba doon si Sandra. Nang mapansin ni Amelia ang bulto ng isang babae ay agad itong humingi ng tulong dito. “Please.. Tulungan mo ako.” Wika ni Amelia sa babae na papalapit pa lang sa kanyang harapan. Ngunit bago paman makalapit kay Amelia ang dalaga ay bigla na lang nito narinig na binanggit ng babae papalapit sa kanya ang kanyang pangalan " Amelia..!" Tawag ng babaing papalapit sa kanya. Nang marinig ni Amelia ang kanyang pangalan ay tuluyan na ito nawalan ng malay. "Amelia..! Pakiusap gumising ka. Hindi ko na alam ang gagawin." Wika ni Sandra sa kanyang kaibigan na si Amelia. Habang nasa loob ng sasakyan si Sandra at Amelia ay hindi malaman ng dalaga, kung ano ang kanyang gagawin ng bigla na lang nawalan ng malay si Amelia sa kanyang tabi ng makalapit ito sa kanyang kaibigan. "Amelia. Please. Gumising ka narito na tayo sa hospital." Wika ni Sandra sa kanyang kaibigan na nasa kanyang tabi. "Miss narito na tayo." Wika ng Driver na silang pinang sakyan ng dalawang babae. "Hija, madali ka. Aalalayan ko kayo na makalabas." Sabi ng Driver kay Sandra. Nang makalabas ang dalaga sa loob ng sasakyan ay agad siyang humingi ng tulong sa mga nurse na nasa loob ng hospital. "MISS TULONG..!" Malakas na sigaw ni Sandra sa mga babae na malapit sa kanya. Nang marinig ng mga nurse ang pag sigaw ni Sandra ay agad naman nagmamadali ang mga ito, upang makalapit sa mga bagong dating na pasyente. Habang nasa emergency room si Amelia ay agad naman tinawagan ni Sandra si Caleb, upang ibalita ang nangyari dito. "Caleb.." Garalgal na wika ni Sandra sa kanyang kaibigan. "Sandra. Kamusta ka? Anong Balita sayo." Wika ni Caleb sa dalaga. "Caleb nasa ospital ako. Si Amelia nasa Emergency room……"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD