CHAPTER 5

1636 Words
Napa-ahon ako sa pagkakahiga dahil naramdaman kong naduduwal ako, kaya naman dali-dali akong tumayo sa hinihigaan ko at patakbong tumungo sa banyo. Naramdaman kong bumabaliktad ang sikmura ko at ang pagkirot ng ulo ko, iniluwal ko lahat ng laman ng tiyan ko. Napahawak ako sa sentido ko at inaalala lahat ng nangyari kagabi, ang tanging naalala ko lang ay ang mag kasama kami ni Thalia. Napasandal ako sa may dingding at ipinikit ang mga mata ko, bahagya akong napasabunot sa buhok ko dahil ramdam na ramdam ko ang pag kirot ng mga ugat ko sa ulo. “Thalia?” Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at umayos ng pagkakatayo. Bigla naman bumukas ang pintuan kaya napatingin ako ro'n. “Ayos ka lang ba? Ano'ng nangyari sa 'yo?” alalang tanong ni Arthur. “Masakit lang ulo ko, t'yaka sikmura. Ano bang ginawa natin kagabi?” takang tanong ko. Nakita ko naman na ilang beses napalunok si Arthur kaya naman kunot noo akong tumingin sa kaniya. “Oh? Baket?” kuryosong tanong ko. Kunot noo rin itong tumingin sa'kin. “Hindi mo alam?” Umayos ako ng tayo at nag lakad na palabas ng banyo. “Ang alin?” takang tanong ko at nag lakad patungong kama at umupo ro'n. “Ah, hindi mo maalala?” Bahagya naman akong natawa. “Bobo ka talaga, Arthur. Itatanong ko ba kung naalala ko?” Humiga naman ako sa kama at tumingin sa kaniya. Narinig kong bumuntong hininga ito at napahilot sa kaniyang sentido. “Nag halikan tayo kagabi,” iwas tingin nitong sambit at kahit pabulong ang pagkakasabi niya ay rinig na rinig ko kaya napaahon ako sa pagkakahiga sa kama. “U-ulitin mo nga 'yong s-sinabi mo?” utal na tanong ko at hinihimas-himas ang labi ko. “Ang sabi ko, nag halikan tayo kagabi,” walang emosyong sambit nito. “As in, yung mwua mwua? 'Yung hmm hubo't hubad? Gano'n ba?” kabadong tanong ko sa kaniya at tinatakpan ang katawan ko. “Kaya s-siguro ako nasusuka dahil... B-buntis ako? Kase ano ginawa natin 'yon?” Humagalpak naman sa tawa si Arthur habang nakahawak pa sa kaniyang tiyan kaya naman kunot-noo akong tumingin sa kaniya at nagtaka sa kaniyang inasta. “B-baket?” tanong ko sa kaniya. “Asa ka naman na titikman kita?” Tumawa siya nang tumawa. “T'yaka nag-aral ka naman, alam mo naman na hindi mabubuntis ang tao kung walang s****l intercourse, 'di ba? Eh, halik lang 'yon. Mabubuntis ka ba sa laway ko?” naluluha sa tawang sambit nito. “T'yaka sa sobrang kayabangan mo sa pag inom kagabi, nag passed out ka. 'Di naman kase kaya iinom pa, kaya ako 'tong kumarga sa iyo kagabi. Nakuha mo pa 'kong sukahan,” dugtong nito. Napalunok ako ng sunod-sunod at ramdam kong uminit ang pagmumukha ko sa kahihiyan. Hindi ba nahihiya 'tong gago na 'to kase nag halikan kami kagabi? Malamang! Paano mahihiya 'to eh makapal pa sa makapal ang pag mumukha ng ungas na 'to. Tumingin ako sa kaniya at mabilis din nag iwas tingin. “L-lumayas ka nga rito, Arthur. Gawa-gawa ka na naman ng kwento, asa kang hahalikan kita.” “Ba't mo ako pinapalayas dito, sa'yo ba bahay 'to? At isa pa ha, hindi ako gumagawa-gawa lang. Sinamantala mo nga kahinaan ko kagabi, sarap na sarap ka sa labi ko. Itanong mo pa kay Thalia! Oh, ano?” sambit ni Arthur. “Umalis ka rito, masasapak kita!” sigaw ko sa kaniya kaya gulat siyang napaatras habang hawak ang kaniyang dibdib. Wala naman siyang nagawa kaya naman mabilis siyang umalis sa silid na ito at iniwan akong tulala. Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng kapal ng mukha para makipag usap muli sa mokong na 'yon. Ba't naman namin gagawin 'yon, hibang ba siya? Napahiga akong muli sa kama at napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas nueve na, wala kaming trabaho ngayon dahil sabay-sabay kaming tatlo ng schedule ng trabaho, at day off namin ngayon dahil linggo ngunit sabi sa amin ni Thalia na mas maraming kikitain at tip kung may trabaho ka sa linggo dahil mas dumaragsa ang mga tao ro'n sa bar. Ngunit wala naman kaming magagawa dahil hindi naman pagmamay-ari iyon at hindi naman namin mapipilit na bigyan kami ng trabaho tuwing linggo. Bumukas naman ang pinto at napatingin ako ro'n, si Thalia iyon na may inumin. Lumapit siya sa 'kin at bigla siyang pumalad, dahan-dahan naman akong tumayo at tinignan kung ano iyong nasa palad niya. Nakita kong gamot iyon. Kinuha ko ang gamot na nasa palad niya at ang isang basong tubig na dala niya, mabilis kong ininom iyon. “Salamat,” naka ngiting sambit ko kay Thalia. “Ayos ka lang ba? Nag away na naman kayo ni Arthur? Daig niyo pa yung aso't pusa,” sambit nito at umupo sa tabi ko. “Kaya ko kayo naaasar minsan, tingnan niyo naman mga galawan niyo, daig niyo pa 'yong mga kabataang humaharot! Baka magising na lang kayo bigla, mahal niyo na isa't-isa,” natatawang sabi ni Thalia. “Ha?! Jusko! Hindi na lang ako mag nonobyo kung si Arthur ang ibibigay sa'kin ng may kapal,” sambit ko sabay sapo sa aking noo. “Gwapo naman si Arthur, ah?” pangungumbinsi nito sa akin. Malakas akong tumawa at umiling-iling. “Yak! Anong gwapo ro'n, mukhang kulangot!” pag tatanggi ko. Pero may itsura naman talaga si Arthur, hindi ko lang talaga tanggap 'tong sinasabi ni Thalia. Dahil para sa 'kin ay si Arthur ang pinakapangit na tao sa buong mundo. “Anong yak ka diyan? Baka lunukin mo bigla pinagsasabi mo kapag na in love ka ro'n,” naka ngising sabi ni Thalia at pinag krus ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib. “Duh! Kahit kailan 'di ako mahuhulog diyan! Nek nek niya, suwerte ng ulol!” Humagalpak naman sa tawa si Thalia sa sinabi ko. “Ah, talaga ba? Kaya pala kagabi sarap na sarap ka sa halikan, ha?” Bigla naman akong natahimik sa sinabi niya. “H-huh? Ano'ng pinag sasabi niyo? Wala akong maalala na nangyari kagabi, so ang ibig sabihin lang no'n ay wala talagang nangyari. Okay? Alright!” sambit ko at tumayo sa pagkakahiga, mabilis akong nag lakad at lumabas ng silid na 'yon. Nag tungo ako sa may sala ni Thalia at umupo ro'n. Mayaman ang pamilya ni Thalia, ngunit sa kagustuhan niyang hindi umasa sa pamilya at gusto niyang mag desisyon sa sarili niyang pamumuhay ay humiwalay siya sa kaniyang mga pamilya. Ngunit sa sobrang mahal siya ng magulang niya ay ibinigay pa itong spanish style na bahay sa kaniya, bahay pa ito ng kaniyang mga yumaong lolo. Naglakad ako papuntang kusina at may naamoy na mabango kaya dali-dali akong pumunta sa kusina at naabutan si Arthur na may niluluto. “Wow! Adobo!” masayang sambit ko at umupo sa isang silya. “Para sa'kin ba 'yan?” naka ngiting tanong ko. “Luh? Ano ka doña?” natatawang sabi nito. “Walang para sa'yo, kung gusto mo mag luto ka ng iyo,” naka ngising sambit nito at tinikman ang niluluto niyang adobo. ”Hmm, sarap,” nang aasar na sambit nito. “Napaka-gago mo talaga, Mc Arthur! Dapat hindi mo na sinabing “I shall return” Tanginamo! Lumayas ka rito!” sigaw ko kay Arthur at dinamba siya sa likod. Pinagkrus niya naman ang mga kamay niya at ginawang pang depensa iyon. “Aray! Inaano ba kita—aray! Anak ng tokwa, wrestler talaga! Aray!” inda ni Arthur dahil pinagkukurot ko siya sa may balakang niya. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at sa isang iglap lang ay yakap na niya ako. Naka talikod ako sa kaniya at ramdam ko ang mabilis na pag t***k ng kaniyang puso at ang kaniyang hininga sa may leeg ko. “Samarah, Arthur! Kain na tayo— Omygod!” Nanlaki ang mga mata ni Thalia at napa takip siya ng bibig dahil siguro sa nakitang posisyon namin ni Arthur. Mabilis akong kumalas aa pagkakayakap ni Arthur sa'kin. “H-hindi gano'n 'yon! Mag papaliwanag ako, kase ganito 'yon! Ayaw niya akong bigyan ng adobo!” Tinuro ko pa si Arthur para alam niya ang tinutukoy ko. “Tapos pinagkukurot ko at dinamba ko pa sa likod, hinawakan niya ako sa pulsuhan t-tapos biglang ano ayon! Yakap na niya 'ko!” pag papaliwanag ko kay Thalia dahil alam kong bibigyan niya ng malisya ang nakita niya kanina. “Sobrang defensive naman nito,” naka ngising sambit ni Thalia “Aba! Baka sabihin mo nahuhulog na ako rito sa gunggong na 'to? Yak! No way!” sigaw na sambit ko. “Alam mo, Samarah? Ang daldal mo,” walang emosyong sambit ni Arthur. Napatingin naman ako kay Arthur na wala pa lang damit kaya kitang-kita ang mga abs niya at nakasuot lamang siya ng maliit na short kaya naman kita ang umbok niya. “Malulusaw 'yan,” sambit ni Arthur. Tumingin naman ako sa kaniya at naka ngisi ito sa'kin kaya naman napalunok ako at nag iwas ng tingin. Sumosobra na 'to! Kanina pa 'to! Napakagat ako sa labi at nilaro-laro ang mga daliri ko sa likod ko habang iginagala ang mga tingin ko sa loob ng bahay ni Thalia para maiwasan ko ang presensya ng gunggong na 'to. “Osya, tara kumain na tayo. May pupuntahan tayo mamayang gabi, treat ko na,” naka ngiting sambit ni Thalia at nag handa na ng mga plato at kutsarang gagamitin namin. Nanatili lang akong nakatayo at ngayon lang lahat nag sink in sa'kin ang mga nangyari. Grabeng kahihiyan 'to! Jusko ka Samarah! Ano ba ang pinag gagawa mo sa buhay, nako! Hiyang-hiya na 'ko, mukha na akong kamatis dito. Hays, tinatawag ko lahat ng angels! Pahiram ako ng hagdan patungong langit, aakyat na po ako riyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD