NIGEL XANDRO LIM's POV "Kantahan mo ko Kuya Manong!" Pangungulit sakin ni Keisha. Nandito pa din kami sa hospital at magkatabing nakahiga sa hospital bed nya. Minsan nga sinisita kami ng nurse pero hinayaan na lang kami tutal iyon 'yung gusto ni Keisha at alam ng nurse na makakabuti ang good vibes sa kanya "Hindi nga ako marunog!" Sabi ko at niyakap ang balikat niya. "Eh, narinig kita kaninang umaga sa cr eh! Kumakanta ka eh!" Natawa naman ako. "Hindi 'yun kanta. Tula 'yun!" Natatawang sabi ko Kanina kasing madaling araw sobrang init tas pakiramdam ko basa ang likod ko eh bawal sakin matuyuan ng pawis kaya nagpalit ako ng damit sa cr at kumakanta ng I'll be. Well, marunong naman talaga akong kumanta pero hindi magaling kaya nakakahiya na may makarinig. Pero nadinig pala ni Keish

