Chapter 2

3536 Words
(Hunter’s POV)       Habang kumakain kami at nagkakasiyahan ay agad kaming napalingon sa pinto ng VVIP Room na kinaroroonan namin ng malakas iyong bumukas. Nakita din naman namin kaagad na may ilang lalaking pumasok sa pintong iyon na parang walang pakialam kung sino ba ang nandito sa loob. Nagkatinginan agad kami pero hindi na namin sila pinakialaman pa dahil sinalubong naman na sila agad ng mga guard at crew na kasunod nila.   “Cleo? Kami ang pagsilbihan mo, sinong may sabing pwede mong pagsilbihan ang iba habang nasa labas kami?”   Hiyaw ng isang lalaki kay Cleo na mula sa limang iyon, guards already stop them pero tuloy lang sila sa ginagawa nilang panggugulo, nilapitan agad nila kami matapos nilang bugbugin ang mga guards at magsira dito sa loob ng VVIP Room, ikinagulat din naman namin iyon kaya napatayo pa kaming lahat. Halatang halata din na naka-inom sila base sa mga kilos nila at isa pa ay umaabot dito ang mga amoy nila.   Napatingin ako kay Cleo habang nakatingin lang siya sa mga iyon na hindi man lang kababakasan ng takot at pangamba sa muka, agad din siyang itinago ni Tita sa likod niya at nasa likod niya rin si Phoenix pero mukang wala naman siyang pakialam doon.   “See? they are one of those.”   Maya maya ay sabi ni Cleo sa akin saka niya ako nginisian, agad naman akong napalunok ng sabihin niya iyon, malapit na talaga akong mamatay, katapusan ko na talaga. Agad na kinuha ni Cleo ang mga tray na dala niya kanina na nasa push cart na malapit sa amin at saka siya lumakad agad palapit sa mga iyon at tinawid ang pagitan nila, sinubukan din siyang pigilan ni Tita pero hindi na siya nagpapigil.   “Good, now you know what to do!”   Nakangising sabi ng lalaking nasa gitna ng lima at akmang lalapitan na niya si Cleo at hahawakan ng biglang lumagapak ang makapal na tray sa muka niya na agad niyang ikinabagsak, bumwelo pa si Cleo kaya alam na alam kong malakas iyon.   “whoah!”   Sabay sabay na sabi nina Ava, Massi at Killian habang nakatingin lang din sila kay Cleo, mga sira ulo talaga ang mga ito.   “No one owns me, Fvckers!”   Tinakbo ni Cleo yung apat pa na nagtangkang tatakas saka pinaghahampas ang tray na ikinabagsak din nila saka niya pinagsisipa ang mga ito at inipon sa may pintuan. Mabilis siyang bumalik sa table kasama namin matapos niyang gawin iyon at niyakap din naman agad siya ni Tita na bakas na bakas ang pagaalala sa kanya.   “nakita mo ang nangyari okay? kapag binawasan ang sahod ko magrereklamo ako, dumipensa lang ako.”   Maya maya ay sabi ni Cleo kay Tita habang nagtatago din siya sa likod ni Tita.   “Kapag bumangon sila bahala na kayo.”   Cleo said to us na ikinatawa na lang din namin, ako na ang lumapit at tumingin sa kanila ng senyasan ako ni Phoenix.   “Hindi na sila tatayo.”   Pagkasabi ko nun sa kanila matapos kong I-check ang mga lalaking iyon ay saktong dumating narin ang ibang crew at tinulungan ang mga guards na ilabas sila, ang iba naman ay naglinis agad dito sa loob at saktong dating din ng mga police at ng isang crew at ang marahil ay manager ng resto.   “Pasensya na kayo madam, regular costumers naman sila kaya nga lang ay si Cleo lang ang gusto nilang nagsisilbi sa kanila palagi.”   Paliwanag agad ng manager ng resto sa amin. Bullshit reasoning.   “You mean they are always here and you are letting them treat Cleo like that?”   Sagot ni Tita sa kanya na hindi makapaniwala na gusto ko narin sanang sabihin. Namutla naman agad ang lalaking manager dahil doon.   “B-but Cleo was entertaining them so I thought s-she like it.”   Sinampal naman agad ni Tita ang Manager na iyon na ikinagulat na lang din namin at masamang masama ang tingin niya dito, galit na galit si Tita kitang kita sa mga mata niya ang galit na nararamdaman niya. Nananatili namang nakatungo ang manager habang sapo sapo ang pisngi niya at hindi na siya nakapag-salita.   “because she doesn’t want to lose her job kaya siya nagtitiis sa ganoong trato sa kanya, and your job was to protect them also sa mga ganyang klase ng customers!”   Hiyaw ni Tita sa Manager na iyon na nananatiling nakatungo, napalingon muli kami sa pinto ng VVIP Room ng magpasukan ang ibang mga crew, maintenance at guards ng resto. “bumalik na kayo don, tapos na ang problema.”   Pagsaway ni Cleo sa kanila pero nilapitan lang siya ng isang babae na parang katulad lang din niyang waitress saka ng isang may edad ng babaeng maintenance.   “Hindi gusto ng kaibigan ko yun Mr Roman, ikaw ang may gusto non dahil kaibigan mo ang mga yun! Alam namin yun, alam din ng lahat yun dito, wala lang namang choice si Cleo kaya niya nagagawang pagsilbihan sila.”   Sabad ng waitress pero pinigilan din siya ni Cleo sa sinabi niya, lalo namang namutla ang manager dahil doon.   “Hindi magsasalita si Cleo, kaya magsasalita kami para sa batang ito Mr Roman, dapat malaman na ni Madam ang totoo na tinatakot mo din si Cleo na tatanggalan mo siya ng trabaho kapag hindi siya sumunod, palibhasa alam mong hindi hihingi ng tulong si Cleo kay Madam.”   Dagdag ng ginang saka niya niyakap si Cleo habang matatalim ang tingin niya sa manager, tahimik si Cleo, nakikita kong namumula ang mga tenga niya at alam kong nahihiya siya.   “sabi ko wag na kayong magsalita, tama na yan, bumalik na tayo sa trabaho.”   Cleo said to them pero hinila lang siya pabalik ni Tita ng akmang aalis na siya habang hila hila niya ang mga kasama niya.   “You are fired, Roman!”   Tita yelled at him at nagmamadali naman siyang umalis dahil doon, napatingin kami sa mga babaeng marahil ay kaibigan ni Cleo, at ang ibang kasamahan nila ay nakatingin lang din sa kanila.   “Uy Prenny? Okay ka lang ba talaga? Hindi ka ba nila sinaktan o hinawakan? Tapos na ang problema natin okay? wala ng mananakit sayo ha? nako naman kasi Cleo, dapat ay mag-maskara ka na talaga para wala na tayong problema”   Natawa ang mga kasama namin sa sinabi ng babae na marahil ay pinagagaan lang naman ang mood, tahimik lang naman si Cleo na nakatungo at maya maya ay nagpaalam na ang mga kasamahan niya sa sa kanya. Naiwan kami dito at ganoon din si Cleo na bahagya pang yumukod kay tita.   “pasensya na sa nangyari, babalik na ako sa trabaho, alam kong marami kaming gagawin ngayong tinanggal mo na ang manager na yun.”   Maya maya ay sabi ni Cleo ng tingnan niya si Tita pagkaalis ng mga kasamahan niya, akmang hahakbang na siya palabas pero hinila lang siya ni Tita pabalik sa upuan niya kaya naupo lang din kami.   “you are shaking.”   Agad na sabi ni Tita kay Cleo saka nito agad na hinawakan ang kamay niya, nag-abot naman agad ako ng tubig sa kanila.   “Are you afraid or angry? Palagi tayong magkasama pero hindi mo nababanggit sa akin ito Cleo, bakit? Kung hindi pa mangyayari ito hindi ko pa malalaman na ganito ang ginagawa niya sayo.”   Tita said to her, pero nakatingin lang si Cleo sa kanya.   “Afraid? Gusto ko nga silang patayin sa harapan mo kanina, this is too much for just a day”   Reklamo ni Cleo kay Tita habang magkahawak sila ng kamay.   “Saka importante pa ba yon? Alam mong ayaw kong magkaroon ng issue sa trabaho dahil pinapaboran mo ako palagi, at isa pa see what you have done? That’s impulsive. Maghanap ka agad ng ipapalit sa manager na yun kasi magiging hectic ang schedule ni head chef kapag hindi mo yun ginawa ay damay damay kami kapag ganon.”   Napangiti lang si Tita bigla sa sinabi niya, saka nito hinaplos ang buhok ni Cleo.   “Your tagalog is so cute, and no they will never make an issue about us, mabait ka, alam nila yun kaya alam nilang gusto kita. Kaya sige na bumalik ka na sa trabaho mo at wag ka ng magalala sa ipapalit sa kanya, at isa pa baka mamaya ay may magwala na naman dito at hinahanap ka, naku! napakaganda naman kasi talaga ng Cleo ko na yan, wag na wag mong papansinin yung mga panget sa tabi tabi tulad ni Hunter ha? Para ka lang sa mga tulad namin na magaganda ang lahi”   Nagtawanan lang ang mga kasama ko sa sinabi ni Tita at napa-ayos lang naman ako ng upo dahil doon, nakakahiya. Maya maya lang din ay tumayo na si Cleo at hindi na pinansin si Tita na ngiting ngiti sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. Umalis na siya at hinayaan lang din naman siya ni Tita, pagka-alis ni Cleo ay agad din naman kaming nilingon ni Tita, masamang masama ang tingin niya na ikinatayo na naman ng mga balahibo ko.   Kahit sanay na kami sa kanila at palagi namin silang kasama hindi parin nagbabago ang reaction ng katawan ko kapag nakikita ko silang ganyan, they are hell, they are dangerous.   “I wanted you to kill them”   Tita said to us saka siya naunang tumayo at lumabas sa VVIP room dala ang bag niya, nagkatinginan lang naman kami dahil doon saka kami agad na sumunod sa kanya.               (Ava’s POV)       Ano kayang balak ni tita sa kanya? Kahit kinukutuban na ako sa mga gagawin niya at kahit parang naiisip ko na ang gusto niyang mangyari ay kinakabahan parin ako sa kanya at sa babaeng yun, hindi ko naman kasi siya lubusang kilala. Hindi rin namin alam na may ka-close si tita na kung sino lang at hindi namin kilala, pero parang kilalang kilala naman siya ni Tita at ni Phoenix   Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko habang busy ako sa mga ginagawa ko ng may kumatok doon, tumayo agad ako sa isiping si Killian iyon pero pagbukas ko ng pinto ay si Tita ang bumungad sa akin.   “Tita? Come in.”   Ngumiti lang si tita saka pumasok ng sabihin ko iyon kaya isinara ko naman agad ang pinto pagpasok niya. May dala siyang envelope at mukang sinadya niya pa talaga ako dito, ano kaya ang laman non?   “Hindi na ako magpapa-ligoy ligoy pa.”   Napatingin lang ako kay tita ng sabihin niya iyon, umupo siya sa pang-isahang couch na nasa kwarto ko at naupo naman ako sa katapat niyon.   “I want you to guard the person in this papers.”   Iniabot niya agad sa akin ang envelope na kinuha ko naman agad at binuksan, napatulala agad ako kay Tita ng makita ko kung sino ang nasa papel na iyon at siya naman ay simpleng ngumiti sa akin. What the hell?   “Yes that's her, I want you to guard her, and If it's possible play cupid to them.”   Napakunot lalo ang noo ko sa sinabi ni Tita kahit na gulat na gulat ako sa nakita ko sa papel, kaya pala parang kilalang kilala siya ni Tita at isa pa ang babaeng ito ang Ex ni Phoenix.   “Hindi ko kakayanin ito ng mag-isa you needed to join me, Phoenix cant hurt her pero kaylangan parin nating makasiguro.”   Binalikan ko ng tingin ang mga papel saka ako tumingin muli kay tita.   “alam ba ito ni Tito?”   Tanong ko na tinanguan niya lang kaagad.   “scan that and then let's talk about the first plan.”   Ngumisi si Tita sa akin na hindi ko malaman kung ikatutuwa ko ba o ikakatakot, okay lang ba si tita? Sigurado ba siya sa gagawin niya?               (Killian’s POV)       Kakatukin ko na sana ang pinto ng kwarto ni Ava kaya lang ay nakapaskil doon ang ‘do not disturb sign’ kaya hindi na ako tumuloy, ibig sabihin kasi noon ay busy siya o kaya naman ay tulog. Hindi na din ako tumuloy at hinanap na lang ang mga mokong kong mga kaibigan at naabutan ko naman sila sa kwarto ni Phoenix sa veranda nito.   “Si Ava?”   Tanong agad ni Massi sa akin pagdating ko.   “I-text mo, may nakalagay kasing do not disturb sa pinto niya.”   Kumilos agad si Massi ng sabihin ko iyon, ayoko ngang masapok ng babaeng yun, sadista pa naman siya.   “Para saan ba ang meeting na to?”   Maya maya ay sabi ng pumasok kaya napalingon kami sa kanya, naupo narin naman si Phoenix na naka-sandal lang sa railings kanina pagdating ni Ava.   “We need to know kung bakit kasama ni mom ang babae na yun at kung anong balak ni mommy sa kanya.”   Napakunot ang noo namin kay Phoenix, seryoso na siya ngayon unlike kanina na ang tatalim lang ng mga tingin niya.   “You mean Cleo?”   Nakakunot noong tanong ni Ava at tumango lang naman si Phoenix doon bilang tugon.   “Gag* ka ba? Ikaw na lang labas na ako dyan, ayoko ngang mapagalitan ni Tita, tsk!”   Pinaikot ni Ava ang mata sa pinsan niya na palihim kong tinawanan, go Ava, save us ayaw din naming mapatay ni Tita.   “Malalaman ba niya to? Unless sasabihin mo.”   Phoenix said then glared at her na parang hindi naman niya ininda.   “Oh? Parang hindi mo naman kilala ang mommy mo.”   Sagot parin ni Ava sa kanya, tama mas nakakatakot pa nga si Tita kaysa kay Phoenix.   “Tama siya tol, kilala mo naman ang mommy mo, alam mo naman na lahat ay alam nun.”   Napatigil ako sa pagsasalita ko ng tingnan ako ng masama ni Phoenix, sinasabi ko lang naman ang totoo.   “Pero may alam na akong paraan para malaman natin ang pakay ni tita sa kanya.”   Napatingin kami kay Ava ng sabihin niya yun saka siya ngumisi sa amin. Inilapag niya din maya maya ang isang envelope at binuklat ko naman agad yun saka ako napamulagat at napatingin sa kanya, ipinasa ko din ang papel sa iba pa.   “W-woah, y-you mean yung ganoong ka-tangkad, ka-ganda at ka-sexy ay 17 years old lang? Akala ko ay nasa mga 20 na siya”   Masasamang tingin lang ang ipinukol sa akin ni Ava kaya agad akong napakamot ng ulo matapos kong sabihin iyon, hindi lang naman ako makapaniwala.   “Gago, sa dami ng nakasulat dyan yun lang ang naalala mo?”   Napakamot akong muli ng ulo dahil sa singhal niya sa akin, s**t. Kapag nagkataon child abuse ako don, este si Hunter pala.   “Teka nga, bakit may ganito ka?”   Maya maya ay tanong ni Hunter sa kanya kaya nabaling agad ang atensyon ni Ava kay Hunter.   “Pinababantayan siya sa akin ni Tita. Ako ang sadya niya kaya nandito siya kanina.”   Simpleng sagot ni Ava sa kanya.   “Ano namang konek non sa gagawin natin?”   Tanong ni Massi kaya masamang tingin agad ang ipinukol sa kanya ni Ava, medyo bobo talaga ang isang to eh.   “Pagkakataon na yan para mapalapit tayo sa kanya ng hindi nahihirapan, hindi na tayo mananagot kay Tita at kapag nagkataon ay malalaman narin natin ang tunay na balak ni tita sa kanya, at baka nakakalimutan niyo narin ang sinabi ni Tita kanina? Babantayan niya tayo, at kapag tinalo natin ang babaeng yan edi yari na tayo, this is the safest way ‘no.”   Napatango lang naman ako sa sinabi niya, tama siya, madali lang naman sa amin ang ganito, kayang kaya namin yan.   “Dapat ay simulan na natin ang pagkilos ngayon pa lang.”   Phoenix then said. Tama para mabilis naming malaman kung ano ba talagang balak ni Tita sa kanya.               (Cleo’s POV)       Malalaki ang hakbang ko habang naglalakad ako papasok sa trabaho ko pagkababa ko ng taxi na nasakyan ko kanina, hindi maganda ang nangyayari ngayon, hindi ito maganda. Ito na nga ba ang sinasabi ko, malaking problema na nga ang dulot ng lahat ng nangyari.   “Cleo?”   Bungad sa akin ni Jenna pagpasok ko sa resto at nakita ko naman agad na lahat sila ay nandito narin, kasalukuyang close ang resto sa araw na ito at hindi namin alam kung bakit bigla na lang itong nagsara, hindi rin namin alam kung anong dahilan, hindi naman ito nabanggit ng babaeng yun sa akin.   “Since kumpleto na tayo pwede na tayong magsimula.”   Anang lalaki na nasa unahan kaya napalingon ako sa kanya at sa babaeng katabi niya, marahil ay siya na ang papalit na manager ng resto.   “You see I am your new manager at kaninang umaga lamang ay nakatanggap ako ng sulat na nagsasabing magkakaroon ng pagbabago sa restaurant na ito.”   Nagkatinginan kami nina Jenna, bakit ba hindi maganda ang kutob ko sa sinasabi niya? Tsk.   “Upon the request of some of you may mga ililipat ng ibang branch and, may matatanggal.”   Nagsaya na ang iba naming mga kasamahan, marahil sila yung nag-request na ilipat ng ibang branch. Maganda yun kung yun ang gusto nila pero papaano naman yung matatanggal?   “Lahat ng nag-request ng paglipat sa ibang branch pwede niyo ng kunin ang mga papeles niyo sa secretary ko, that will serve as your transfer papers, and Miss Cleo? Can you come here to my office?”   Natigil sa pagsasaya ang mga kasama ko at napatigil din sila sa pagpila sa secretary ng bagong manager ng resto, si Jenna naman ay hinarap agad ako halatang halata na kinakabahan din siya para sa akin.   “Baka naman hindi ka matatanggal Cleo, baka naman may consideration award ka dahil sa ginawa mo sa mga ugok na yun.”   Pagpapakalma sa akin ni Jenna. She knows how badly I needed this job. Pareho kami ni Jenna na kaylangan ito para makapag-aral at mabuhay.   “Tama si Jenna, Cleo, pumasok ka na muna sa loob.”   Sir Alvin said our head chef kaya bumuntunghininga na lang ako saka ako tumango at agad na pumasok sa loob ng office, nakaupo lang naman si Sir sa upuan niya sa harap ng table pagpasok ko at sinenyasan niya agad ako na maupo sa visitors seat.   “Pasensya ka na Cleo, pero ikaw yung tinanggal ngayon.”   Gulat na gulat akong napatingin sa kanya ng sabihin niya iyon sa akin.   “hindi ko naman mapipigilan ang desisyon ng presidente ng resto but then again, may consideration naman silang ibinigay sayo.”   Lalo akong nilamon ng kaba sa sinabi niya pero ayaw ko yung ipakita, ayaw kong magmuka akong kawawa sa paningin niya.   “Here’s your papers, from now on you will be the personal assistant of the son of Mrs. Delacroix.”   Lalo akong natigilan sa sinabi niya saka ko dinampot ang mga papeles.   “Dont worry, sa pagkakaalala ko sa sinabi ni Mrs Delacroix na naka-saad sa contract ang tungkol sa pag-aaral mo and as of now you should see him first para sa contract na yun, mas malaki ang sasahurin mo don Cleo at alam kong mas matutulungan ka ng offer na to para sa pagaaral mo.”   Ngumiti sa akin ang manager, akala niya lang ay maganda ang offer na yun pero kahit kaylan ay hindi yun naging maganda. Nabanggit narin marahil sa kanya ni Tita ang tungkol sa kung bakit ako nagtatrabaho dito.   “sayang lang at mawawalan ako ng isang gaya mong empleyado pero wala naman akong magagawa doon, but anyway nice meeting you and you can go now.”   Tumango lang agad ako sa kanya at nakipag-kamay saka ako lumabas, hindi na ako nagsalita at wala na akong ibang sinabi dahil alam ko naman na hindi dapat siya ang kausapin ko. Sinalubong naman agad ako nila Jenna paglabas ko ng office niya. “Anong nangyari?”   Lahat sila ay nag-aalala ang muka ng makita ako paglabas ko ng office, alam kong lahat sila ay nagaalala sa akin at lahat sila ay mabait sa akin kaya itinuring ko narin silang guardian, lahat sila para sa akin ay kaibigan. Siguro, hindi ko man madalas maipakita pero mami-miss ko sila.   “Ililipat ako.”   Nagkatinginan silang lahat sa bungad ko sa kanila.   “wait? Nag-request ka ba na magpa-lipat?”   Tanong agad ni Ate Gina sa akin, siya Assistant Chef namin pero umiling lang ako sa kanya bilang sagot.   “Bakit ganon?”   Nagtataka din niyang tanong sa akin.   “Sa ibang trabaho po kasi sako inilipat, baka dahil parin sa issue dati at alam naman natin na wala akong magagawa doon, kaylangan ko naring mag-paalam sa inyo, kaylangan ko na daw kasing puntahan ang magiging amo ko, magke-kwento na lang ako sa susunod kapag nagkita-kita na uli tayo, mauuna na ako.”   Isa isa nila akong niyakap matapos kong sabihin yun at itinago ko din ang kalungkutan sa mga mata ko, alam kong magaalala sila kaya hindi ko dapat ipakita sa kanila yun.   “Mami-miss namin ang bunso namin.”   Nanay Minda said, our maintenance head. Hindi na ako nagsalita at nag-paalam na lang akong muli sa kanila at saka ako lumabas ng resto. Sigurado akong pakana na naman ito ng Dean na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD