NIGEL XANDRO LIM's POV Halos walang humihinga samin habang nakahelera kami at nakaharap sa mga bagong dating. "Hindi niyo man lang ba yayakapin ang lolo niyo?" Tanong ni Lolo Vincent. Wala ni isa sa amin ang lumapit. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa balikat ni Ate Jee at Iya. Nangangatal na silang dalawa ngayon. "Hindi kayo lalapit at yakapin ako?" Malakas na sigaw nya dahilan para mapapitlag kami. Unang lumapit si Daddy at Mommy. Yinakap ni Daddy si Lolo at si Mommy naman ay niyakap din siya sabay beso. "Kayong tatlo anong tinatayo-tayo niyo dyan!" Sigaw pa nya uli. Narinig ko ang tahimik na paghikbi ni Iya at Ate Jee. Dahan dahan silang naglakad papunta kay Lolo at nanginginig na yinakap si Lolo. Hindi ako lumapit sa kanila at matalim lang silang tiningnan. "Xandro!" M

