Ilang oras pa akong nag hintay ro'n, hindi ko pinansin ang lamig at pag patak ng ulan. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang masakit na nararamdaman ko sa aking puso. Do I deserve this kind of pain? Hindi tumutugma ang sinasabi ni Sean sa ipinakikita niya. Kung mahal niya talaga ako, sana pinigilan niya akong umalis. 'Di ba? Ang kaso, hinayaan niya akong malayo sa kaniya. Ano nga ba naman ang karapatan at papel ko sa buhay niya? I'm just a janitress in his company, wala na akong dapat ipagpantasya. Now, he already found the happiness he deserves... And it isn't in my hands... But in other. Bahagyang kumirot ang puso ko ro'n. Hayaan ko na lang siguro, at least sumaya ako kahit papaano sa ilang araw na iyon. Naramdaman ko yung pagmamahal na gusto kong marandaman mula kay Sean, and n

