Chapter I

2525 Words
            “Mommy mo si Lei Francois?” manghang tanong ng classmate niya. Sinamaan niya ito ng tingin wala lang nasanay kasi siya na kapag nirerefer ang mommy niya ng Lei Francois ay naiinis siya. Her dad is kinda possessive about her mom gusto lang nitong marinig ay ang buong pangalan ng kanyang nanay na Lucille Sebastian, her mom’s real name.             “Yup, she is my mom.” Sagot na lamang niya habang inaayos ang gamit niya sa school nila.             “Kaya pala ang gaganda ng mga outfits mo dahil designer pala ang mommy mo.” Naiiggit na wika lang nito na nginitian lang niya ito dahil tunay naman iyon her mom always and never fails insisting her to wear everything she designs. Minsan nga ay nalilito na siya kung ano ba talaga siya anak nito or manika na pwedeng bihisan. Hindi pa nakatulong na tito niya ang may-ari ng RJS ang isa sa mga sikat na clothing line ngayon at sa buong London. Her tito Rajeev spoils her much at mas lalo naman ang ate Chloe niya na isa ding designer.             Kung alam lang nito ang pinagagawa niya ay hinding-hindi nila iisipin na bihisan siya ng ganoon nakakatawa lang kasi. Kung sino pa iyong hindi mahilig sa mga bestida at kung anu-anong pang-girly na clothes ay siya pa itong madalas binibihisan ng ganoon.             She still studying Architecture and on her second year, five years ang buuin niya para matapos siya sa kanyang major. Hindi siya naging designer like her mom instead she is following her dad’s footsteps, an architect by heart. Mas feel niyang magtayo ng bahay, buildings at bridges keysa humarap sa sketch pad at gumuhit ng mga damit.             “Xyler.” Untag ng kausap niya, nagising siya sa kanyang malalim na iniisip ng tawagin siya ng kanyang kaharap. Babaeng classmate niya na hindi naman niya friends, wala talaga siyang masasabing friends sa loob ng campus or kahit na noong nasa high school pa lamang siya. May isang taong trip lang talagang sirain ang lahat ng pwedeng mabuo niyang friendship mapalalaki man o babae.             “Xyler Faith Sebastian are you listening to me?” tila inip na inip na tanong ng kausap niya.             “Yes, why?” tanong nalang niya.             “Good akala ko pa naman ay nakatanga ka lang diyan.” Asar na sabi nito, siya man ay nailing nalang dahil hindi talaga niya forte ang makipag-usap sa babaeng tulad nito.             “Sino ka nga?”             Mas lalong hindi maipinta ang mukha nito gusto tuloy niyang magcheer ng ‘Go Xyxy, Go! Olah!’             “Oh God how could you forget me girlfriend ako ni Jair.” Tiningnan niyang muli ang babaeng kaharap niya. Matangkad, mahaba ang buhok, puno ng water color ang mukha, may mabigat na nakapasan sa dibdib nito dahil sa push up bra, ang iksi ng palda na mas micro pa yata sa micro, at nakaheels na hindi naman bagay sa suot nitong damit. She might not be a designer like her mom but she knew how to differentiate a good outfit from a fashion victim.             Girlfriend nga ito ng Jair na iyon.             Yup, Jair Gilmore ang lalaking pahamak ng buhay niya. Galit siya dito sino ba ang hindi magagalit kung palagi nalang nitong sinisira ang mga friends niya. Kapag may new friend siyang babae ay ginagawa nitong girlfriend kapag may friend naman siyang lalaki ay sinasabi nitong girlfriend niya ito, in short girlfriend ito ng bayan.             Five years ang agwat ng edad nila at kung bakit sila close? Dahil inaanak ito ng mommy niya at bestfriend ng daddy niya ang daddy nito. Close siya sa daddy niya at ng kapatid niya na lalaki, those two were the only guys he likes so far. Pero iyong ibang lalaki ilag siya sa mga ito it’s not that may bad experience siya sa mga boys ayaw lang niya sa mga ito dahil na rink ay Jair.             He is dominating, bossy, arrogant, conceited at mayabang. Hindi porke at may maipagmamayabang ka ay pwede mo na iyong ipagmayabang. Inaamin naman niya na gwapo talaga ito at hindi lang iyon matalino… as in sobrang talino kaya nga siguro minsan ay naiinis siya dito dahil sa sobrang talino nito ay madali na siya nitong mabasa. Madali nitong makita ang weakness niya at mabilis nito siyang mapaikot sa mga palad niya… genius kasi ito.             She was young and naïve and head over heels with him, but he wasn’t serious. He keeps on telling her that she is his but he is dating half of the population sa school niya kahit na nakaalis na ito doon. Doctor na ito kagaya ng tito Landon at nasa hospital na pagmamay-ari lang nito.             She keeps on telling herself na tama na ang pagiging tanga niya at hindi na siya tutulad sa batang adik na adik dito noon. Well, kahit naman ngayon ay adik pa rin siya dito pero tinuturuan niya ang sarili niyang hindi nalang seryosohin ang feelings niya dito dahil masasaktan lang siya.             Kagaya na lamang ngayon. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ni Jair at ginawa na naman nitong girlfriend ang babaeng gagambang ito.             “Kung hahanapin mo sa akin si Jair wala sa akin ang boyfriend mo.” Asar na sambit niya at isinukbit ang bag sa likod niya.             “I know where he is kasi he is my boyfriend.” Nakakairita talaga ang isang tao, mas lalo siyang nainis dahil ang tagal ni Renz at ng kapatid niya. Sabay kasi silang uuwi ngayon dahil pareho ang time ng out nila kaya kailangan niyang maghintay sa classroom niya.             “At bakit mo ako nilalapitan?”             Most of the girls, her schoolmates, classmates and strangers na babae ay lumalapit sa kanya para lang mapalapit kay Jair. Kapag tumatanggi siya ay sasabihan siya ng mga ito ng selfish pero kapag pumapayag naman siya sasabihan siya ni Jair ng tanga, ano naman ang panama niya lahat ng gawin niya ay mali sa paningin ng mga tao. Minsan ay nahaharass na nga siya.             “Well…” at ang bruha biglang bumait ang tono. “I am going to make his favorite food I want to surprise him kasi.”             “And?”             “Can you tell me kung ano ang favorite niyang foods?”             Gusto sana niyang isagot na ang paborito ni Jair ay tinolang manok na may maraming papaya pero hindi niya bibigyan ng satisfaction ang babaeng ito.             “Why would I tell you hindi naman tayo friends hindi ba?”             Nakita niya ang pagtitimpi nito na hindi magalit sa kanya ganyan talaga ang may kailangan kahit na gaano kagalit ay magtitimpi at magtitimpi para makuha lang ang gusto.             “At saka bakit sa akin dapat kay Renz ka magtanong.”             “And who the freaking hell is Renz?”             Napabuntong-hininga siya, “Boyfriend mo tapos hindi mo kilala ang pamilya niya? Younger sister niya si Renz sa kanya ka magtanong.” Napatingin siya sa may pintuan at napangiti ng nandoon na si Renz at ang kapatid niya. First year college na ito at si Xancho naman ay fourth year high school pa. Aalis na sana siya pero may naisip siyang kagagahan para makaganti sa lahat ng mga pang-aapi ni Jair sa kanya. “Since mabait naman ako sasabihin ko sa iyo ang sa tingin ko ay like niyang food.” Biglang nangislap ang mga mata nito. “Gusto niya iyong pansit na maraming shrimps.” Nakangising sagot niya.             The girl whose name is already forgotten flipped her hair in maarte way. “Thanks for the info-.”             “Kung gusto mo ng maraming info tanungin mo ang younger sister niya si Renz.”             “At saan ko naman mahahanap ang batang ito?” itinuro niya si Renz na nasa may pintuan and saw her friend rolling her eyes. Nilapitan naman ng kausap si Renz. “Are you Renz?” mataray na tanong nito, among all people si Renz ang ayaw sa babaeng mataray.             “Hindi nasa tenth floor siya ngayon sa room 10-E. Puntahan mo dali.” Nakita niya ang pamimilog ng mata ni Xancho sa sinabi ni Renz siya naman ay pigil ang hiningang pinigilan ang malakas na pagtawa.             “Fine, I’ll go.” At talagang nagpunta nga ang babae sa tenth floor.             “Ang sama niyo bakit niyo pinahirapan iyon?” at itong si Xancho na likas na mabait at maawain.             “Xancho my cute little brother inaway niya ang ate mo at naging bad siya kay Renz kaya kaaway mo na rin siya okay?”             And her innocent little brother just nodded as she patt his head and Renz did too as well. Sana hindi lumaking sobrang bait ng kapatid niya.             “So, tuturuan na ba tayo ni kuya Eon na magdrive?” excited na tanong niya kay Renz na biglang nagningning ang mga mata sa tanong niya. Ang kuya Eon nila ay ang pangalawang anak ng tita Belle at tito Claude nila. Nakiusap sila na magpaturo ng pagda-drive, seventeen na siya pero umaasa pa rin siya sa driver. Her dad is too strict when it comes to driving sabi ng mommy niya may masamang karanasan daw ang daddy niya sa pagdadrive, lalo na sa kanya pero si Xancho ay tinuruan na nito and super unfair lang.             “Hala ate, bad iyan magagalit si daddy.”             Inakbayan niya ang kapatid niya. “Magagalit si daddy kapag nalaman ni daddy pero sa tingin ko wala namang magagalit na daddy kasi wala namang magsusumbong hindi ba?”             Kumibot-kibot ang mga labi ng kapatid niya. “Kapag nalaman ni daddy may ililibing na naman akong mga fishes. Alin kaya ang susunod-.”             “Hindi na ate! Hindi ko sasabihin.”             “Ang bait talaga ng little brother ko.” At kinurot pa niya ang magkabilang pisngi nito at pinugpog ng halik sa mukha. Gusto niyang matawa ng malakas sa ekspresyon ng mukha ni Renz.             “Ang sama mo.” Bulong nito sa kanya. Maarteng nagflip din siya ng hair.             “I know right.”             Mabilis silang bumaba sa university at nagpunta sa parking lot. Nagpaalam na siya sa kanyang mga magulang na sabay na sila ni Renz na umuwi kasi manonood pa sila ng sine. Nagpahatid sila sa driver sa mall na malapit doon pero ang totoo naghanap lang sila ng ibang exit at pumara ng taxi. Hindi naman nila pwedeng iwanan ang kapatid niya kaya sinama nalang din niya ito. Nagpahatid sila sa isang bakanteng lote kung saan sila tuturuan magdrive.             Tamang-tama naman na nandoon na ang kuya Eon nila.             “Kuya!” sabay-sabay na tawag nila dito. Kumaway pa sila para mas nice ang entrance at saka tumalon-talon pa maliban kay Xancho na panay hila sa kanila ni Renz.             “Little girls.”             “Hindi na kami little no.” nakangusong reklamo niya.             “Little pa rin kayo.” And he emphasized the size difference. Hinampas nilang dalawa ni Renz at natatawa naman nitong sinalo ang mga hampas nila. “O sige na mga dalaga na kayo.”             Tumatawang tiningnan niya ang kotse nito, may dalawang kotse na nandoon. Isang mustang na kulay yellow at isang blue na audi.             “Kapag nalaman ito nina ninong at ni papa magagalit sa akin ang mga iyon.”             “You love us kuya that’s why you are going to teach us hindi ba? Tutulungan ka namin na manligaw kapag may like kang girl.” Paglalambing niya. Walang malisya ang paglalambing nila sa isa’t isa because Eon is like a brother to her. Sina kuya Clive, Kuya Ashton, kuya Caleb ang favorite niyang nilalang sa whole wide world… maliban kay Jair. Bad iyon… hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasabi na hinalikan siya nito takot lang niyang sabihin nito na nangangarap lang siya.             Ten years na rin ang nakakalipas mula ng mangyari ang trahedyang iyon. Yup, ang pagkuha nito sa kanyang first kiss ay isang malaking tragedy na gusto na niyang kalimutan. Kapag tinatanong siya ng mga kausap niya kung sino ang first kiss niya ay sinasabi niyang wala dahil hindi naman niya pwedeng sabihin na si Jair Gilmore ang first kiss niya.             And besides bata pa siya noon eh, hindi na counted ang first kiss na iyon. Gusto niya ang first kiss niya ay gaya ng nababasa niya sa mga pocketbooks. Iyong memorable at galing sa lalaking love niya.             Si Jair ang love mo.             Napasimangot siya ng may magsalita na naman sa utak niya. Hindi siya papatalo kaya nagreply siya.             Noon love ko siya pero hindi na ngayon.             O, di ba? May inner self siyang pwede niyang makausap. Inaamin naman niya na after ng kiss na iyon ay may iba na siyang feelings kay Jair, ito lang yata sa lahat ang hindi niya tinawag na kuya because for God sake! Hinalikan siya nito ng may malisya! Naging crush din niya ito ng ilang taon at ilang beses din siyang naging tanga na sunod ng sunod dito.             “Ang nguso mo pwedeng pagsabitan ng kaldero.” Untag ni Eon sa kanya.             “Turuan mo na kaming magdrive kuya.” Excited na anas niya.             “Alright pero promise niyo hindi niyo sasabihin kay papa niyo ha?” sabay silang nagtaas ng kanang kamay.             “Promise and hope to die!”             “Alright, let’s go ladies.” Bumungisngis silang dalawa ni Renz at nag-high five sa isa’t isa.             Si Xancho naman ay tahimik na nakasquat lang sa damuhan habang binibilang ang mga langgam na nagpaparade sa harap nito. Isa-isa silang tinuruan ni Eon, iyong mga basic at iyong dapat nilang malaman. Pagkatapos nitong ituro sa kanila kung paano ay iyong pagstart naman ng engine, iyong pagpihit ng susi, tapos iyong pag-apak sa break at sa accelerator at lalo na iyong sa kambiyo na medyo nalito siya pero mabilis din naman nilang nakuha. Super excited na siya hindi na nga siya mapakali gustong-gusto na niyang magpatakbo ng mabilis at kung anuman ang excitement niya ay ganoon din ang kay Renz. Kumpara sa kanya mas gusto pa nitong magdrive nalang kulang nalang nga ay itulak nito si Eon para mapalitan nila.             “We know na kuya can I drive na?” nangangati na ang mga kamay niyang inagaw ang susi mula dito. Natawa naman ito sa kanila at saka lumipat na ng upuan, nang nasa harap na siya ng manibela ay sinunod naman niya ang lahat ng itinuro nito. At ng marinig ang ugong ng kotse ay gusto niyang sumigaw sa saya.             Dahan-dahan lang sa una iyong pagdadrive pero ng tumagal ay pinapabilis na niya. Napuri pa nga sila na fast learner daw, that’s life eh fast learner talaga sila. Pagkatapos niya ay si Renz naman. Habang hinihintay na matapos ang turn ni Renz ay napatingin siya sa mustang ni Eon, kapag malaki na siya at kapag may pera na siya bibili din siya ng kotse na mabilis tumakbo tapos ay mangangarera na rin siya gaya ng nakita niya sa TV.             Pagkatapos ni Renz ay silang dalawa naman ang sumakay sa kotse at nagpaikot-ikot. Hindi nga nila napansin na gumagabi na at kahit na ng kawayan sila ni Eon na para bang pinapatigil na sila ay nagsign sila ng one last round. Binilisan niya ang takbo pero biglang may sumulpot sa harap nila na naging dahilan kung bakit naapakan niya ng husto ang break at napasubsob sila. Pagtingin nila ay isang galit na galit na mukha ni Jair ang kanilang nabungaran. Binuksan nito ang pintuan sa side niya at hinila siya palabas ng kotse at ganoon din ang ginawa nito sa kapatid nito. And then with black aura around him he faced her…             “What did we tell you about driving?” malaming na tanong nito sa kanya making her heart fell into her footsteps. She is doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD