"Babe, Uwi kana hindi na ako galit."
Kunwari hindi ko na lang narinig. Pero sobra talagang nag-pantig ang mga tainga ko.
Napapairap na lamang ako habang patuloy ako sa paglalakad.
Galing kasi ako sa palengke, dahil inutusan ako ni Momsie na mamili ng ilang ingridients para doon sa lulutuin niya. Ang init-init sa palengke. Siksikan at napakaraming tao tapos ganyan pa ang mga makakasalubong at maririnig ko? Oh well, Kailan ba nawalan nang mga ganyang klase ng tao sa paligid?! Mga bastos!
"Suplada" Singhal nito saakin at hindi pa rin siya pinansin. Ewan ko sayo! Mag-take ka muna ng Gluta Leche! Nakakabuwisit. Nasisira ang araw ko.
Hindi ko talaga alam kung bakit may mga ganyang klase ng tao at kung bakit parang Virus sila na dumadami. Tss... Ang lakas ng loob! Hindi na nga gwapo, mukha pang hindi naligo ng sampung araw.
Mas gwapo pa yung mga Isdang nakita ko doon sa palengke e! E itong isang 'to... Wala na ngang ka-appeal apeal. Bastos pa!
"Aba! Porket maganda ka?" Uy, Thank you for the compliment. Isip-isip ko. Hindi pa rin siya pinapansin pero mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko.
"Miss, Baka naman puwede kong makuha yung cellphone number mo?" Nagulat ako nong biglang sumingit ang pag-mumukha nito sa harapan ko.
"Kuya, Huwag kang magulo! Nag-mamadali ako." Nainis na talaga ako kaya nag-salita na ako.
"Cellphone number lang e! Ang damot mo naman." Napapakunot na lamang yong Noo ko.
"Ahh. Matigas ka ah? Puwes papakinabangan na lang kita!" Bigla itong lumapit saakin at hinila ako nito sa braso.
Teka... Ito yung mga nangyayari sa mga Teleserye yung mga napapanood ko sa TV. Shocks!
"Bitiwan mo ako, Kuya!" Pinaghahampas ko siya ng hawak kong bayong! Oo Bayong ang bitbit ko. Iyon kasi ang pinabitbit saakin ni Momsie para doon sa mga bibilhin ko. Pero hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon e... Magagamit ko siya!
"Yan, sige lumaban ka saakin. Tignan natin kung hanggang saan yang tapang mo!" Napatingin ako doon sa Sasakyan niya. Hinihila niya kasi ako sa direksyon kung nasaan yon. Napaismid na lamang ako nang makita ko yung Owner, Ang Chipay ng sasakyan ah? Diyan niya ako pasasakayin? Ang panget ah! Ang bulok. My ghaaaaad!
Take note! Hindi lang siya basta Owner. Ang dumi parang Isang taong walang daan sa Car wash parang siya. Walang ligo. Mukhang mabaho.
Shet tulong! Natatakot na ako. Can someone help me?
"Rape! Rereypin niya ako. Tulong! T-tulungan niyo ako. Bastos ka, bastos!" Nag-sisigaw ako, pero parang walang nakakarinig saakin.
"Maarte ka ah? Akin ka ngayon. Halika dito! Papakinabangan natin yang kinis at ganda mo. Jackpot ko naman sayo! Ang ganda-ganda mo. Ang bango-bango." Shocks! Nakakadiri to si Kuya. At talagang nag-kagat labi pa siya ah? Napapakit na lang ako dahil doon sa nakita ko. Akala mo talaga kung sinong gwapo e! Kadiri, Nakakatakot Uwaa. Manyak! Tuloonggggggg
HELPPPP....
"Tulong! Rape, rape." Naiiyak na ako. Patuloy pa rin niya akong hinihila, pero pilit ko ring hinihila papalayo ang sarili ko sa kanya.
What the! Wala ba talagang lalapit saakin para tulungan ako dito? Sasapakin ko na 'to! Hindi ako nag-jojoke, Mga Walanjo!
"Kuya, tumigil ka! Sasapakin kita pag hindi mo ako binitiwan? Ano!" Banta ko sa kanya. At namanage ko pang mailabas yung prutas mula doon sa bayong na dala-dala ko at pinag-pupukpok sa yon mukha niya.
Napatigil ako sa ginawa ko. At nanlaki ang mga mata niya saka nito ipinahid ang isa niya kamay sa kanyang mukha.
Ano masakit diba? Chance ko na sana para makatakbo at makalayo doon.
Pero nagawa niya ulit akong mahawakan at pinaghihila pa ako nito lalo para ipasok doon sa Sasakyan niya.
"Ayoko, sabi diyan. Bakit ba ang kulit mo ha?!"
"Halika dito!"
"Bakit! Ano bang gusto mo? Gusto mo bang ihampas ko pa sayo itong mga hawak ko!" Matapang ko pang sabi.
"Sumama ka sakin, Idedemanda kita! Sinira mo yung mukha ko!" Hinatak niya pa ako ulit hanggang sa mapaupo na ako roon.
"Excuse me? Ikaw pa talaga ang may ganang mag-demanda saakin? Samantalang ikaw itong nang-haharass at papansin simula kanina? Bastos ka! Bitiwan mo sabi ako! Maskit na ha!" Reklamo ko pa sa kanya saka ko hinampas yung kamay niyang nasa braso ko.
"Hey, Did you hear what she says?" Napalingon naman agad ako doon sa taong bigla na lamang nagsalita.
"Hoy! Anong sinasabi mo!" - Kuyang chipay.
"Republic Act 7877, otherwise known as the Anti-s****l Harassment Act of 1995. Section 3 of RA 7877 defines s****l harassment. Anti-s****l Harassment Act of 1995 that criminalizes unwanted s****l attention" Nag-tataka at napatulala na lang yung Lalaking kaninang Nang-Harass saakin.
Nalula siguro. Don't worry the Feeling is Mutual!
"I'm her Lawyer. Atty. August Jeremy Monteverde" Teka, teka Anong sabi niya? L-lawyer ko? As in KO? Megheeed! Salamat sa gwapong ito. You saved my life!
"Sumama ka saakin." Saka ako nito biglang Inakay papalayo doon sa buwisit at bastos na lalaking yon.
Ang bango niya lang!
"T-teka! San mo ako dadalhin?" Pero hindi niya ko pinansin at tila walang narinig galing saakin.
"Balikan natin siya. Hindi pwedeng ganon na lang yun, binastos niya ako. Hinarass niya ako!" Singhal ko rito.
"Just Shut your mouth up" Edi shut! Hmp.
Shets, ang gwapo niya. Ang bango-bango pa, Ano ba!
*** **** ***
"Ano? Siya dapat ang idemanda dito, Sir. Tignan mo nga yung inabot ko o?" Pinandidilatan ko lang siya ng mata. Aba ako pa ang marireklamo dito?
"You sure about that? What you are doing is actually an harassment! s****l. Harrasment. We can also file a case against you. Which is Kidnapping, for what you are doing to her. You don't have any idea about it? Kidnapping is the unlawful seizing or taking away of another person against that person's will and Harassment is offensive, belittling, threatening, or otherwise unwelcome behavior directed at someone. It is unwanted behaviour which you find offensive or which makes you feel intimidated or humiliated."
Uhumm .. Yung kidnap lang yung naintindihan ko sa mga sinabi niya. Charot!
"Kidnap me? I'm not kidnap to!" Saka ako tinuro ni kuya at tumingin sa direksyon ko.
"But, based on what I heard from her statement, You attempted to kidnap and raping her. What's your last name?" Biglang tanong nito saakin.
"Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko. Teka hindi ako ready doon ah?
"Oo." Marunong naman palang managalog bwisit. Kanina pa English ng English e
"G-genesis Talina." Sagot ko.
"As her Lawyer Puwede ka naming Sampahan ni Ms. Talina. Harrasment and Kidnapping"
"Pero, Sir. Walang kidnap na naganap at saka rape? Bakit niyo ko kakasuhan? Yan ang dapat kasuhan dahil sa ginawa niya sa mukha ko."
"Sumama ka saamin. Doon tayo mag-paliwanagan, sa Police station. Mukhang hindi pa malinaw sayo yung mga paliwanag ko."
"Hindi pwede to!" Reklamo naman nito.
"Sa prisinto na po kayo magpaliwanag!" - Mamang Pulis. Tumawag si Attorney ng tulong kanina sa mga Pulis para matulungan kami sa sitwasyong kinahaharap ko.
"Ma'am, Sir sumama na rin po kayo samin para makuhaan namin kayo ng malinaw na statement."
*** **** ***
"Sige, Ma'am pwede niyo po bang ikwento saamin ang nangyari?" Tanong ng pulis.
"As in ikukwento ko lahat?"
"Opo."
Tinignan ko muna yung Lawyer baka kasi biglang mawala e.
"Tell everything."
Shocks! Ang cute niya. I'm falling. Acck!!
"Naglalakad po ako sa kalye para umuwi na galing palengke. Tapos itong lalaking to, kung anu anong pangbabastos na salita na ang sinasabi saakin. Malinaw na Cat calling yun diba? Pero hindi ko na po pinansin! Syempre para hindi na po ako mapahamak. Dinedma ko na lang yung mga naririnig ko. Akala ko ho, titigilan na niya ako pero nagsalita siya ulit at nagpatuloy sa mga pangbabastos niya saakin. Hindi ko na ho siya pinansin uli. pagkatapos nagalit siya saakin. Yang panget na yan at hinila-hila ako para ipasok sa kotse na hindi ko alam kung kanya yun o baka Carnap niya pa! Nagpumiglas po ako kaso ayaw niya kong bitawan saka niya sinabing pakikinabangan niya na lang po ako kaya sumigaw ako at sinabing rerey--"
"Sinungaling ka Miss. Anong rape ang sinasabi m----"
"Hoy, leche doon na rin yun papunta. Pakikinabangan mo kamo ako? Jackpot ka kamo saakin? O kayo, mga Sir anong iisipin niyo doon sa mga sinabi niya? Hindi ba malinaw na pang-babastos na yun!" Paliwanag ko. Sobra yung ginawa nang Taong ito saakin. Imbes na kanina pa sana ako nakauwi ng Bahay.
"She has a point, Sir. That's Physical Harassment" - Lawyer (yung pogi) Hihi.
"E saan mo naman nakuha yang mga sugat na yan?" Tanong naman noog Pulis.
Patay! Pero hindi ka dapat matakot, Genesis. Dahil at first.. Ikaw naman talaga ang biktima.
Inunahan ko na siya. Oo ako na ang nagsabi sa pulis.
"Ako po, ang dahilan. Pinagtanggol ko lang ho ang sarili ko sa kanya!"
"Sinungaling! Hinila-hila kita kasi pumasok ka sa bakery ko, kumuha ka ng tinapay at hindi nagbayad kaya kita hinabol."
"Hoy, Ang kapal ng mukha mo. Sa ganda kong to. Mukha ba akong magnanakaw ng tinapay? Mukba akong walang pambili ha!"
"At saka kung kailan nandito na tayo sa prisinto iniiba mo ang kwento. Baka gusto mong dagdagan ko yang sugat sa mukha mo! Ang kapal nito!" Saka ko siya inirapan. Nanggigigil na ako ah? Nakaka-highblood.
"Sir, Sa sinasabi mong yan.. Mas lalo mong dadagdagan ang kasong maaari naming isampa sayo!" Rinig ko pang pag-kakasabi nitong Poging lalaki.
"E hindi naman basehan sa ganda ng mukha kung ano ka. Malay ko bang magnanakaw k--"
"Aba't Walanghiya ka pala e! Oo Pobre ako pero wala kang karapatan para sabihan ako ng ganyan. Ikaw ang tumingin sa itsura mo! Dahil mukha kang takas dito. Hoy! Itsura mo palang mukha ka nang gagawa ng hindi maganda. Nagdamit ka lang nang maayos pero mukha ka pa ring gagawa ng hindi kanais-nais! Ngayon Sir, Ngayon niyo sabihin sakin kung sino ang mukhang Magnanakaw samin? Rapist!" Hmm.. akala niya ata uurungan ko siya.
"I saw what happened. Pilit niyang kinakaladkad si Ms. Talina papasok sa Sasakyan niya. Kahit bumalik pa tayo mismo sa pinangyarihan, maraming witness sa ginawa mo." Statement ng gwapo kong Lawyer. Ehehez.
"O sige, para matapos na to. Anong mga kasalanang ginawa nito bukod sa malinaw na Harassment! - Pulis.
"Physical harassment, Attempted rape and Kidnapping."
"O ano pang hinihintay niyo posasan na to." Rinig naming sabi nong isang Pulis doon sa mga kasama niya.
"Teka, Sir ang bigat naman ata non?" Aba't nagreklamo pa siya! Tss..
"Teka lang po! Wala ba akong karapatang magkaso sa babaeng yan?" At talagang humihirit pa ang isang to?! May balak pa siya niyan?
"Hoy! Dapat lang sayo yan. Kumpara sa ginawa ko sayo.. Kung ayaw mong makulong at ymabot sa ganitong sitwasyon.. Sana inisip mo muna lahat bago ka gumawa nang Kalokohan!" Dagdag ko pa.
"Sige Sir, Salamat sa pag-report nito saamin. Asahan niyong hindi na makakapang-biktima pa nang iba to. Babalitaan po namin kayo, tungkol rito!'' - Pulis.
"Thank you, Sir. See you On Court!" *smirk*
"Court?" - Ako.
"Sa labas na natin pag-usapan, Ms."
***
"August!" Tawag ko sa kanya. Yun lang kasi yung naaalala ko nang magpakilala siya kanina.
"What do you want?" Lingon niya. Halata ang pagkabadtrip sa itsura niya.
"Hindi na ako magsasampa ng kaso sa panget na yun. Hayaan mo na lang siya wala lang magawa sa buhay niya yun."
"Seriously? Pag-katapos ng pangyayaring yun?" Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.
Napabuntong hininga siya at nagsalita.
"Okay, If that's what you want. Ako na lang ang bahala roon." Aniya at aalis na dapat nang higitin ko ang isang braso niya.
"Teka lang!" Halatang inis na siya sakin pero nginitian ko lang siya. E sa type ko siya e.
"What?" Tanong niya.
"Pwedeng mahingi yung Contact number mo?"