Alas sais pa lang nang umaga ay naka-adya na ako para bumalik sa building. Inagahan ko talaga ang pag alis ko rito sa bahay ni Thalia para madatnan si Sean sa kumpanya niya, nang makapag-paalam man lang ako sa kaniya. “Si Mr. Castrello po?” tanong ko sa mga security guard. “Baka nasa 30th floor pa ng opisina niya, miss,” aniya. Nag pasalamat ako at mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa elevator. Baka nakaalis na siya? Huwag naman sana! Nasa loob ako ng elevator at parang hindi ako mapakali, parang gusto ko na lang mag teleport papunta sa opisina niya. Isang buwan din siyang mawawala, 'no! Kaya dapat ko siyang abutan. Nang nasa pang dalawangpu't limang palapag na 'ko ay hindi na ako magkandauga-ugang makarating sa opisina niya. Pero, may alinlangan akong nararamdaman. Hindi ko alam

