Nang mag-hapunan na ay nag-handa ako para sa kaarawan ni Sean. Gaganapin iyon mismo sa private resort nila rito sa Pampanga. Isinama ko si Arthur para hindi maging awkward ang sitwasyon doon. Hawak-hawak ko ang regalo ko sa kaniya, hindi ito magarbo. Hindi ko kase alam ang ibibigay ko sa kaniya kase parang nasa kaniya at nabili na niya ata lahat ng gusto niyang bilhin. Ang regalo ko sa kaniya ay isa lamang itong wrist watch na kulay itim. Iniwan ko si Liam kay Thalia, dahil hindi naman na puwedeng dalhin ko siya rito dahil sobrang daming tao at wala naman gaanong bata rito, at isa pa ay ayaw niya sa maraming tao kaya pinabantay ko muna siya kay Thalia. “Dito ba 'yon?” tanong sa akin ni Arthur nang huminto ang sasakyan sa isang malaking gate at may magandang musika sa loob. “Dito nga s

