13. MISTAKE

1355 Words
|Katherine| Tahimik kami buong byahe patungo sa ancestral house nina Gavin. Earlier, I was nonchalant about meeting his parents. Pero ng pumasok ang sasakyan sa isang mataas na gate and saw the mansion at the end, doon lang ako natauhan at biglaang kinabahan. As much as I don't really care about my relationship with Gavin, hindi puwedeng hindi ako magustuhan ng kanyang parents. I clung my head to one side. Teka…akala ko ba hindi pupuwedeng tumanggap ng bisita ang ama niya dahil sa kalagayan nito? Well…I’m their daughter-in-law now kaya siguro, pu-pupwede? May hindi katandaang babae ang nakatayo sa harap ng mansion. After a while, a man stepped out of the mansion too and joined the woman. Sa likod nila ay may iilang kasambahay. When the car stopped in front of the mansion, my heart almost stopped from beating too dahil sa sobrang kaba! I'm a very confident woman. I can easily be at ease and friends with people. I have good social skills. Pero ewan ko…pakiramdam ko ay parang…mahihirapan ako sa mga parents ni Gavin! Lumabas na si Gavin sa kanyang sasakyan. I was so occupied with what I should do next that I hadn't unlocked my seatbelt! Tinignan ko lang na umikot si Gavin sa sasakyan hanggang huminto ito sa pintuan kung saan ako lalabas. Doon ko lang napagtanto na parang hinintay ko naman siya atang pagbuksan ako ng pintuan just because I was panicking inside! Though, when I saw the woman smiled at us, naisip ko na ring medyo blessing in disguise pala ang panic ko. At least, Gavin’s actions had made us look like truly an in-love husband and wife. I put my phone inside my purse after charging it on the way here. Then I finally stepped out of the car. Nagkatitigan pa kami ni Gavin. I whispered my thanks to him. Then he put his hand at the small of my back as he guided me toward…his parents. “Mom, dad. This is my wife, Katherine,” Gavin introduced. Napatitig ako sa mga magulang ni Gavin. His mother is regal looking but with her warm smile, she seemed to be a kind person. Ang ama niya naman ay…may kaunting ngiti sa mga labi. He looked serious and intimidating though. He looked strong and…far from being sick from what I had imagined. Kaya, medyo hindi ko gets ang parte na bakit hindi siya pwedeng tumanggap ng bisita? “Hello po, ma’am, sir.” bati ko. “I’m Katherine Lopez po,” magalang kong pagpapakilala. I tried to smile pero hindi ko ata magawa dahil sa sobrang kaba. I don’t even know why I’m damn nervous when all of this was just an act! Gavin’s mother stepped forward. “Hello too, Katherine,” siya greeted at niyakap ako ng mabilisan. “And don’t call us Mam or sir, it’s already mom and dad for you,” Nagkatitigan kaming muli ng aking mother-in-law. She was still smiling warmly at me kaya nakita ko na lang ang sarili ko na nginingitian siya pabalik. “It’s a pleasure to finally you, Katherine,” sabi naman ng ama ni Gavin. I smiled in return. “Nice to meet you po,” magalang ko pa ring sabi. “Let’s go inside? Breakfast is ready,” aniya at napatingin kay Gavin. I also glanced at him unconsciously only to meet his gaze in return. “Of course, let’s head inside,” he agreed. Naunang maglakad ang mga magulang niya patungo sa mansion. Sumunod naman kami ni Gavin. Nasa paanan na kami ng hagdan ng porch ng mansion ng bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko. I was about to ignore it when Noel immediately popped up in my head. I immediately opened my purse to check who was calling. And to my surprise, it was indeed Noel! “Uhm…teka, I need to take this call,” I said to Gavin as I stopped on my tracks. Napantingin naman siya sa akin tapos napasulyap sa cellphone ko, bago muling ibinalik ang tingin sa akin. “It’s important,” dagdag ko. I don’t even know what expression I was wearing that he slowly nodded his head. “Alright. Just be quick,” aniya. Napatango naman ako at tinalikuran na siya at nagtungo sa malayo, malapit sa garden, para makausap ko ng maayos si Noel. Kaso nga lang, naputol ang tawag niya ng sasagutin ko na! I was about to call him back when he called me again. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para sagutin iyon. “Noel? Why? What happened? May nangyari ba kay grandpa?” sunod-sunod na tanong ko. Dahil sa tuwing tumatawag siya at nasa malayo ako, puro ang kalagayan ni grandpa ang dala niyang balita! I couldn't help but suddenly panic that something really happened to grandpa, and worse this time! [“Miss Kat!”] I could hear the urgency in Noel’s voice as he called my name. May narinig pa akong kalampag sa kabilang linya. Agad na kumunot ang noo. Where is he? “What is it, Noel? You’re making me nervous!” I exclaimed. “I hope you didn’t call me because something happened to grandpa, right?” tanong ko, kinakabahan. I looked at the garden in front of me. “Nasaan kana, Miss Kat? Nagbago ho ba ang isip niyo?” he tried to sound fine at the other line. Mas lalong kumunot ang noo ko sa tanong niya. What is he saying? “Ha? Anong ibig mong sabihin na nagbago ang isip ko? And how’s grandpa?" I inquired. He inhaled a sharp deep breath. “Maayos ho si sir Anton, Miss Kat,” tugon niya. Humupa naman ang takot na nararamdaman. “Pero, kung nagbago ho ang isip niyo sa huling mga sandali, ako na ho ang magpapaliwang kay Mr. Ramirez sa nangyari. Tsaka, mukhang hindi rin sumulpot ang apo niya kaya hindi lang naman ikaw ang may kasalanan,” he explained ang I couldn’t even understand it. “Ano bang pinagsasabi mo, Noel?” I asked nang doon na tumuon ang atensyon ko. Magpaliwanag? Kay Mr. Ramirez? At anong ibig sabihin niyang hindi rin sumulpot ang anak ni Mr. Ramirez? Ang ibig niya bang sabihin ay ang kasal? Ba’t niya naman sasabihin na hindi sumulpot ang anak ni Mr. Ramirez eh magkasama nga kami ngayon? Tapos, nandito pa ako sa mansyon nila at mag-aagahan! “Hindi ka ho kasi sumulpot sa kasal, Miss Kat. Maski si Mr. Gavin ay…hindi rin daw nakarating.” rinig ko ang pagkakalito ni Noel sa kabilang linya. I put my one hand on my waist. “Huh? Hindi sumulpot? Tapos na ang kasal, Noel! I’m with Gavin and we’re about to have a breakfast with his parents!” I said to him in whispers. I even looked around dahil ayokong may makarinig sa pag-uusap namin. “Ano ho?! Tapos na ang kasal?!” gulantang niyang sabi. “P-Pero ang sabi ng witness na pinadala ko sa kasal niyo ay…wala daw kayong pareho ni Mr. Gavin, Miss Kat! Isang oras na naghintay ang pari bago dineklarang…cancel…ang kasal,” maski siya ay nalilito sa sinasabi niya. My body stiffened upon hearing what he just told me. Kumabog ng mabilis ang puso ko. In the back of my mind, dahan-dahan kong nakukuha ang ibig sabihin ni Noel. Pero hindi ko alam dahil parang…nabobobo ako at hindi tinatanggap ng utak ko ang nangyayari! What?! What the actual fvck?! The wedding…has been canceled? My witness…informed Gabriel that no one showed up to my wedding with Gavin? That…the marriage was cancelled? But how come…when I am already married. I’m…already married to… Fvck. Don’t tell me?! “What’s the address and the name of the church again, Noel?” I asked, kumabog nang mabilis ang puso at para akong malalagutan ng hininga. “Its on the McKinley Road in Forbes Park, Miss Kat. Kabilang banda ng…” then he mentioned the famous cafe there. “Malapit lang din ho sa Parish church na nasa unahan ng cafe,” At tumigil ang mundo ko ng marinig iyon. Fvvvckkk! Maling simbahan ang napuntahan ko! And worse, I married the wrong man!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD