KENJIE LEEROI RODRIGUEZ's POV "Tol, tama na ang selos!" Pang-aasar sakin ni Troy Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa palalakad. "Hayaan mo nang si Xandro ang gumawa ng dati mong ginagawa sa kakambal mo." Nakangising saad ni Clyde. Tahimik namang nakasunod saamin si Austin at Cyrus. Teka, akala ko ba ay mag-t-training kami? Tsk! Asan na ba si Kuya? Tumigil kami sa isang shooting range. May ilang babaeng sundalo ang namamaril pero mukhang hindi pa sanay ang mga ito. Sa ikatlong bilog kasi tumatama ang mga bala nila. Napansin ko si Cyrus na parang malalim ang iniisip at nakayuko. Nilapitan ko sya at tinapik sa balikat. "Problema mo?" Tanong ko Ngumiti lang ito ng tipid at umiling. Binaling nya din ang paningin nya sa mga nag-sho-shoot. Binayaan ko na lang muna sya dahil napansin

