Craving

1027 Words
"Nay, hindi naman ako papayagan ng gurang na yon eh. Kaya mas mabuti pang wag na lang nyang malaman, di ba po?" sagot ko sa Nanay. "Kahit na anak. Nobyo mo pa din sya." "Nay, nobyo? Fling ko lang po yon. Hindi ko po yon siniseryoso." muli ko na namang sagot dito. "Mahal ka nung tao tapos gaganunin mo lang? Saf naman wag anak. Kasalanan sa diyos ang manloko ng kapwa." "Nay, eto na naman po ba tayo? Ayoko pong nag-aaway tayo ng dahil lang kay Nihori." "Oo na. Hindi na." "Hay, sige na nga po. Alis na ko. Ano po gusto nyong pasalubong?" paalam ko dito. "Makauwi ka lang ng maayos anak, masaya na ako." "Ahhh, katouch naman ang nanay ko." sabi ko at niyakap ko sya. Pagkatapos naming mag-usap ni Nanay ay nagpaalam na rin ako at umalis na ng bahay. Andito na ako kung san ako nagtatrabaho.  Edi san pa nga ba?  Sa bar.  Dito ako sa may Uhaw na Laman.  Cheap na kung cheap pero kahit cheap dito eh malaki naman magbigay ng tip ang mga costumers ko. “Saf, nandiyan na si papa Louis mo. Hinahanap ka na. Labasin mo na bago pa may makauna.” Si Aimee, ang isa sa mga kaibigan ko sa Bar. “Ako pa ba kataluhin nila? Sabihin mo akin lang yon. Mga loka sila. Magkasabunutan na lang kapag inagaw nila sakin yon! Mga malalandi! Labas na ako sabihin mo.” nagme-makeip kasi ako kaya naman hindi ko kaagad nilabas si Louis. At umalis na nga si Aimee. Gulat ba kayo? Sadyang ganyan lang talaga ako magsalita dahil nahawa na din sa mga kasama ko sa bar. Kaya kayo eh masanay na lang din sa akin. Hindi naman ako ganito noong hindi pa ako iniiwan ni Alfie. Pero wala eh, kailangan ko rin kasing buhayin ang pamilya ko kaya kailangan kong kumayod kahit ayaw ko ng ganitong trabaho. Wala eh, dito kasi mabilis kumita ng pera kaya kahit nakakasuka, dito pa rin ako kakapit. At lumabas na ako. Nakita ko nga si papa Louis na nasa table na naming dalawa. Nilapitan ko sya at… “Hi…” sabi ko sabay ngiti na nakakaloka. “Ang tagal mo naman honey.” Sabi nya sabay hatak sakin para mapaupo ako sa kandungan nya. “Pasensya ka na honey ah? Nagpaganda pa ako eh.” Sabi ko naman na kumandong na nga sa lap nya. “Maganda ka na para sakin at hmmmm…. Ang bango mo naman ngayon.” Sabi nya na inaamoy ako sa leeg pababa sa dibdib ko. “Hmmm… Honey, nakikiliti ako.” Sabi ko na mejo lumalayo sa kanya pero ang totoo ay mas pinasasabik ko lang sya sa akin. “Honey, Can we….” Hindi na nya natuloy pa ang sasabihin dahil bigla akong nagsalita. “San mo ba gusto? Payag ako. Basta dalhin mo ako sa alam mong masisiyahan ako.” Makahulugan kong sabi sa kanya saka sya hinalikan sa labi para mas lalo syang mag-init. “Wag mo akong bibitinin mahal ko at nagagalit na ako.” Sabi nyang bigla na kinatawa ko. “Ikaw talaga honey. Yan ang gusto ko sayo eh. Halika na nga. May available pa na kwarto sa baba. Tara.” Aya ko sa kanya. “Ayoko don Honey. Gusto ko sa hotel para naman mas matagal kitang makasama at matikman. Di ba isang linggo din akong nawala? Namiss kita.” Sabi nya na tinapat pa ang bibig nya sa tenga ko habang nagsasalita na kinatawa ko na naman dahil nakikiliti ako. “Louis, ano ka ba? Hindi ko naman kasalanan kung nawala ka ng isang linggo eh. Kasalanan yan ng trabaho mo. Ayan tuloy napapawalay at nasasabik ka sa akin,” sabi ko. “Kaya nga wag mo ng patagalin mahal ko. Umpisahan na natin. Halika ka na.” aya na naman nya pero hindi kasi pwede dahil pag sumama ako sakanya, pano naman yung ibang mga costumers ko? Edi konti lang kita ko kapag ginawa ko yun? Atsaka hindi ako pumapayag sa matagalan na s*x at paulit-ulit sa isang gabi. Tama na sakin ang isang beses na tikiman para lalo silang magcrave sa katawan ko. “Honey pasensya ka na. Hindi ako pwede. Alam mo naman baka magalit ang boss ko. Dito na lang tayo ah? Tagalan na lang natin, ok?” sabi ko sa kanya habang hinahalikan sya sa tenga pababa sa leeg nya. “Hmmmm.” Ungol nya sabay sabing… “Oh sige na nga.” Yun lang at mabilis kaming umalis sa table namin at dumiretso sa isa sa mga kwarto sa baba ng bar namin. Pagdating namin don ay walang kaabog-abog na hinalikan nya ako sa leeg pababa ng pababa at hubaran unti-unti. “Honey wait lang.” pigil ko sa kanya habang patuloy nya akong hinahalikan sa leeg pero unti-unti naman na nyang kinakalas ang dugtungan ng bra ko. “Honey wag ka ng mambitin. Please…” sabi nya. “Saglit lang.” pigil ko pa din sa kanya. “Ano ba yon?” tanong nya na napatigil na din sa ginagawa. “Nag-condom ka na ba?” tanong ko sa kanya na nakapamewang pa, syempre, gusto kong makasigurado na may dala siya. “Honey naman. Pwede bang wag muna akong gumamit ng ganon?” tanong nya na yumakap na naman sakin at hinalikan na naman ako. “Hindi pwede. Ayoko. Kilala mo ako.” Tulak ko sa kanya. Hindi kasi talaga ako nakikipags*x kapag hindi gumagamit ng condom ang lalaki.  Hello?!  Ang sarap ko kaya!  Baka biglang magkamali to at  magkaanak pa ako ng di oras eh.  Ayoko no! Mahirap na, baka mamaya biglang bumalik si Alfie, edi may babalikan pa rin siya. "Oh, ano? Meron ba o wala?" tanong ko rito, "Kilala mo ako, Louis, kapag sinabi kong ayoko, ayoko talaga," sabi ko dito na biglang nag-ayos nang hindi na siya nagsalita pa. "Honey, kahit ngayon lang," sabi nito sa akin. "Hoy, Louis, sinabi ko na sa iyo, no condom, no s*x, alam mo iyan," muli ko na namang sambit dito na aalis na talaga ngunit hinawakan niya ang braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD