KEISHA LORRAINE RODRIGUEZ's POV Nagising ako na tirik na ang araw. Medyo okay na yung pakiramdam ko. Nilingon ko ang katabi ko. Tulog pa din sya at nakayakap sakin. Balot din ako ng kumot pati ng mainit nyang yakap. I smile and kiss his cheeks. "Hmm?" Ungol nya pero hindi naman nagising. Hihi ang cute ni Kuya Manong. Dahan-dahan kong inalis ang kamay nya sakin pati na rin ang kumot na nakabalot sakin. Dahan-dahan din akong tumayo para hindi sya magising. "Mabuti naman at gising ka na. Okay na ba ang pakiramdam mo?" I smile at him. "I'm fine, thank you. Asan sila?" Niyakap ko sya bago sya hinarap ng ayos. Nilagay naman nya ang kamay nya sa mukha ko. "Maghilamos ka muna. Ang dami mong muta." Napanguso naman ako. Hmmp! Agad akong pumunta sa maliit na banyo at nagayos ng saril

