(Cleo’s POV)
Mabibilis ang mga hakbang ng mga paa ni Cleo habang papasok siya sa Dean’s Office ng school na pinapasukan niya. Kaylangan niya ng tapusin ang mga kaylangan niyang gawin para makapag-enroll na siya sa last term ngayong school year.
Graduating na siya at hindi niya hahayaan na dahil lang hindi siya nakapag-enroll agad ay mabubulilyaso na ang pangarap niyang makatapos na with flying colors. Isa pa ay baka ma-late din siya sa trabaho niya kaya kaylangan na talaga niyang bilisan.
Habang nag-aaral kasi ay nagta-trabaho din siya para tustusan ang pag-aaral at iba pang gastusin niya sa pang araw-araw, hindi naman kasi siya mayaman tulad ng mga mag-aaral sa school na pinapasukan niya.
Talagang pangarap niya lang na dito sa magarang paaralan na ito makatapos kaya nag-aaral siyang mabuti para tuloy tuloy ang kanyang full scholarship sa school dahil talagang napaka-mahal ng tuition dito.
“Miss Fabien?”
Ngumiti agad ang may edad ng Dean ng paaralan nila matapos siyang batiin nito pagpasok niya sa opisina nito matapos niyang kumatok ng marahan. Kahit may edad na ay sopistikada parin itong tingnan, hindi mahahalatang may edad na ito kundi dahil sa mangilan-ngilan nitong wrinkles pero other than that ay talagang parang bata pa ang ginang. Isa ito sa mga nakakakilala sa kanya dito sa school, at isa ito sa mga may alam ng pangarap niya sa buhay.
“Nandito ka ba para maayos na ang enrollment papers mo?”
Tumango lang siya bilang sagot sa ginang ng magtanong ito saka ito ngumiti sa kanya, mayamaya ay kumilos narin ito at hindi narin nagsalita, marahil inaayos na nito ang kaylangan niya kaya tahimik lang din siyang naghintay dito.
Hindi pala-salita si Cleo at isa iyon sa mga bagay na alam na alam na ng ginang tungkol sa kanya kaya sanay na ito na tahimik siya, madalas nga ay magsasalita lamang siya kapag kinakausap siya pero depende parin naman iyon kung gusto niyang magsalita o hindi.
“Hay! Ga-graduate na ang pinaka-paborito kong estudyante.”
Mayamaya ay sabi ng ginang habang busy ito sa ginagawa saka siya sandaling tiningnan, muli din naman itong bumalik ng tingin sa ginagawa niya ilang sandali pa ang nakararaan, palaging sinasabi ng ginang na siya ang paborito nito at hindi naman na bago iyon sa kanya.
“This last sem was long enough, don’t worry.”
Pagkasabi niya noon ay biglang ngumiti ang ginang na tumingin ulit sa kanya, marahil naisip din nito ang sinabi niya.
“Here it goes, ipasa mo na lang iyan sa registrar at tapos ka na sa lahat.”
Ngumiti na naman ito sa kanya matapos nitong sabihin iyon pero wala parin siyang reaksyon doon, sanay na kasi siya na ganoon ang ginang sa kanya, pero alam niya ring sa iba ay hindi naman ganyan ang ginang, alam niyang masungit ito at nakakatakot para sa iba.
Tumayo na siya sa kinauupuan niya at kinuha sa ginang ang mga iniabot nitong papeles sa kanya.
“Thanks, I’ll go now,”
She said. Saka siya muling lumakad palapit sa pinto para maka-alis na doon, dahil alam naman niya na kapag nagtagal pa siya ay hindi na siya paaalisin ng ginang. Malamang ay makikipag-kwentuhan na naman ito sa kanya at kahit pa maghapon iyon ay ayos na ayos lang iyon sa ginang.
Akmang bubuksan niya na ang pinto para makalabas na ng bigla na lang may tumulak doon dahilan para mapa-atras siya at agad na matumba, gulat na gulat si Cleo dahil doon, hindi niya iyon inaasahan.
“Oh my gad! Cleo?”
Naramdaman niyang dinaluhan agad siya ng ginang at itinayo siya nito matapos nitong mapahiyaw sa gulat sa nangyari sa kanya, napakunot din naman agad ang noo niya sa inis sa nagbukas ng pinto na hindi man lamang kumakatok.
Nagulat din siya masyado at hindi niya inaasahan ang pangyayaring yun, napatingin agad siya sa braso at siko niya ng maramdaman niyang masakit ang mga iyon naitukod niya kasi ang mga ito sa pagbagsak niya, may pasa at sugat ang mga iyon.
Kung mamalasin ka nga naman. Sa inis ni Cleo ay tiningnan niya agad ang mga pumasok at nakita niyang may isang babae at apat na lalaki ang pumasok ng magkakasama, at naramdaman din niyang napatingin din ang ginang sa mga ito na hindi nito napapansin kanina dahil masyado siya nitong inaalala.
“So when did I forgot to teach you how to knock?”
Napakunot lalo ang noo niya sa hiyaw ng ginang, kilala pala sila ng ginang? Maliban sa lalaking naka-salamin na kilala din niya at alam niyang kilala talaga ng ginang dahil anak niya ito, pero ang apat na mga kasama nito ay ngayon niya lang nakita.
Nakaramdam ng kaunting kaba at galit ang puso ni Cleo pero hindi niya iyon ipinahalata, agad siyang nagiwas ng tingin sa mga ito. Bakit kaya ngayon pa ito nagpakita? yan ang tanging pumapasok sa isip ni Cleo sa mga oras na ito at paulit-ulit iyon. Alam ba ng ginang na pupunta ito dito?
“M-mom?”
Bati ng lalaking naka-leather jacket saka naka-sun glasses sa ina nito, hanggang dito sa loob ay hindi nito ito tinatanggal at parang nagulat din ito marahil ng makita siya. Hindi na umimik si Cleo pero hindi din siya tumitingin sa mga ito dahil gusto niya ng umalis ngayon din.
Lalo siyang nagtaka dahil natahimik ang limang pumasok at walang nagsasalita, napalingon siya sa ginang ng itaas nito ang sleeve ng jacket niya. Hinayaan niya ito na gawin ang gusto nito dahil kapag hindi niya iyon ginawa ay hindi naman siya titigilan ng ginang, hindi siya mananalo dito alam niya iyon.
“Oh my gad! Cleo, your arm has bruises, does it hurt? does it have a fracture? You can feel it right? May sugat ka din.”
Tiningnan niya rin ang braso niya dahil sa sinabi ng ginang, halatang halata ang pasa niya kahit na hindi naman siya maputi, kitang kita din ang sugat niya at kitang kita din ang pagaalala sa ginang.
“I can handle this, I need to go.”
Ibinaba na niya ang sleeve ng jacket na suot niya na itinaas ang ginang saka mabilis na dinampot ang mga papel na nahulog at lumabas agad siya ng office na yon, hindi niya na kaya ang mga tingin na alam niyang galing sa lalaking iyon.
Sa totoo lang ay naiinis na naman siya pero hindi niya iyon pinahahalata dahil kaylangan niya ng magmadali dahil may trabaho pa siya. Walang modo ang nagbukas ng pinto na iyon, kung marunong lamang silang kumatok ay baka wala siyang sugat at hindi na niya nakasama ng matagal sa loob ang lalaking iyon.
Napahawak muli si Cleo sa siko niya ng maya maya ay maramdaman niyang kumirot muli ito, tiyak na mananakit ang braso niya mamaya sa restaurant dahil waitress siya, marami siyang trabaho at busy siya.
Napailing na lang si Cleo at pilit na inalis sa isip ang nangyari at gaya kanina ay mabibilis ang mga hakbang niya palayo, kaylangan niya ng magmadali at kaylangan niyang pumasok sa trabaho ng maaga.
(Hunter’s POV)
“Tita? Sino yun?”
Napatigil ako sa pagtatanong ng tingnan kami ng masama ni Tita, matatalim ang mga tingin niya at parang kayang kaya niya na kaming patayin anytime now. Napaiwas na lang din ako ng tingin kaagad dahil ayoko pang mamatay, mahirap na masyado pang maaga.
Bullshit! Pakiramdam ko ay nanayo ang balahibo ko sa talim ng mga tingin ni Tita at hindi din ako makaupo dahil doon, lagot na talaga.
“Who opened the door?”
Ituturo ko na sana si Phoenix dahil sa tanong ni Tita, pero natigilan ako ng maramdaman kong itinuro nila akong lahat. Ako ba? Ako pala ang nagbukas? Lalo akong kinabahan sa tanong ni Tita, bakit ba? Magsasalita na sana si Tita pero inunahan na siya ni Phoenix kaya hindi na iyon natuloy.
“Bakit siya nandito?”
Walang emosyon ang mga muka ni Phoenix ng sabihin iyon at ang tono niya ay gaya parin ng dati, kilala niya ang babae na yun? Nginisian naman agad siya ni tita, ngisi na lalong nakapagpatayo ng balahibo ko, s**t.
“You’ll never know, for now, pero sinisigurado kong hindi mo lang siya ngayon makikita.”
Ow? Napatingin lang kaming lahat kay tita ng sabihin niya iyon, hindi naman namin alam na may itinatangi pala siyang estudyante dito sa paaralan nila, I mean she doesnt even care to anyone at all, maliban na lang marahil sa anak niya o sa amin siguro, pero kung mag-alala siya sa babaeng yun kanina akala mo ay babasagin ito at mamahalin, kakaiba iyon.
“I like her now already.”
Maya maya ay sabad ni Ava sa usapan nila na ikinalingon namin sa kanya, nagtinginan lang sila ni tita saka sila parehong ngumisi, ngisi na parang may alam sila na sila lang ang nakakaalam.
“Enough of that, Dad wants me to pick you up.”
Hindi nawawala ang ngisi ng ginang kahit na tumingin na muli ito kay Phoenix ng muli itong magsalita.
“Since umalis na yung hinihintay ko lets go now, pero kumain muna tayo at kapag naulit ito at muling nasaktan si Cleo, humanda kayo sa akin.”
Kinuha lang ni tita ang bag niya matapos niyang sabihin iyon saka sila nagsipagtayuan, nananatili kasi akong nakatayo kanina pa. Nauna na ang mag-ina sa amin sa paglalakad saka kami sumunod sa kanila, ngayon lang ako nakapunta sa school na to pero parang ang swerte ko naman yata ngayon.
Yung babaeng yun, napaka-ganda niya, does she even know that? Is she even aware na ang ganda ganda niya kahit napaka-simple lang niya? Ang balat niya ay makinis, kitang kita ko iyon ng I-angat ni tita ang sleeves ng jacket niya, at ang kulay niya ay hindi ganoon kaputi pero maganda at bumagay sa balingkinitan niyang katawan na humahakab kahit pa naka-jacket siya.
Ang mga mata niya ay natural na chestnut brown kahit pa napakalamig niyon tingnan, ang boses niya ay malamig din pero maganda rin ito na parang idinuduyan ka papunta sa dreamland, mapupula ang magaganda nitong labi, natural na maganda at makakapal ang kilay nito, matangos ang ilong niya, at ang mga mata nito ay parang koreana pero hindi ito ganoon kasingkit, maliit din ang muka nito at bagay na bagay ang kulot na buhok nito na shoulder lenght lang.
Matangkad ang babaeng yun, hindi nalalayo ang height nito sa kanila, talagang sa unang tingin ay aakalain mong modelo ito kahit pa wala naman itong make-up at simpleng damit lang ang soot. Kakaiba siya, hindi din siya kababakasan ng kahit anong arte sa katawan, kakaiba siya para sa akin pero parang hindi man lang napansin yun ng mga kasama ko.
“Ano Hunter?”
Napalingon ako sa humiyaw sa akin saka ko nakita na papasok na si Killian sa kotse niya kung saan ako naka-sakay, natulala pala ako ng hindi ko man lang namamalayan. What the hell? Nakakahiya. Mabilis na lang akong sumakay sa kotse niya ng tawagin niya na ako, mahirap na baka iwanan ako ng mokong na to, wala pa naman akong dalang sasakyan.
-------------------
Buong akala ko ay malayo pa ang kakainan namin ng yayain kami ni Tita, yun pala ay tumawid lang kami at doon din kakain sa restaurant na katapat ng school na pagaari din nila Phoenix.
Mabilis kaming bumaba at sumunod muli kila tita ng makapag-parada na kami ng sasakyan namin. Pagpasok naman namin ay may sinenyasan lang si tita na lalaking crew ng resto saka ito mabilis na umalis, parang alam na alam na nito ang gagawin at parang kilalang kilala na nito si Tita, siguro lagi din si Tita dito.
Maya maya lang ay bumalik din ang crew saka sumenyas kay tita ng okay. Maraming tao dito, iyon siguro ang dahilan kaya marahil ay hindi na inabala pa ni tita ng matagal ang mga crew. Pinuntahan agad namin ang table na naka-set sa VVIP room ng resto, mayroon naring crew na naghihintay sa amin doon sa loob.
“Where’s Cleo? Call her for me.”
Umalis agad ang crew dahil sa sinabi ni Tita habang busy kami sa pag-scan ng menu, ang tinutukoy ba ni tita na Cleo ay yung babae kanina sa office niya? Cleo ang tawag niya rito hindi ba? Nagta-trabaho ba siya dito?
Speaking of, hindi na nga ako nagkamali ng hinala, ang tinutukoy nga ni tita na Cleo ay ang babae kanina sa office. Casual parin siya, at ang muka ay walang pagbabago, iisa lang ang ekspresyon niyon, kahit naka uniform bilang waitress ng resto ay nangingibabaw parin ang kagandahan nito sa lahat.
“Cleo? Have a seat.”
Magiliw na sabi ni Tita sa kanya pero wala naman siyang pakielam, naka-tayo lang siya doon hawak ang ballpen at papel para sa mga orders namin, mukang hinihintay niya lang din naman na umorder kami.
“Cleo? They can do that. Sit here.”
Muling pangungumbinsi sa kanya ni Tita pero tiningnan niya lang ang babae.
“Nope.”
Tipid niya lang na sagot saka siya muling bumalik ng tingin sa hawak niyang papel, hindi ba takot kay tita ang babae na to? Sabagay hindi naman kasi nagpapakita ng tunay na kulay sa kanya si Tita base narin sa nangyari kanina, sana all ‘di ba? pft.
“Fvck standards, Cleo, Fvck them wala akong paki sa kanila, maupo ka dito at ako pa rin ang may-ari nito, sanay naman na sila sa atin.”
Natatawang sabi ni Tita saka niya hinila ang upuan na katabi niya. Kaya ba hindi niya pinaupo si Phoenix doon dahil para kay Cleo iyon? s**t? Si tita ba talaga yun?
“Maupo ka na Cleo? Okay lang yan, hindi ka titigilan niyan ni Tita alam mo naman na siguri iyon, and anyway I’m Ava, pamangkin ako ni Tita, at si Hunter ang nagtulak ng pinto ng hindi kumakatok kanina.”
Ava said na naka-ngiti pa sa kanya pero ikinagulat ko din ang sinabi niya kinalaunan dahil itinuro pa niya ako kay Cleo saka niya ako tiningnan ng masama. Fvck!
“Oo nga Cleo, siya yun, and anyway I’m Killian kaibigan din nila ako.”
Tiningnan ko lang naman ng masama si Killian ng dumagdag pa siya sa sinabi ni Ava. Nakakahiya talaga ang mga ito.
“Ako si Massimo pero tawagin mo na lang akong Massi, kaibigan din nila ako, saka pasensya ka na kay Hunter kulang kasi sa buwan yan.”
Dagdag pa ni Massi sa sinabi ng dalawa, nakakahiya talaga ang mga to.
“Mga sira ulo!”
Angil ko sa tatlo saka ko sila muling tiningnan ng masama at parang wala namang pakialam ang mga iyon doon.
“Itinulak niyo ako kaya ko naitulak ang pinto!”
Singhal kong muli sa mga yun at tiningnan lang naman kami ng masama ni Phoenix kaya napatigil na ako sa pagsasalita at napakamot pa ako sa ulo ko, kahit naka-sunglasses parin siya ay ramdam na ramdam ko ang mga tingin na yun, napakasama ng mga tingin niya at alam kong kapag hindi ako tumigil ay malilintikan ako.
“Enough of that, get my order.”
Saway ni Phoenix sa amin saka niya binalingan si Cleo matapos niyang sabihin iyon, nagulat na lang din kami ng mayamaya ay biglang humiyaw si Phoenix at kitang kita namin ang paulit-ulit na pag-sapok sa kanya ni Tita.
“Kakain si Cleo kasama ko kaya wag mo siyang utusan, wala kang karapatan!”
Hiyaw ni tita kay Phoenix habang patuloy sa lumalagitik na pag-sapok ni Tita sa ulo nito. Pinipigilan ko naman ang matawa dahil alam kong yari na naman ako kapag nagkataon, pero ang mga kasama ko ay tumawa lang naman ng tumawa lalo na si Ava at wala silang pakialam sa galit ni Phoenix.
“Mommy naman!”
Reklamo ni Phoenix ng malakas kay Tita saka lang ito tumigil, agad na napakamot ng ulo si Phoenix dahil doon pero walang pakialam si Tita sa kanya. Tiningnan muli siya ni Tita ng masama at saka ito ngumiti ng bumaling na siya kay Cleo na parang naghihintay pa rin ng order namin.
“Umupo ka na Cleo, kasama sa trabaho mo to.”
Hindi pa rin naman nakinig si Cleo sa sinabi ni Tita, pinagkukuha niya pa rin ang mga order namin at sinimulan niya na kay Massi iyon na agad din namang umorder ng para sa kanya. Ramdam na ramdam ko naman lalo ang matatalim na tingin sa kanya ni Phoenix dahil sa nangyari, at alam kong hindi yun maganda.
Matapos makuha ang order naming lahat ay lumabas sandali si Cleo saka siya bumalik na dala ang mga orders namin na nakalagay sa push cart, matagal na siguro siya dito sanay na sanay na kasi siya.
“Staring is rude man, go get your order.”
Puna niya sa akin kaya agad akong napaayos ng upo at napa-clear throat. What the hell? This is crazy, nakakahiya! pakiramdam ko ay namula din ang muka ko dahil doon sa sinabi niya, s**t! para akong babae. Langya! Did she just caught me staring at her?
Napa-ismid akong muli at inayos ang mga order ko na inilapag na niya sa harapan ko, nakakahiya amputs. Nararamdaman ko namang masasama din ang tingin ng mga kasama ko sa akin kaya hindi ko na sila tiningnan dahil ayoko pa talagang mamatay.
“Cleo? Enough of that, eat here! Come on?”
Hinila ni Tita ang upuan na napapagitnaan nila ni Phoenix na bakante at doon naman naupo si Cleo dala ang pagkain niya, its a regular meal, maybe para talaga sa mga crew ang regular meal na yun.
“bakit ba dito naupo yan? dun na lang siya!”
Hiyaw ni Phoenix saka niya itinuro ang kaliwa ni Tita pero ikinatigil niya agad iyon ng tingnan siya ng napakasama ni Tita, si Cleo naman ay mukang wala paring pakielam sa kanila at tuloy lang ito sa pagaayos ng pagkain niya.
“kaya ka iniiwan eh, sira ulo ka kasi!”
Tita hissed at Phoenix then she throws deadly glares at him again bago muling ngumiti sa babae na parang ito talaga ang anak niya.
“Finally Cleo naupo ka rin dito, nakasama ko lang kasi ang mga ito ay hindi mo na ko sinabayan, mas gusto kitang kasabay kaysa sa kanila ano, siya nga pala yang anak ko wag mong pansinin yan, alam mo namang pangit yan hindi ba? kulang din kasi sa buwan yan tulad ni Hunter.”
Tita said to her na ikinatawa agad naming apat, humahalakhak din si Ava dahil doon na ngayon niya lang yata ginawa sa tanang buhay niya and Phoenix was just glaring at us, what the hell? Savage talaga tong si Tita.
“I don’t care at all, okay? Just eat may trabaho pa ako.”
Sagot lang ni Cleo kay Tita habang busy siya sa pagkain niya. At natigilan naman kaming lahat dahil doon, whoah! Sh*t.
“As if I care also? For all I know may ibang motibo ka lang kaya dumidikit ka na naman sa Mommy ko, ano na naman bang binabalak mo?”
Ramdam ang inis sa mga sinabi ni Phoenix pero malumanay ang pagkakasabi niya noon, hindi iyon ang usual na tono niya, seryosong seryoso iyon.
“oh? Wala akong balak sa kanya, baka siya ang merong balak sa akin.”
Sagot ni Cleo sa kanya habang tuloy tuloy na kumakain at hindi man lang tinitingnan ang mga katabi niya, magkatabi naman sila pero parang si Phoenix lang naman ang masama ang tingin kay Cleo habang tuloy tuloy lang ang kain niya at parang wala siyang pakialam, nararamdaman niya kaya iyon?
“No Son, tama siya ako ang dumidikit sa kanya.”
Tita said sabay kindat kay Phoenix and she giggled and Cleo just doesn’t care at all. Kakaiba talaga ang babae na to. Nagulat na lang ako ng abutan ako ng tubig ni Cleo na ikinatigil din nila at ikinatingin sa aming dalawa.
“Kumain ka, wag ka ng sumali sa mga tumititig sa akin sa araw araw masyado na silang marami.”
Whoah. s**t! Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at saka ako napatingin sa mga kasama ko sa kahihiyan, kitang kita ko naman na masama ang tingin ni Tita sa akin at ramdam na ramdam kong ganon din si Phoenix sa akin, pero si Ava, Killian at Massi ay tumawa lang.
Sinimulan ko na muli ang pagkain dahil sa kahihiyan, bullshit! Bakit ba hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya? Maya maya ay nag-iba na ng usapan si Tita na alam ko namang pa-simple paring sumusulyap sa akin na may matatalim na tingin. Ramdam ko rin naman na nagsimula na ulit kumain ang lahat kaya medyo nakahinga narin ako ng maluwag.