Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatingin sa dalawa, hindi na ako makakain ng maayos dahil sa tawa nang tawa si Arthur. Si Thalia naman ay pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Arthur kaya mas lalo akong nahihiya.
“Shuta, hiyang-hiya na 'ko,” mahinang bulong ko.
“May sinasabi ka?” tanong ni Arthur kaya naman mabilis akong umiling at hindi man lang tumingin sa kaniya.
Kumain lang ako nang kumain, hindi ko na manguya ng maayos ang kinakain ko pero in fairness ang sarap ng luto ni Arthur. Noon pa man talaga ay masarap na siyang mag luto, paborito ko ang luto niya at mas lalong paborito ko ang luto ni nanay at tatay.
“Bagal mo kumain, lalim-lalim ng iniisip mo,” masungit na sambit ni Arthur. Napatingin naman ako sa kaniya at nakitang ako na lang pala ang kumakain at natapos na sila.
“Malalim ang iniisip ko?” pag uulit ko sa kaniyang tanong.
“Oo,” tipid nitong sagot.
“Ah! Nasisid mo? May dagat pala sa isip ko, ha? 'Di ako aware,” prangkang sambit ko.
“Wala, wala ka naman din isip eh,” sarkastikong pagkakasabi ni Arthur at nag lakad na paalis ng kusina.
“Inutil ka talaga!” malakas na sigaw ko at narinig ko naman ang malakas na hagalpak niyang tawa.
Binilisan ko na ang pagkain ko ng almusal at hinugasan ang pinagkainan ko. Nilinis ko rin ang buong kusina dahil mukhang medyo marumi na dahil sa mga kalat na narito. At nang matapos na ay nag lakad ako papunta sa may sala at kitang naro'n ang dalawa at nanonood ng netflix, pumagitna ako sa kanilang dalawa at nakinood na rin sa kanila, nakita ko sa screen ng tv na nag hahalikan ang babae at lalake, ang title ng pinapanood nila ay “after we fell.”
Napalunok naman ako ng paulit-ulit dahil sa nakita ko, ang mga halik ng lalaki ay bumaba papuntang puson ng babae, napa-pikit naman ang babae dahil sa sensasyon na kaniyang nararamdaman. Bigla naman may suminghap sa bandang kaliwa ko, kaya napatingin ako kay Arthur at naalala na naman 'yung eksena kanina sa kusina kaya naman mabilis akong nakaramdam ng kahihiyan.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at kay Thalia na lang tumabi, ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa'kin ngunit hindi ko pinapansin. Naiilang ako na hindi ko maipaliwanag, pero hindi ibig sabihin no'n ay nagugustuhan ko na ang walang hiyang ito! Hindi p'wede 'yon, over my dead gorgeous body!
“Kailan ko kaya mararanasan iyan?” biglang sabi ni Arthur kaya naman hindi ko mapigilang mapalingon sa kaniya at humagalpak ng tawa.
“Tangina, hindi mo mararanasan 'yan. Walang papatol sa'yo,” natatawang sabi ko sa kaniya.
Tumingin naman ito ng masama sa'kin pero hindi ako nagpadaig tiningnan ko rin siya ng masama, pabalik-balik na naman ang tingin ni Thalia sa amin.
“Konting bagay talaga nagagawa niyo ng away 'no? Ang galing niyo 'no?” sarkastikong sabi ni Thalia sa amin kaya umayos ako ng upo at hindi pinansin si Arthur, tinuon ko na lang ang paningin ko pinapanood.
“Siguro kung lolokohin ako ng mga tao, hindi ko na sila patatawarin kahit kailan,” biglang sabi ni Arthur.
Nagtaka naman kaming tumingin ni Thalia sa kaniya. Ba't bigla na naman niyang sinabi 'yon? Don't tell me na broken hearted 'to?
“Broken ka?” natatawang tanong ko.
Umiling siya at nagkibit-balikat. “Bigla ko lang naisip. Wala lang, allergic ako sa mga cheater, eh. Kaya wala akong kasintahan ngayon, kase mahirap na baka ang isang poging tulad ko ay saktan at lokohin lamang.”
Nabatukan naman siya ni Thalia sa sinabi niya. “Tanga! Kapag niloko ka, patawarin mo pero huwag mo na ulit pakisamahan. Gano'n 'yon! Immature ka masyado.”
I don't know why, pero nakaka-relate ako sa pinaguusapan nila. How can you trust people when you got betrayed while your heart is pure? Hindi ba? Pareho silang tama, pareho rin silang mali.
Gaano man sila katapat sa'yo, once na mag sinungaling sila sa'yo ay masisira talaga ang tiwala mo. Minsan, kahit na ang magpakailanman ay hindi sapat upang maibalik ang parehong tiwala sa puso ng isang tao. Kapag nagsinungaling ang isang tao, hindi ka na dapat maniwala sa kanila muli. Sino ang nakakaalam kung magsisinungaling na naman sila sa iyo? 'Di ba? Ang tiwala ay nabubuo 'yan saglit once na maging tapat ang isang tao sa'yo, ilang segundo upang masira nila, at kahit siguro anong ayos ang gawin mo ay mahihirapan ka ng ibalik 'yon.
Ang tiwala ay parang salamin, maaayos mo kung nasira 'to, ngunit makikita mo pa rin ang bitak sa repleksyon ng salamin na iyon. Minsan ang tiwala na nasira ay napakalaki sa sarili nitong diwa, na hindi natin ito makakalimutan. Kahit na lumapit sila sa iyo na humihingi ng paumanhin para sa kanilang ginawa, nais mo lamang na sisihin ang iyong sarili sa pagtitiwala sa kanila. We hope you never face such a situation, but if you do, make sure to be very careful next time. Lahat tayo ay mahina sa isang bagay, gaano man tayo kalakas. Parehong umiral ang pag-ibig at pagtitiwala. At kapag nasaktan ka nila, hindi mo na sila dapat pakisamahang muli.
Mahirap pagkatiwalaan ang mga tao, at may dalawang dahilan kung bakit hindi tayo nagtitiwala sa mga tao. Una ay dahil hindi natin sila kilala, at ang pangalawa ay dahil sa kilala natin sila—kung ano ba sila.
Mabilis na lumipas ang oras, hindi na namin namalayan na alas singko na pala nang hapon. Dahil sa tinapos namin ang 3 palabas ng movie na 'yon. Nag ligpit kami ni Thalia ng pinagkainan naming miryenda kanina, at si Arthur naman ay nakatulog na sa sofa kaya hinayaan na lang muna namin siyang matulog. Ang sabi ni Thalia ay may pupuntahan daw kami, tutal ay linggo naman ngayon at hindi maaga ang trabaho namin bukas.
Bumalik ako sa kuwarto na ipinahiram sa'min ni Thalia, sa iisang kuwarto kami natutulog ni Arthur dahil dalawang kama naman 'yon at hiwalay, at dahil iisa lang din naman ang guest room ni Thalia ay pumayag na kami ni Arthur na mag salo na lang sa iisang kwarto. Hindi na ako mag iinarte pa dahil wala naman kaming pera pang apartment, at isa pa sanay naman akong nakakasama siya sa kuwarto at pag tulog dahil noon pa man ay mag kasama na kami simula pagka-bata.
Mabilis akong naligo, at nang matapos na ay nag tungo ako sa may cabinet upang tumingin ng maisusuot ko ngayon. Wala akong maganda damit, ang mga palda ko lang na hanggang ilalim ng tuhod at mga makakapal na manggas na blouse lang ang palagi kong isinusuot kaya wala akong choice kung hindi ang suotin na lang 'yon.
Nagsusuklay ako ng buhok nang biglang may pumasok, si Thalia iyon at maganda ang gayak. Naka pulang bestida ito, na bumagay sa kaniyang makinis na balat. Hapit na hapit ito sa kaniyang katawan kaya naman kitang kita ang nga kurba ng bewang nito, at ang magandang hinaharap niya.
“Seryoso ka? 'Yan susuotin mo?” takang tanong nito at isinandal ang katawan sa may gilid ng pintuan.
Napatingin naman ako sa damit ko at tumango-tango ng bahagya kay Thalia. “Oo naman, baket?” malumanay na tanong ko.
“Ano kaba? Halika nga! Punta tayo sa kuwarto ko,” sambit nito sabay hila sa akin.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya. Pag pasok namin sa kuwarto niya ay ramdam ko ang malamig na temperatura dahil sa kaniyang aircon, nilibot ko ang paningin ko sa kaniyang apat na sulok na silid. Napaka ganda ng kuwarto niya, kulay kayumanggi ang dingding parang bahay ng matatanda ngunit maganda at simple ang dating. May halong sementado at kahoy ang bahay dahil nga sa spanish style ito, at sa kaniyang yumaong lola't lolo niya pa ang bahay na ito.
“Oh, eto paniguradong bagay sa'yo 'to. Halika! Isukat mo kung kasya,” sambit niya sabay pakita sa isang kulay puting dress. “Eto, ang tawag dito ay Maria Dress.” Hinila niya ako at iniabot ang dress sa akin, mabilis ko naman inalis ang mga suot ko kanina, hindi na nagatubiling mag tago pa para mag alis ng damit dahil kaibigan ko naman si Thalia at pareho naman kaming babae.
“In fairness, ganda ng katawan mo. Malaki rin dibdib mo, flat stomach at ang sexy, long legged at ang kinis mo pa,” pagpupuna ni Thalia sa katawan ko dahil nakasuot lang ako ng panty at bra.
“Nambola kapa, mas maganda katawan mo,” pag pupuri ko sa kaniya. Isinuot ko na ang bigay niyang dress at iniayos ang tali nito sa may dibdib, dahil pa cross-cross ito ay si Thalia ang umayos. Pinaupo niya ako sa upuan, at sa harap nito ay isang malaking salamin. Nilagyan niya ako ng kolorete sa mukha, inayos ang aking buhok na mas lalo niya pang ikinulot na nagpaganda lalo sa buhok ko.
“Ang ganda mo, ha?” puri sa akin ni Thalia.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at parang hindi ako makapaniwala na sarili ko ang nakikita ko sa salamin.
“A-ako ba talaga 'to?” mahinang bulong ko.
“Ano ka ba! Syempre naman, maganda ka naman talaga mas lalo lang gumada dahil naayusan!” sambit ni Thalia.
Tumayo ako sa upuan ko at niligpit ang mga suot kong damit kanina, nag paalam ako kay Thalia na aayusin ko lang ang mga damit ko sa may kwarto. Pabalik na sana ang ng kwarto ng madaanan ko si Arthur na natutulog pa rin, naisipan ko siyang gisingin dahil baka maiwanan siya.
Naglakad ako papunta sa pwesto niya at tiniganan siyang natutulog, nilapit ko ang mukha ko at bahagyang yumuyuko. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya upang gisingin.
“Arthur? Hoy, gising baka maiwan ka!” bahagyang sigaw ko ngunit hindi pa rin siya nagigising. “Arthur!” pag uulit ko.
Dahan-dahan naman niyang iminulat ang mga mata niya at napatingin sa akin. “P-puta, nasa langit na ba ako? Papa susej naman, ibalik niya ako sa lupang pinanggalingan ko,” sambit ni Arthur.
“Anong papa susej naman na pinagsasabi mo? Tumayo kana riyan at mag bihis kana, baka kako maiwanan ka dahil aalis daw tayo,” mahinahong sambit ko.
“Kinakausap ako ng anghel, totoo kaba?” manghang sambit nito. “Samahan mo akong makabalik sa lupa.” Hinawakan niya ang pisngi ko at tila mukhang nag mamakaawa na ibalik ko siya sa lupa.
Pinitik ko ang ulo niya at pinisil ang ilong. “'Di ako aware na nag aadik ka pala, Arthur,” sambit ko at inilayo ang mukha ko sa kaniya, umayos ako ng tayo at tiningnan siya.
“Samarah? Loh, ba't ganiyan itsura mo?” gulat niyang tanong. “Ang ganda mo gago, akala ko nasa langit na 'ko!”
“Sus, ganda lang 'to. Ano kaba, Arthur? Maliit na bagay,” pabirong pagyayabang na sambit ko.
“Saan kaba pupunta? Bakit ka nakagayak?” takang tanong nito
“Ewan ko ba kay Thalia, bilisan mo na lang mag bihis at baka maiwan ka,” sagot ko sa tanong niya.
Mabilis naman itong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto, napailing na lang ako at naupo sa may sofa at ipinahinga ang ulo ko sa backrest ng upuan.