#2: Destined

1989 Words
Nakakainis at hindi ko nahingi yung contact number niya. Nginitian niya lang ako at sinabing.. wait! English e. Itatranslate ko na lang sa Filipino. Sinabi niya sakin na hindi niya basta-bastang ibinibigay ang calling card niya sa mga taong hindi niya naman kliyente. Hindi niya hawak ang kaso at someone na walang koneksyon sa Propesyon niya bilang Lawyer. Noong time na sinabi ko sa kanya na hindi na ako mag-pafile ng kaso regarding sa nangyari noong isang araw parang gusto ko na tuloy bawiin yung naging decision ko. Para lang magkaroon ako ng Contact sa kanya. Kahit loadan ko pa siya gagawin ko makuha ko lang Calling card niya. "Teka! Si gwapong Lawyer ba yon?" Kinusot-kusot ko pa yung dalawang mata ko dahil hindi ko sigurado kung siya ba talaga yung nakita ko. You know baka kasi nag-hahallucinate lang ako! At bigla ko siyang nakikita. Tinignan ko uli yung lalaking nakatayo at papasok na sa magandang kotse. Yan, yan ang kotse! Agad akong tumakbo papalapit sa itim na kotseng nakita ko. Para siguraduhin kung si August ba talaga yung nakita ko. And hindi ako nagkamali! Siya nga yon. Kinatok ko yung salamin ng sasakyan niya. Alam kong Tinted yung window niya kasi hindi ko makita yung tao mula sa loob. Agad naman niyang ibinaba yung bintana niya. "What! What do you want?" Aniya. Habang nakataas pa ang kilay. Oo nga, siya nga. Walang duda. Ang sungit e! "Hi, anong sadya mo dito?" Inayos ko pa yung buhok ko papunta sa tenga ko. "Just mind your own business." Diretsong sabi niya. Saka na akmang itataas na yung window nang kotse niya. "Uy, sandali lang naman, August." "What did you just call me?" Nilingon niya ako. Napangiwi na lamang ako sa naging sagot niya saakin. Opps! "August!" Ulit ko. "You don't have the rights to call me by my first name. We're not close. You're not even my Client." "Sungit!" Bulong ko. "Wait, What!" "Wala." Nakangiti pang sabi ko habang tinataas-taas ang dalawa kong kilay. "E teka, diba yun naman yung pangalan mo? Bakit ayaw mong tawagin ka sa first name mo, August?" Feeling close ka, Genesis!" "It's none of your business. Excuse me. I have an important things to do." "Psh." So yun nga tuluyan na siyang umalis, ayaw papigil e. Magkikita din naman kami uli at nararamdaman ko yun. Ano pa nga bang gagawin ko! Edi uuwi na't may raket pa ko. *** **** *** "Parang awa niyo na, bigyan niyo pa kami ng palugit." T-teka si Momsie ba iyon? Hindi ko siya totally maaninag dahil masyado akong malayo, pero sigurado akong boses nang Nanay ko yung narinig ko. Agad akong tumakbo para makarating na sa bahay. "Momsie, anong nangyayari dito?" Bungad ko. "Hindi mo ba, narinig anak? Pinapalayas na tayo!" Aniya at halos maiyak-iyak na. "Ano pinapalayas na tayo?" "Aray naman Momsie!" Batukan ba naman ako. "Bingi ka ba! Diba sinabi ko na ngang pinapalayas na tayo. Kailangan ko pa bang ulitin yun uli sayo?" "Hoy, Kuyang kalbo este Kuya pogi? Baka puwede namang bigyan niyo pa po kami nang kaunting palugit!" Ay, hindi ako sure kung pogi siya. "Palugit na naman? Aba, sobra na. Masyado na atang mahaba ang palugit na binigay ko sainyo. E kung hindi niyo ako mapapakitaan ng Titulo.. Katunayan na property niyo itong kinatitirikan ng Bahay niyo, Maganda na sigurong lumayas na kayo." Diretsong pag-kakasabi nito. "Bigyan niyo pa po kami ng kaunti pang panahon, para mahanap at maibigay sainyo yung Titulo na hinahanap ninyo!" Nagpapaawa pa ako kay kuyang kalbo. Hoping na sana maging effective. "O baka, gusto niyo pang umabot tayo sa demandahan niyan ano? Paaabutin pa ba natin ito sa Korte, Ms. at Misis?" "E nakikiusap na nga ho kami sainyo na bigyan niyo pa sana kami kahit kaunting panahon e!" Di ko napigilan at tumaas na ang boses ko. "Sinisigawan mo ba ako?" Tanong niya. Hindi ba halata? Buwisit. Hindi ko na alam kung paano ko kakalmahin ang sarili ko. "E hindi po. Nadala lang ako ng bugso ng dadamdamin. Please po, baka naman puwede pang mabigyan niyo pa kami palugit o?" "O sige na. Sige! Ito na yung huling pagkakataon na ibibigay ko sainyo. Kapag! Wala pa kayong naipakitang ebidensya na nag-papatunay na sa inyo itong lupang ito.. At pag nagmatigas pa kayo. Sa korte tayo sunod na mag-kikita!" "Opo, opo." "Maraming salamat po! Salamat po talaga." Pag-papasalamat ni Momsie bago pa man makaalis yung Lalaki. Umalis na yung mamang kalbo. At sandali namang napanatag ang kalooban ko nang mga oras na yon. ''Momsie." Napatingin ako sa kanya. "Lorina, anak. Paano na kung mapalayas tayo dito? Paano na kapag wala tayong napakitang Ebidensya gaya nang hinahanap nila saatin?" Alam kong sobra nang nag-aalala ang Nanay ko sa problema naming ito. Pero hindi ko pa talaga malaman kung paano at ano ang gagawin namin! "Huwag kang mag-alala, Momsie gagawa po tayo ng paraan. Mahahanap po natin yung sinasabi nilang Titulo." Sabi ko saka siya niyakap. Sana talaga! Dahil hindi ko na alam kung saan kami pupulutin pag nangyari yon. "Sige na Momsie, Aalis na muna ako at may raket pa akong pupuntahan sa kabila." Paalam ko dito. At agad nang umalis, bitbit ang ilan sa mga gamit ko. "Sige anak, Mag-iingat ka." Aniya saka ito ngumiti saakin. **** *** **** "Ate, puwede po bang rumaket dito? Tutulungan ko po kayo sa pagbebenta ng mga Tinda at produkto ninyo. Igagala ko po banda dito, Iaaalok po natin sa mga taong dumadaan. Pwede po ba?" Tanong ko dun sa babaeng nasa tapat nitong maliit na Tindahan. "O sige,sige." Sagot nito saakin. "Maraming salamat ho.'' Nakangiti ko pang sabi. ''Sige, mag-umpisa kana. Kapag nakadami ka nang benta malaki ang ibibigay ko sayo.'' "Sige po, Salamat po!" Kailangan kong gawin yung mga ganitong bagay para makaipon ako. Para makatulong naman ako sa Nanay ko. Lalo pa ngayong may problema kami sa bahay! Hayy.. Kakayanin, dahil kailangan. Noong una walang masyadong lumalapit at pumapansin sa mga inaalok kong produkto, pero hindi naglaon nagdagsaan na yung mga tao. Para akong nanlilimos sa ginagawa ko. Pero I have no choice kung hindi ang gumawa ng paraan para makaipon ako para sa ilang mga pangangailangan namin ni Momsie at the same time para sa ilang mga gastusin ko sa School. Hindi naman ganoong kalakihan ang gastos ko sa Eskuwelehan dahil scholar naman ako pinapasukan ko. Tapos Student Assistant pa. So kahit paano parang libre na rin yung ibang mga dapat na ako mismo ang magbabayad sa University like miscellaneous, books etc. Tapos medyo dagdag pasakit pa saamin yung lupang tinitirikan nang bahay namin. Na kailangang maayos na namin at magawan na rin ng Paraan. Nang sa ganon, Hindi kami mapalayas. Kami na lang ng Nanay ko ang mag-kasama sa buhay. Ni hindi ko rin nakilala ang Tatay ko. Kahit na isang beses or kahit noong maliit pa ako. Wala akong memory tungkol sa kanya. Pero ang explanation saakin ni Momsie about sa Tatay ko is.. Iniwan niya kami maliit pa lang ako, Siguro sanggol na sanggol pa ako noon.. kaya wala akong kahit na anong maalala tungkol sa kanya. Growing up naman.. Hindi ako nag-tanim sa kanya ng Sama nang loob. Kahit na hindi naging maganda yung background ng Pamilya namin, dahilan noong iniwan niya kami ni Momsie. Ang malinaw lang saakin e.. Habang lumalaki ako at nagkakaisip paulit ulit na sinasabi saakin ng Nanay ko na kahit na iniwan siya ng Tatay ko at hindi ko siya nakilala. Never siyang nagpakita saakin. Huwag na huwag akong magkakaroon ng galit sa puso ko dahil sa ginawa niya. Wala kaming balita tungkol sa kanya, Wala akong ideya kung buhay pa ba siya. Nasaan siya o kung may bago na siyang Pamilya. Basta ang Tatay ko ang dahilan kung bakit kahit paano may bahay at lupa kami. At sobra yong ipag-papasalamat sa kanya. Dahil kahit na paano hindi pa rin niya kami pinabayaan ng Nanay ko. Kaya lang problema namin kung saan hahanapin yung titulo na hinahanap saamin. Kung paano namin ilalaban ng maayos yung malinaw na dapat para naman saamin kasi may karapatan kami kaya lang wala pa kaming maipakita na Evidence. **** *** **** "Ate, ito na po yung mga naialok at mga naibenta ko. Ito na rin po ang listahan." Masigla ko pang bungad sa kanya. "Aba, ayos ah? Ubos na ubos." Nakangiti niyang sabi sakin. "O ito hija, Ayan ang parte mo sa mga naibenta mo." "Salamat po.'' Nakangiting sabi ko dito. "Walang anuman, hija. Maraming salamat rin sayo!" Nakangiti niya ring pagkakasabi sakin. *** **** **** "O Tamang-tama ang dating mo Gene. Maraming customer! Hala sige, Dumiretso ka na muna doon sa Kitchen's Counter.. Kunin mo yung mga order at Iserve mo sa Customers." Bungad sakin ng Manager dito sa Bar. Oo. Tama kayo.. Nag-tatrabaho ako sa Bar na ito bilang Waitress. Restaurant bar dito along Manila. Aba! Syempre hindi pwedeng isa lang yung source of Income ko/namin. Hindi pwede ang sapat na, kung maaari dapat sobra kahit paano. "Sir, Here's your order po." Nakangiti kong bati doon sa Customer. Saka Isinerve sa kanila yung orders nila. "Thank you." Reply noong Customer saakin. Bago pa man, ako Nakaalis at makabalik sa Kitchen may tumawag sakin. "Miss, puwedeng makahingi ng Tubig? Salamat." Saka naman ako tumango rito. "Excuse me po, makikiraan lang." Haay! Ang hirap magserve, lalo na kapag ganitong maraming tao at dagsa kami. "Ma'am, Tubig po." Inilapag ko na yung tubig saka agad bumalik sa Counter. Habang wala pa akong uling Orders na natatanggap, pumwesto na muna ako doon sa tabi ng Bartender. "Gene!" Tawag sakin ng isang pamilyar na boses. "O? Rica, Andito kana pala. Kanina ka pa?" Tanong ko dito. "Hindi naman, Halos kararating ko lang rin. Pero teka, teka wag yan yung intindihin mong ikamusta saakin." Nakangiti pang sabi nito. "Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko. "Kamustahin mo naman yung gwapong lalaking nandoon o?" Aniya at parang kinikilig pa. "E bakit, Hindi ikaw ang kumamusta? Ikaw naman ang unang nakakita." Pagsusungit ko. E.. ang kulit e! "Miss, Isa ngang beer." Saka ko naman tinake ang Order ng Isang lalaki. "Sir, Ito na po." Abot ko dun sa lalaking umorder. "Gene, Tignan mo na kasi!" Pangungulit niya pa. "Ano ba kasi, Rica! Nagtatrabaho tayo dito oy. Umayos ka nga!" Sabi ko rito nang medyo naiinis na. "Dali na! Ito naman, malay mo makrasan mo." "Hay nako! Ewan ko sayo. Ang kulit mo! Tigilan mo ako sa kakaganyan mo." Sinubukan kong lingunin yung lalaking sinasabi ni Rica. Out of curiosity.. Pero imbis na yung lalaking nakatingin saakin na sinasabi ni Rica ang makita at mapansin ko, Yung lalaking nasa tapat niya ang unang nakita ng mga mata ko. T-teka! Tama ba yung nakikita ko? Siya ba talaga yun? Teka nga! "O diba, Gene sabi ko sayo gwapo diba?" Singit uli ni Rica. "Teka nga! Huwag ka na nga munang maingay diyan. Nakita ko na e!" Sabi ko naman sa kanya. "Ayiee! Type mo ano? Sabi ko sayo e!" Dagdag niya pa. "Ssh.." Pagpapatahimik ko sa kanya. "August?" Bulong ko sa sarili. Tama ba ako ng nakikita? Si August ba talaga ang isang yon?! Teka, sandali. Tinignan ko pang maigi yung lalaking nakaupo na hindi kalayuan mula dito sa kinatatayuan ko. Oo tama nga ako. "August!" Sigaw ko sa pangalan niya na para talagang siguradong-sigurado na akong siya yung taong nakita ko. "Teka, girl kilala mo yon?! Ikaw a? May hindi ma sinasabi saakin." Aniya habang kinakantsawan pa rin ako. Oo tama! Siya nga yung taong yon. Hindi ako puwedeng mag-kamali. Ngiting-ngiti ako nang makita ko siya. Daig ko pa ang nanalo sa Lotto. Feeling ko mapupunit na ang bibig ko sa pag-ngiti! Hindi man niya ako narinig pero ako nakita ko siya at sigurado akong siya nga yun! Sinasabi ko na nga at Magkikita uli kami. Ay, mali! Makikita ko pala ulit siya. Hihi. Haay! Tadhana na ba ito para saamin? Pero teka.. Nagpupunta pala siya sa mga bar na katulad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD