Matapos kaming mag umagahan ni Sean ay nag paalam ako sa kaniya na uuwi muna ako sa bahay ni Thalia. Pinipilit niyang sumama pero ang sabi ko ay kaya ko ng mag isa at hindi naman kailangan palagi siyang nakasunod sa 'kin. Lalo na at may business meeting pa siya ngayon, kaya wala siyang nagawa kung hindi ang hayaan na ako na lang mag isa ang umuwi. “Just call me if you need something,” aniya habang papalabas kami ng bahay niya. Napakamot ako sa pisngi ko. “Paano? Eh, wala naman akong cellphone. Nasira na 'yong cellphone ko noon,” sabi ko. “Seriously? Sa edad mong iyan, wala kang cellphone?” takang tanong niya. Kinagat niya ang labi niya at kunot-noong tumingin sa may hagdan. “May kukunin lang ako sa taas, hintayin mo 'ko,” aniya. Tumango lang ako at sumandal sa hamba ng pintuan habang h

