bc

The CEO'S Secret BRIDE

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
HE
heir/heiress
no-couple
witty
campus
like
intro-logo
Blurb

Si Samantha Rodriguez ay isang masipag at mabait na waitress na buong buhay na nagsusumikap para sa kanyang pamilya. Pangarap niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang ina at mga kapatid, kahit kapalit nito ang sarili niyang kaligayahan.Samantala, si Dave Monteverde ay isang kilala at matagumpay na CEO na may lahat ng kayang bilhin ng pera—kapangyarihan, kayamanan, at impluwensya. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na personalidad ay isang lihim na matagal niyang itinatago.Nang hindi inaasahang magtagpo ang kanilang mga landas, inalok ni Dave si Samantha ng isang bagay na magbabago sa kanilang buhay magpakailanman:Isang kasunduan na maging asawa niya.Dahil sa matinding pangangailangan ng kanyang pamilya, napilitan si Samantha na tanggapin ang alok. Ngunit habang tumatagal ang kanilang pagsasama, unti-unting nagiging totoo ang damdaming hindi dapat nila maramdaman.Sa gitna ng marangyang buhay, mga lihim ng nakaraan, inggit ng mga taong nakapaligid sa kanila, at mga pagsubok na maaaring maghiwalay sa kanila, matutuklasan ni Samantha na hindi lahat ng nakikita ay totoo.At habang papalapit siya sa katotohanan, isang tanong ang kailangang sagutin:Mahal ba siya ni Dave dahil sa kung sino siya, o dahil sa isang lihim na matagal nang nakatali sa kanilang mga kapalaran?Isang kuwento ng pag-ibig, sakripisyo, pagtataksil, at tadhana na susubok sa kanilang mga puso.

chap-preview
Free preview
The CEO'S Secret BRIDE
Tahimik na nakatanaw si Sam sa bintana ng bus habang papunta sa trabaho. Tulad ng nakasanayan, maaga siyang bumangon upang pumasok bilang waitress sa isa sa mga pinakamagagarang hotel sa Maynila. Sa murang edad, natuto na siyang magsakripisyo para sa kanyang pamilya. Ang bawat sahod na natatanggap niya ay halos diretso agad sa pambayad ng mga bayarin at pangangailangan ng kanyang ina. “Konting tiis pa,” bulong niya sa sarili. Pagdating sa hotel, agad siyang sinalubong ni Kate matalik na kaibigan ng dalaga. "Hoy Sam bilisan mo late kana" sinulyapan nya lang ito at nagmadaling pumasok sa Staff room para magbihis. Kahapon ay nagsabi ang manager namin na may gaganaping engrandeng business event at inaasahang dadalo ang ilan sa pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Pag tapos kong mag ayos ng sarili ay agad lumabas para mag time in at makatulong sa mga kasama ko. "Ano sam bakit late ka nanaman?" Bungad sakin ni kate, "Sorry, alam mo naman inaasikaso ko pa yong mga kapatid ko bago ako umalis." " O sya sige na bilisan mo na dyan, Naka assigned ka sa pag decorate ng mga tables and chair" Waitress ako dito pero parang ALL AROUND din kapag may mga gantong event. Pag tapos naming mag-ayos ay sya na ding pag dating ng mga bisita, hindi pa nag uumpisa ay ramdam ko na ang panghihina ko sa sobrang pagod at hilo dala ng gutom. Habang naghahanda ng mga inumin para sa mga bisita, hindi maiwasan ni Sam ang kabahan. Dahil baka pumalpak sya dahil sa kakaibang pakiramdam nya. “Relax ka lang, Sam," Dinig kong sabi ni Kate. Maglalakad na sana si Sam para ihatid yong mga drinks sa bawat table ng guest ng bigla syang nawalan ng balanse at tumapon ang hawak niyang inumin sa mamahaling suit ng isang lalaki. Natahimik ang buong paligid. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Samantha. "Damn it, Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo" sabay pagpag ng kanyang mamahaling suit. "Jusko po, ano ba tong ginawa ko" wala sa sariling sambit ko habang tinutulongan syang pagpagin ang nabasa nyang damit. At sya namang paglapit ni Jessica, sya lang naman ako supervisor namin na kulang na lang agawin kay lucifer ang impyerno sa sobrang sama ng ugali. "Oh my god, What happened here? Are ok Mr. Monteverde. "You stupid, Do you think I'm ok? And you what's your name? Gulat akong napatingin ng tanongin nya ang pangalan ko. "Me?" turo ko sa sarili ko. "Yes, you sino pa ba sa tingin mo" "A,e I'm Samantha po sir" "So Samantha may balak ka manlang bang mag sorry sa ginawa mo sa damit ko?" Napapikit ako sa inis sa sarili ko nakalimutan kong mag sorry sa sobrang kaba, hindi din ako makaiwas sa matatalim na tingin sakin ng mga tao at ni Ms. Jessica na parang anytime ay babalatan ako ng buhay. "Sorry po sir hindi ko po talaga sinasadya, sabihin nyo po sakin kung anong dapat kong gawin para makabawi ako sa kapalpakan ko." "Ok for now forget about it, pero sisingilin kita" bulong nya sakin bago ako talikuran at maglakad papunta sa restroom kasunuran ng mga body guards nya. "Sam at my office, Now!!" Sigaw ni Ms. Jessica. Eto na nga ba ang sinasabi ko, Babalatan na ako ng buhay ng asawa ni Lucifer. "Sam, ako ng bahala dito sige na sumunod kana" Sambit ni Kate, kinindatan ko lang to sabay sunod kay Ms. jessica. (At the Office) Naabutan ko si Ms. Jessica na nakaupo sa Swivel chair nya na nakatalikot sa pinto ng office. "Who told you to ruin the event?" Di pasigaw pero may diin na sambit ni jessica habang paikot ang kanyang inuupuan at nakatitig sa akin na tumayo, isinandal nya ang dalawang kamay sa table sa harap nya habang nakatitig sa akin ng masama. Wala mahagilap ang mga dila ko na isasagot sa tanong nya, ramdam ko ang galit at gigil nyang mga mata. "Mr. Monteverde is one of the billionaire and most powerful in this country, do you think papalagpasin nya to? at nakapag desisyon na ako, bago pa madamay ang buniness na to ay tatanggalin na lang kita" Sambit nito bago tuluyang umupo sa kaninang inuupuan nya. Dire diretso ang bagsak ng mga luha ko na kanina pa gusto kumawala dahil sa biglang desisyon na hindi inaasahan. "Are you done with your drama's? pwede ka nang umuwi" hindi na ako nakapagsalita, hindi ko naipagtanggol ang sarili ko dahil alam kong mali ako at walang katwiran, pero aksidente yun para sa gantong parusa. Hindi ko na namalayan ang mga nangyare natagpuan ko na lang ang sarili ko sa Staff Room na nag aayos ng mga gamit ko. "Ano te ok ka lang?" Si josh katrabaho ko. Ngumiti lang ako ng mapait at dire diretso sa pag aayos ng mga gamit ko. Nang makapag bihis ako ay nagmamadali akong lumabas para hindi na ako makita ni Kate dahil alam kong kakaawaan lang ako nun at ayoko ng ganon. Habang naglalakad ako papunta sa entrance ay natanaw ko si Mr. Monteverde na may hawak na Whiskey Glass at nakasandal sa pader na tila ay may hinihintay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
724.3K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
960.7K
bc

A Warrior's Second Chance

read
347.8K
bc

Not just, the Beta

read
342.9K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook