“Renz.” Agad niyang niyakap ang kaibigan niya na medyo matagal na rin niyang hindi nakikita. Naging busy na kasi ito sa trabaho niya kaya hindi na sila gaanong nagkikita pero nevertheless may communication naman sila ni Renz. “Xyxy, how are you na?” excited na humigpit ang yakap nito sa kanya. “Oh God ang tagal na nating hindi nagkikita.” Tiningnan niya si Renz, she’s still the cute and beautiful little girl she used to know pero mas lalong gumanda at mas lalong tumangkad. Halos magkasingmukha na ito at ng mommy Amber nito. “Mabuti naman ikaw ang dapat kong kumustahin ang tagal mo ng hindi nagtetext at tumatawag.” Kahit pa naman noong nasa college pa siya ay nagkikita na sila ng palihim and yes she knew what her brother did to her. “Medy

