ILANG oras na ba siyang nakatitig sa patay na katawan ng kaibigan niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari nga. Nang sabihin sa balita na kasali ito sa sumabog na eroplano ay hindi siya naniwala, she denied it to herself. She even wanted to check the hospitals baka kasi nakaligtas talaga ito o kaya naman ay trip-trip lang ng mga tao kahit june pa lang pero kanina ng pilitin siya ng mga kaibigan na pumunta sa lamay ni March ay akala niya pinagtitripan pa rin siya ng mga ito. She even said na wax lang ang bangkay na nasa kabaong, na ang nakikita niyang kamukha ng kaibigan niya na palaging nasa tabi niya ay hindi talaga ito. Sabi pa nga niya baka may gumaya pa sa mukha ni March at nagpanggap na piloto kaya nagcrash ang eroplano, she even

