“CONGRATULATIONS!” bati sa kanya ng mga kaibigan na pumunta sa graduation ceremony niya. Nasa loob sila ng Winhlan University hall, nakasuot na siya ng kanyang itim na toga and she is indeed happy. Alam niyang pagkatapos nito ay unti-unti na niyang haharapin ang buhay niya, iyong totoong buhay niya sa harap ng eskwelahan. “Naunahan mo pa kami ni ate Chloe mo na makagraduate bakit ba kasi ang talino mo?” inis na hinampas siya ni Ainsley, “Ni hindi naman kita minsan nakitang nag-aral.” Tumawa siya sa sinabi nito. “Well, nalaman ko kasi na kapag itinigil mo na ang pagpepressure mo sa sarili mo and let yourself be free lalabas din ang galing mo.” “Ano ba iyan free na free ako at walang pressure pero nag-aaral pa rin ako.” Inis na bulalas

