Inamoy niya muna ang kape na iniimon niya at inalam kung tama lang ba ang init baka kasi mapaso ang dila niya. Nasa loob pa rin siya ng cabin, wala si Jair. Hindi niya alam kung saan ito ngayon pero sa tingin niya mas mabuti na rin na wala ito sa tabi niya ng magising siya dahil hindi niya alam kung ano ang mukhang maihaharap sa lalaking iyon. Nahihiya siya dito dahil sa inasta niya kagabi, kinailangan pa siya nitong patulugin upang kumalma ang kanyang sistema. Napabuntong-hininga siya habang nakamasid sa buong resort, dalawang araw na sila doon pero ngayon lang niya naappreciate ang ganda ng buong paligid. Pero hindi din nagtagal ang pag-aappreciate niya sa lugar na iyon dahil ng maalala na wala si Jair sa loob ng cabin nila ay may naisip na naman siya… na baka…

