BOB ANDREW RODRIGUEZ's POV 4:30 pa lang ay gising na ako pati sila Mommy, Daddy at ang mga magulang nila Jee. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan si Keisha at Xandro na magkayakap. Naligo muna ako at nag-bihis ng uniporme ko. Pagbalik ko ay gising na ang anak ko pero hindi ito umiiyak. Bahagya lang itong gumagalaw sa gilid ni Lyca na tulog na tulog pa din hanggang ngayon. Kinarga ko si Baby Jare at inabot kay Mommy na ngayon ay nagkakape sa gilid. "Mom may plano ako pahawak kay Baby!" Nakangisi kong sabi. Gising na din ang mga kasamahan ko sa forces kaya wala ng hahadlang sa plano ko. "Hoy, Andrew hindi ko gusto ang ngisi mong iyan!" Saway sakin ni Dad "Shh, trust me, Dad. Just watch me. Balak ko din silang i-train. Military train to be exact for their own sake!" Sabi ko h

