Binuhat niya ako papunta sa loob. Pumipiglas ako para bitawan niya ako ngunit mas hinigpitan niya pa ang hawak niya sa 'kin. “Ibaba mo 'ko, please?” pakiusap ko sa kaniya at pinipigilan na lumandas ang mga luha ko. Tumango ito at napasinghap, dahan-dahan niya akong ibinaba sa sahig. Nandito kami ngayon sa hallway, hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin? Gusto ko na lang bumalik ng building para mag lampaso na lang doon. Nakakahiya ang pangyayari kanina. Hinawakan niya ang kamay ko at hinihila ako, hinayaan ko siyang hilahin ako. Hawak-hawak ko sa isang kamay ang sandals kong nasira. “Sean?” Bigla naman may tumawag sa kaniya kaya napatingin kami sa likod. Isang babaeng naka pulang bestida at halos lumuwa na ang dibdib nito sa kaniyang suot, naka messy bun ang kaniyang buhok a

