Still Hoping

1065 Words
Nasa ganon akong pag-iisip ng …. “Ate?” tawag ng kapatid kong si Sammy. “Oh, Sammy, bakit gising ka pa? May pasok ka pa bukas ah? Tulog ka na.” sabi ko na tumalikod sa kanya. “Ate, nagmumukmok ka na naman ba?” tanong nito sakin.   Hindi ako nakasagot kasi tama sya. Nagmumukmok na naman ako ng dahil na naman kay Alfie. Wala naman kasi akong ibang kayang gawin kundi ang magmukmok eh. “Ate, kilala kita. Kahit hindi mo naman sabihin sa akin eh kilala ko kung sino ang dahilan.” Tumingin ako sa kapatid ko. “Halika na, matulog na tayo. Okay na ako ha? Kaya ko to. Ako pa? Ate mo ata si wonderwoman!” sabi ko at tumawa nang malakas. “Alam mo ate hindi mo maitatago yan sa akin. Kilala kita 'di ba?”   Tama nga naman ang kapatid ko. Kilala niya talaga ako. Tumalikod tuloy ulit ako at …. “Masakit pa din kasi, Sammy eh. Kilala mo naman siya 'di ba? Sobrang bait at maalalahanin. Alam mo ang ugali niya kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako iniwan eh. Wala naman siyang iba para iwan ako pero bakit?” sabi ko na may luha na sa mga mata. Lumapit sa akin si Sammy at niyakap ako. "Ano ba ang mali sa akin?" iyak ko na rito, "Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung paano at bakit niya ako iniwan eh," wika ko, "Panget ba ako para layuan niya ako? Mabaho ba ang hininga ko?" tanong ko na alam ko namang walang makakasagot sa akin. "Ate, ikaw ang pinakamagandang ginawa sa amin ng Diyos, kaya huwag kang mag-iisip ng mali," sagot naman sa akin ni Sammy. "Sinasabi mo lang iyan, Sammy, dahil ate mo ako," tugon ko naman dito. "Ate, hindi, totoo ang mga sinasabi ko," muli nitong sagot sa akin. Sa sinabi nito ay muli na naman akong napaluha. “Ate, mahal kita. Mahal ka namin. 'Wag mo na siyang isipin kasi busog na busog ka na sa pagmamahal namin. Si kuya Nihori mahal ka din," sabi nito.   “Pero hindi ko naman siya mahal eh. Alam ninyo namang pineperahan ko lang 'yon para may pangtustos sa inyo eh. At ayaw ko siyang makatuluyan ano. Ang tanda tanda na no'n eh," sagot ko naman dito.   Napatawa naman bigla si Sammy, "Ate talaga. Marinig ka no'n, lagot ka.” “Wag ka na lang magsusumbong ah?" sabi ko rito sabay tawa.   “Oh 'di ayan, mas maganda ka ate kapag nakangiti ka.”   “Salamat, Sammy. Salamat..” sabi ko sabay yakap sa kanya. 'Yan ang kapatid ko. Wala na akong mahihiling pa na iba.  - - - - - - - -  Kinabukasan… Eto na naman ako. Nag-aayos na naman dahil nga may raket 'di ba? Pupunta na naman ako sa favorite kong place. Kung saan maraming lalake syempre. Sa mga bars at sa mga clubs. Kunwari enjoy-enjoy pero naghahanap lang ako ng mabibiktima ko. Nag-aayos na ako ng damit ko nang may kumatok sa pinto.. "knock! knock! Ate?" "Sino yan?" tanong ko rito. "Ate si Yumi 'to." Ang kapatid kong sumunod sa akin. "Pasok," tipid kong sagot dito. At pumasok nga si Yumi. "Ano kailangan?" tanong ko. "Ate, san ka pupunta?" tanong nito. "Ako? Aba edi maghahanap na naman ng pera," sabi ko habang nag aayos ng bag. "Ate naman, hindi ba pwedeng maghanap ka ng trabaho na maayos?" "Yumi, madaming maayos na trabaho diyan, oo pero aanhin ko naman ang mga 'yon kung maghihintay pa ako ng isang buwan para makuha ang sahod ko, kung may mas madali namang paraan, 'di ba?"  kinuha ko ang lipstick ko. "Inaalala ka lang naman namin ate eh." "Okay lang ako, ano ba kayo? 'Wag n'yo ko alalahanin. Oh, baka si nanay umalis na naman ah? 'Wag n'yo na palabasin at si tatay ay wala naman dito. Baka maghanap na naman si nanay eh alam n'yo namang hindi pa makakauwi si tatay." sabi ko habang nakaharap sa salamin at nag aayos ng buhok. "Ate, bakit nga ba hindi pa din umuuwi si tatay?" biglang natanong nito. Nagulat ako sa tanong ng kapatid ko. Oo nga naman. Bakit nga ba hindi pa din umuuwi si tatay? Samantalang lumipas na ang anim na buwan pero wala pa din sya. "Syempre naman, busy yon kaya hindi pa umuuwi." pagsisinungaling ko.  Alam ko naman kasi ang totoo eh.  Alam kong may ibang babae na si tatay kaya hindi na sya umuuwi at patuloy ko lang iyong pinagtatakpan dahil alam kong umaasa si nanay na uuwi si tatay kahit alam kong hindi na sya uuwi.  Ang saklap di ba?  Masaya kami, oo pero dati yon, nung kumpleto pa kami, pero ngayon unti-unti ng nawawala yon dahil sa mga nangyayari ngayon. "Sana naman ate umuwi na si tatay kasi nauubusan na kami ng sasabihin kay nanay eh." Malungkot na turan nito. Lumapit naman ako dito at niyakap sya. "Hayaan nyo lang si nanay. Ako ng bahala don ah?" sabi ko dito bago ako kumalas sa pagkakayakap nya. Tumango lang ito.   “Sige na. Asikasuhin mo na lang si nanay at nagmamadali na din ako..” 'Yun lang at lumabas na ng kwarto ko si Yumi. Pasaway kasing mga lalaki na to!  Hindi makuntento sa isa!  Bwisit! Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto ni nanay. "Nay.." "Saf, ikaw ba yan anak?" "Opo. Ako nga po." Nagulat kayo no? Bulag ang nanay ko este nabulag sya dahil sa asido na hindi sinasadyang matapon sa kanya nang minsang naglilinis sya ng banyo.  Hay. Ang careless di ba? "Alis po muna ako nay." paalam ko rito. "San ka pupunta? Magkikita ba kayo ni Nihori?" tanong ni Nanay sa akin. "Hindi po, nay. May aasikasuhin lang po ako. Mga papeles para mapabilis ang alis ko." Nagulat ulit kayo no? Oo totoo.  Papeles dahil mag-aabroad ako.  Desperada ako eh.  Bakit?  Gusto ko kasing makalimutan yung lintik na Alfie na yon kahit na iniiyakan ko pa din sya.  Dahil lang don di ba?  Ang o.a pero totoo. "Pumayag na ba si Nihori sa plano mo?" tanong na naman ni Nanay. Eto na naman kami.  Kailangan pa bang ipaalam kay Nihori yon?  Eh gusto na nga akong anakan nung hayop na yon eh.  Pero sorry na lang sya dahil hindi sya ang type ko.  Hello?! Di ba nga pineperahan ko lang sya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD