Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman kong huminto ang sasakyan. Nag palinga-linga ako at nakita kong nasa isang bahay kami na kamukha nang bahay ni Sean na nakita ko. Gawa ito sa kahoy, at parang mukha itong tree house dahil may naka paloob na puno sa loob ng bahay kaya nag mukha itong presko. Tumingin ako kina Thalia at Liam na pareho pa rin tulog hanggang ngayon. Si Arthur naman ay nakita kong nasa ilalim ng puno habang naka-tulala na animo ay maraming pino-problema at bitbit niya lahat ng hinanakit sa mundong 'to. Inalis ko ang seat belt na suot ko at bumaba ng kotse. Nang bumaba ako sa kotse ay malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin kaya pinag dikit ko ang mga palad ko at pinag kiniskis ito dahil nilalamig ako. My pupils dilated with full amusement and astonishm

