bc

Waiting on a Feeling

book_age18+
6.1K
FOLLOW
32.3K
READ
possessive
arranged marriage
kickass heroine
drama
twisted
sweet
Girl Power Counterattack
mystery
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

“I tried to wait but waiting too long is too much for me so I stopped.”

Xyler Faith is a control freak and wants to have control on everything she has. She doesn’t want to be dictated and her family knew it. Pero paano kung dumating ang isang araw na may magmamando sa kanya kung ano ang kailangan niyang gawin… another control freak… sa katauhan ni Jair Gilmore ang lalaking hindi niya alam kung kinamumuhian ba siya dahil kapag palagi silang magkasama palagi itong nakakunot ang noo sa kanya.

Will she be that little girl again who follows his every order? Will she be that hopeless in love teenager who got her heart broken when he left? Will she be that submissive woman who is hopelessly waiting for a feeling?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
            Napangiti siya habang nakatingin sa magandang set-up ng garden kung saan nagaganap ang party. Maraming ilaw na iba-iba ang kulay pero ang pinakagusto niya ay iyong mga pink na cherry blossoms na nasa buong paligid. Wala siya sa Japan pero feeling niya ay nasa Japan siya ng mga oras na iyon.                     Sabi ng mommy niya anniversary daw ng ninang Amber niya at ng tito Landon niya kaya kailangan silang pumunta. Ayaw sana niya kasi gusto niyang maiwan sa bahay na ilang bahay lang ang layo mula sa bahay nila. Ang ayaw kasi niya ay ang nagsusuot ng mahahabang bestida na gaya nalang ngayon. Halos hindi na makita ang mga paa niya dahil sa haba ng suot niyang dress na color white na may halong peach at kulay na wala sa kanyang thirty six crayons, may ribbon sa may bandang tiyan niya. May malaking ribbon din siya sa ulo niya kasi nga daw sagabal ang mahaba at kulot na buhok niya. Sabi ng mommy niya hindi nito alam kung saan daw nito namana ang kulot niyang buhok pero hindi naman daw pangit kasi bagay sa mukha niya ang kulot. At kapag mas humaba pa daw iyon ay mas maganda daw tingnan wala naman siyang pakialam.             Inilibot niya ang kanyang tingin upang hanapin ang parents niya. Agad niya itong nakita na masayang nagsasayawan sa gitna ng ground kanina pa nagsimula ang party at iyong mga anak ng tito at tita niya ay masayang naglalaro na. Hindi kasi siya makasabay sa mga ito dahil mas matanda sa kanya ang mga iyon.             Hinanap nalang niya ang kapatid niya na mukhang wala din malamang nagsusuot na naman iyon kung saan may langgam at may uod.             “Ate!” napalingon siya sa maliit na boses na tumawag sa kanya agad na sumilay sa mukha niya ang isang malaking ngisi ng makilala niya iyon. Si Larennce. Ang bunsong anak ng ninang Amber niya. Nasa ilalim ito ng mesa kung saan siya nakaupo at mukhang may pinagtataguan. Mabilis siyang pumasok sa ilalim ng mesa at nagtakip ng bibig upang pigilan ang mapatawa sa ayos nilang dalawa.             Mas matanda siya ng isang taon kay Larennce or Renz, six years old si Larennce at matalino ito sa edad nito. Sila ang close, siya, si Renz at ang kanyang younger brother na si Xancho na ilang buwan lang ang tanda kay Renz. Sabi ng mga matatanda ay inseparable sila at syempre siya ang ate kaya siya ang nagbabantay sa dalawa.             “Nakita mo si Xancho?”             “Nasa pond binibilang ang mga kinakain na mosquitoes ni Mr. Froggy.” Bumungingis ito kaya mas lalong nawawala ang mga mata nito, singkit kasi si Renz. Samantalang iyong kuya niya na mas matanda sa kanya ng limang taon ay malalaki ang mga mata na mana sa daddy Landon nito. “Hinahanap ka ni kuya.” Tukoy nito sa kapatid nito. “Galit na iyon.”             Tumawa siya dahil masaya siya kapag si Jair ang pinag-uusapan. Sabi ng ate Chloe niya na baka daw crush niya si Jair kaya masaya siya kapag nakikita niya ito. Seven pa lang siya pero talagang masaya siya kapag nakikita niya si Jair kaya nga pumupunta siya sa bahay ng ninang Amber niya para makipaglaro kay Renz at sinasama niya ang kapatid niya. Sinasabi lang niya na may malaking pond sa likod ng bahay ng ninang nila tapos may mga fish doon na iba-iba ang kulay kaya napapasama niya ito.             “Bakit naman niya ako hahanapin?” sa pagkakaalala niya ay twelve years old na ang kuya nito, hindi sila gaanong nag-uusap kasi nahihiya siya. Pero kapag may sasabihin at iuutos naman ito sa kanya ay napapasunod siya dito. Ewan ba niya hindi naman siya natatakot kay Jair pero hindi rin niya magawang tumanggi kapag may gusto ito.             “I don’t know.” Nanlaki ang mga mata ni Renz at napatingin sa kanya. “Baka ipapakilala ka niya sa girlfriend niya.”             “Ha-?” tinakpan ni Renz ang bibig niya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito hindi pwedeng magkagirlfriend si Jair! “Ang bata pa kaya ng kuya mo bakit mag-gi-girlfriend na siya?” inis na tanong niya.             “Secret lang daw sila kilala mo si Carla?” mas lalo siyang napasimangot ng maalala ang kapitbahay din nila na classmate ni Jair.  “Siya ang girlfriend ni kuya.”             Ang daya naman.             “Ang pangit ng Carla na iyon eh.”             Humagikgik lang si Renz. “Selos ka no?” tukso nito.             “Anong selos?”             “Iyong naiinis ka kapag may kasamang iba ang taong like mo sabi ni mommy iyon daw ang selos kasi palagi kong naririnig kay daddy na nagseselos daw siya.” Renz giggled.             “Hindi ako nagseselos no.” pagtatanggol niya sa kanyang sarili. “At saka iba ang crush ko.”             “Sino?”             “Si ano- si kuya Ashton.” Si Ashton kasi ang unang pumasok sa isip niya, nag-iisang anak ito ng tita Ashley at tito Jaxon na friend ng kanyang parents.             “Si kuya Ashton? Weh? Hindi nga-.”             “Naku six ka palang Renz bakit ba nag-uusap tayo ng crush-crush na iyan?”             Napakamot nalang ito ng ulo.             “Ano ba ang dapat nating pag-usapan?” bigla siyang natahimik sa tanong nito dahil kahit siya ay hindi alam kung ano ang pag-uusapan nila.             “Ano ba ang gusto mo paglaki?”             “Gusto kong maglibot sa buong mundo.” Ngumisi ito kaya kitang-kita ang mga ngipin nitong hindi pa naaayos. “Ikaw?”             “Ako ang susunod sa yapak ni-.”             “Tita Lei?”             “Ni daddy, mas gusto ko iyong malalaking buildings at bridges, gusto mo gawa tayo ng ganoon? May lego blocks ako sa bahay at may malaki akong travel books, pwede nating gawin ang Paris iyong Eiffel tower from lego blocks.”             “Pwede iyon?”             “Oo naman halika laro tayo pagod na rin ako.”             “Magpapaalam muna ako kay mommy.”             Napakamot siya ng ulo. “Okay I’ll wait for you sa garden ninyo.”             They crawled out from the table and as expected walang nakakapansin sa kanila, well maybe some may mga nagbabantay sa kanila mula sa malayo pero hindi nila alam kung sino. Agad siyang naglakad papunta sa garden ng mapansin niya si Jair, naamazed na naman siya ng makita ang hitsura nito.             Kahit na twelve lang ito ay matangkad na ito tapos ang gwapo-gwapo pa nito sa suot nitong puti na tuxedo na may bowtie na kakulay ng suot niyang bestida. Para silang magkamatch pero iba naman ang kausap nito. Agad niyang nakilala ang kausap ni Jair si Carla nga. Totoo yata ang sinabi ni Renz sa kanya na girlfriend na nito ang Carla na iyon.             Naiinis siya! Bakit ba kasi ang bata pa niya para dito? Kung magkasing-edad lang siguro sila ay baka—hmf! Agad siyang tumakbo papunta sa garden, gustong-gusto niya ang garden nina Renz kapag gabi kasi maraming ilaw. Iba-iba at may swing doon na parang iyong kay Cinderella noong nagpunta siya sa castle to dance with the prince? Marami din ang mga flowers doon at saka tahimik.             “Ang tagal naman ni Renz.” Reklamo niya pero naghintay pa rin siya. Ini-enjoy lang niya ang kanyang sarili sa magandang tanawin at saka ang liwanag din ng buong place kasi full moon at iyong mga trees maraming fireflies. Ang sabi ng mommy niya ang pinakabest trait daw niya ay ang mahabang pasensya niya.             Pwede mo kasi siyang iwan sa isang tabi ng ilang araw ng hindi nagrereklamo at hindi aalis. Kung gaano naman kahaba ang pasensya niya ay ganoon daw kaiksi ang kay Xancho mana daw kasi sa daddy niya. Napangiti nalang siya habang inuugoy ang swing habang hinihintay si Renz.             “Why are you here?”             Napasigaw siya sa gulat ng biglang may magsalita sa tabi niya, sa totoo nga ay gusto niyang umiyak sa takot. Sino ba ang hindi matatakot kung nasa isang tahimik na lugar ka tapos walang tao at may sisingit na boses?             “Psh, bata.” Narinig niyang bulong nito.             “Bakit ka ba nanakot?”             “Then why are you here alone? Are you waiting for someone?”             “Yup, si Renz pupunta kami ng house kasi magpe-play kami ng lego blocks.” Sagot niya. Napatitig lang siya dito, ang sarap kasi nitong titigan nakakawala ng problema.             “Sasamahan kitang magwait kay Renz.” At sumampa na ito sa swing kaya magkaharap na sila. Gusto niyang mapangisi pero pinigil niya ang kanyang sarili feeling kasi niya ay siya ang princess tapos si Jair ang prince.             “Ate!” bigla siyang napatayo ng marinig ang boses ni Renz pero dahil sa ginawa niya ay nagmove ang swing mabuti nalang at nahawakan siya ni Jair dahil kung hindi baka tuluyan na siyang nahulog. “Ay, nandito ka pala kuya.”             “Tayo na?” yaya niya.             “Ate sabi ni mommy dito nalang daw tayo magdadance pa kasi tayo.” Hinila nito ang suot niyang ribbon. “Sabi ko kay kuya Ashton crush mo siya.” Bulong nito sa kanya, biglang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at nag-init ang kanyang teynga.             “Bakit mo sinabi?”             Tumawa lang ito. “Gusto mo ba daw dance kayo?”             “Renz!” inis na tawag niya sa pangalan nito.             “Halika na ate nagwe-wait na si kuya Ashton.” Umalis siya sa swing para sana kurutin si Renz pero nahila siya ni Jair. Pareho silang napatingin sa kuya ni Renz na nakasmile lang, pero alam mo iyong smile na hindi masaya iyong smile na nakakatakot.             “Mauna ka na Renz may sasabihin pa ako sa ate Xyxy mo at sabihin mo sa kuya Ashton mo na maghintay siya sa wala.”             “Why?” sabay na tanong nila ni Renz dahil hindi din niya maintindihan ang sinabi nito. Ngumiti lang ulit ito tapos ay matalas na tiningnan ang kapatid nitong napalunok lang. Agad naman na tumakbo si Renz palayo sa kanila at susunod na sana siya ng bigla siyang hilahin ni Jair pabalik. “Stay.” At gaya ng inaasahan ay bigla na namang natigilan siya.             Agad siyang napapasunod dito. “Bakit ba?” mahinang tanong niya.             “Sit.” At napaupo siya sa swing habang ito naman ay napatingin lang dito. “How old are you Xyler Faith?”             “S-seven.”             “You are still seven at nagkacrush ka na? Iyan ba ang tinuturo sa school niyo?”             She flinched when he raised his voice to her. “N-no.”             “No? Bakit alam mo na ang crush-crush na iyan?”             Napalunok siya dahil natatakot siya dito. “Ano naman ngayon kung may crush na ako ikaw nga twelve ka palang pero may girlfriend ka na. Girlfriend mo si Carla hindi ba?”             Naningkit bigla ang mga mata nito, hindi ito nagsalita pero alam niyang galit ito. Galit ito kahit hindi nito sabihin pero bakit ito galit? Para itong batang naagawan ng laruan ganito kasi si Xancho kapag hindi napakain iyong alaga nitong goldfish.             Itinaas nito ang baba niya upang mas magkaharap sila. “Sundin mo ang gusto ko.”             “Why?”             “Basta sundin mo ang gusto ko, hindi ka pwedeng magkacrush dahil bata ka pa. Hindi mo pwedeng maging crush si Ashton at hindi kayo pwedeng sumayaw.” Kung makapag-utos naman ito. “Tayo.”             Kasabay ng pagtayo niya ay narinig niya ang malakas na music mula sa kabilang panig ng bahay. Mukhang nagsimula na naman ang sayawan.             “Hawakan mo ako dito.” Itinaas ni Jair ang mga braso niya at pinahawak sa balikat nito. “Who is your first dance?”             “Wala pa.”             “Good because I will be your first dance.”             “Eh-.”             “Huwag kang maingay you are going to dance with me.” At iyon nga ang ginawa nila para silang nasa fairytale na madalas niyang napapanood sa TV at movies. They are dancing in the garden ng walang imikan. At dahil hindi naman siya marunong sumayaw kaya nagsway-sway lang sila.             “Crush mo si Ashton?”             Lumabi siya. “Sinabi ko lang iyon dahil ang kulit ni Renz tanong siya ng tanong.”             “Hindi mo siya crush?”             “Hindi nga no at saka hindi pa pwede akong magka-crush magagalit si daddy.” Anas niya.             “Tingnan mo ako.” At sumunod nga ulit siya at nanlaki ang mga mata niya ng bumaba ang mukha nito at panandaliang lumapat ang labi nito sa labi niya. Kaya nga para siyang nasemento sa kinatatayuan niya. Napaawang ang kanyang mga labi sa bilis ng pangyayari at saka nakita niya na napangisi si Jair.  “I am your first dance Xy, and your first kiss too. I will be your first and last in everything, I may not be your in betweens but I will be your first and last.” At marahang tinapik nito ang ulo niya na parang bata saka naglakad palayo sa kanya.             “Jair!” doon lang siya tila nagbalik sa katinuan ng may tumawag dito at ng tingnan niya ay si Carla iyon na tila hinahanap na si Jair.             “Coming.” Sagot ni Jair at naglakad ng hindi siya tinitingnan.             Hinalikan niya ako sa labi pero sa iba naman siya pupunta.             “Nakita ko iyon.”             Napalingon siya kay Xancho na kapatid niya na may mga lumot at algae sa leeg at ulo nito. Basa din ang suot nitong tuxedo at may hawak na dalawang patay na isda at namumula ang mga mata.             “What did you see?”             “Hindi ko sasabihin pero kapag pinilit mo ako ay sasabihin ko rin.”             Alam niyang may nakita si Xancho.             “Xanch, ate mo ako hindi ba?” tumango ito. “Gusto mo bang magalit si daddy sa akin?” umiling ito. “Secret lang natin iyon ha.” Tumango naman ito. “Dahil kapag nalaman iyon ni daddy mabubuhay iyang mga fishes na iyan na pinatay mo tapos mumultuhin ka dahil you killed them.”             “I did not!”             “Mumultuhin ka nila dahil hindi mo sila na-i-save.”             “Okay, secret lang iyon ate.” Mahinang sabi nito.             Tama. Secret lang iyon. Dahil wala siyang maintindihan sa sinabi ni Jair ang tanging naintindihan niya ay hinalikan siya nito. Ano ba iyon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

Unwanted

read
512.1K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook