Ayaw kong bumangon. Iyon ang unang naisip ko nang nagising ako. Hindi ko pa nadidilat ang aking mga mata, ramdam ko ang mabigat sa may dibdib ko. Nalalanghap ko ang bango ng kaniyang balat. Unti-unti akong dumilat at nakita ko si Sean na nakapalupot ang kaniyang braso sa akin at nasa dibdib ko ang pisngi niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. Sa kaunting galaw ko ay gumalaw rin siya. Hinalikan niya ang noo ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagka yakap sa 'kin. Naiilang ako sa ginagawa niya! “Sean..” tawag ko sa kaniya. “Hmm?” sagot nito. Kinalas ko ang mahigpit at mabigat niyang braso na nakapalupot sa 'kin. Nahirapan pa ako sa pag-angat nito. Bumangon ako at kinusot ko ang mga nanlalabong mga mata ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Bumaling ak

