KABANATA 6

1382 Words
CHAPTER 6   “ANAK.”   Napalingon ako kay inay nang tawagin niya ako mula sa likuran ko. Abala ako sa pagtatanggal ng aking bota dahil kakauwi lang namin galing sa tubuhan.   “Bakit po, nay?” tugon kong humarap sa kanya at ipinagpatuloy ang pagtatanggal ng bota.   “Maari ka bang mautusan para bumili ng gamot. Mainit kasi ang itay mo, baka kasi lumala ang lagnat kapag hinayaan.”   “Oo naman po, nay. Nasaan na po ba ang itay?”   “Nakahiga na sa papag, masama daw ang kanyang pakiramdam.”   “Sige po, nay. Magbibihis lang ako.”   “Sige,salamat anak. Pasensya na, alam kong pagod ka rin.”   Ngumiti lang ako. “Ayos lang po, nay.” sabi ko saka pinuntahan si itay.   Napabuntong hininga akong makita ang ayos niya. Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit dahil siguro hindi na talaga kaya ang sama ng pakiramdam.   “Tay, wag ka na munang magtabas bukas ha. Ako na muna ang bahala bukas.”   “Ayos lang ako, anak. Kaya ko na siguro bukas.” garalgal ang boses niya kaya naman muli lang akong napabuntong hininga.   “Wag nang matigas ang ulo, Tay. Sige na, magpahinga muna po kayo at ibibili ko pa kayo ng gamot ninyo. Maiwan ko muna kayo, tay.”   “Sige, anak, salamat.”   Lumabas na ako ng kanilang kuwarto at dumeretso naman sa banyo upang maglinis ng katawan. Pagkatapos kung magbihis at mag-ayos sa aking silid ay nagpaalam na ako kay inay at naglakad patungo sa bayan.   Medyo may kalayuan ang aming bayan at inaabot ako ng hanggang 20 minutos sa paglalakad sa pagpunta roon. Kaya naman kapag nagkakaroon kami ng pera ay agad naming binibili ang lahat ng aming pangangailangan ng maramihan upang hindi na kami magpabalik balik pa roon.   Halos hapong hapo akong nakarating din sa wakas sa bayan matapos ang paglalakad na iyon.   Agad akong pumunta sa palengke at naghanap ng tindahan na may gamot at bumili ng ilang paracetamol. Nakakita naman ako ng nagtitinda ng isda kaya bumili ako ng isang kilo, mauulam namin iyon hanggang kinabukasan ng gabi.   Bago pa man ako makalabas sa palengke ay napadaan ako sa tindahan ng damit. Napaawang ang labi ko nang agad napako ang paningin ko sa isang blusang napakaganda. Napabuntong hininga ako saka tiningnan ang sarili. Lumang bistida lamang ang suot ko at ilang tao na akong hindi nakakabili ng bagong damit.   Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpasyang magpatuloy sa paglalakad. Nang mapansin kong malapit nang magdilim ang kalangitan ay binilisan ko na ang aking lakad.   Wala pa man ako sa kalagitnaan ay may isang itim na kotse ang mabagal na dumaan sa aking gilid. Sa una ay hindi ko nalang pinansin iyon at nagpatuloy na lang sa paglalakad pero nang makalampas sa akin ay bigla nalang itong huminto kaya napatigil ako.   Maya maya lang ay bumukas ang bintana niyon.   “Ligaya?” hindi ko inaasahang si Avel ang sakay niyon.   Hindi ako nakapagsalita at nakaramdam ng ilang ngayong nakita ko muli siya.   “Saan ka galing? Pauwi ka na ba?”   Tipid akong ngumiti saka naglakad palapit sa kanyang sasakyan. “Opo, Sir Avel. Bumili lang ako ng gamot sa bayan.”   Tila natigilan siya sa sinabi ko kaya kumunot ang noo niya. Kaya naman umiwas ako ng tingin.   “Sige po, mauuna na po ako.” sabi ko saka naglakad na at nilampasan ang kanyang sasakyan.   “Wait!”   Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya at patuloy lang sa paglalakad. Maya maya ay nasa tabi ko na ang kotse niya at sinasabayan ang aking lakad.   “Sumabay ka na sakin, Ligaya. Iisa lang naman ang dereksyon natin.”   Hindi ko siya nilingon. “Hindi na po, Sir Avel. Ayos lang po ako.”   “What’s with that ‘po’ and ‘opo’? And can you stop calling me ‘sir’?”   Napabuntong hininga nalang ako, hindi parin siya pinansin at nasa daan lamang ang tingin.   Maya maya ay nagulat na lang ako nang maramdaman ang kamay niya humawak sa braso ko at pinigilan ako sa paglalakad.   “Ligaya, wait.”   Inis akong tumingin sa kanya. Maging siya ay salubong ang kilay, marahil ay hindi nagustuhan ang pakikitungo sa kanya. “Ano bang problema, Ligaya?” tanong niya na hindi ko naman magawang sagutin. “Bakit bigla ka nalang naging ganto sakin?”   “W-wala, sir Avel---”   “I said stop calling me sir!” galit nang sabi niya at napayuko naman ako.   Nakagat ko ang sarili kong labi at dahan dahang inalis ang brasong hawak pa niya saka tinalikuran siya. Pero mabilis niya akong naabutan at muli akong hinawakan sa aking pulsuhan.   “Bakit mo ba ako iniiwasan, Ligaya?”   “Bakit nga ba, ha?” inis na sagot ko na ikinatigil niya. Kumunot muli ang kanyang noo at halatang naguguluhan sa aking inaakto. “Ano nga bang dahilan ko para dapat na kitang iwasan, Avel.” biglang gumaralgal ang tinig ko nang maramdaman ko na ang pangingilid ng aking mga luha. Nabitawan niya ako.   “I don’t understand...” bulong niya.   “Ikaw ang hindi ko maintindihan, Avel.” sabi kong nakagat ang ibabang labi upang pigilan ang aking emosyon subalit mabilis iyong lumalabas. “B-bakit mo ginagawa ito sa akin? Alam mong may girlfriend ka na at malapit na kayong ikasa---”   “What?” bulalas niya na ikinatigil ko. “Who told you that?”   Nagulat ako at natahimik.   “Sinong nagsabi sa’yo niyan?” muli niyang tanong kaya napabuntong hininga ako.   “S-si mam Clarita.”   “That’s not true, Ligaya.”   Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. “A-anong ibig mong sabihin?”   Napabuntong hininga siya. “Hindi ko siya girlfriend. It’s just that, my parents want us to get married because our parents are business partners.”   Natahimik na lang ako at napayuko. Sa loob loob ko ay masama parin ang loob ko dahil ikakasal na siya sa iba.   “Hindi ko magawang magpakasal sa kanya, Ligaya...” napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon.   Bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko nang mapako ang paningin namin sa isa’t isa.   “Dahil ikaw ang gusto ko.”   Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ngunit hindi pa man ako nakakarecover ay bigla nalang niyang inilapit ang kanyang mukha upang siilin ako ng halik.   Naramdaman ko ang pagyakap ng mga braso niya sa aking beywang kaya naman nagkadikit ang aming mga katawan. Ramdam ko ang init hindi lamang sa labi niya kundi sa kanyang katawan na pawang unti unting sumasanib sa aking katawan. Ang mainit din niyang mga palad ay humahaplos at rumaragasa sa aking braso, balikat at sa aking likuran at bahagya iyong pinipisil na nakakadagdag ng kakaibang dulot sa aking pakiramdam.   Unti unting lumalalim ang halik niya at hindi ko maiwasan hindi tugunin ang labi niya dahil sa kakaibang tamis niyon.   Tila nawawala ako sa katinuan kapag sinisimsim na niya ang ibaba kong labi at nakakapanghina nang maging mapusok na iyon kaya naman napaangat ang mga kamay ko at yumakap sa kanyang batok. Naging mapaghanap ang ang kanyang labi at ang dila ay pinipilit nang buksan ang aking bibig kaya naman pinagbigyan ko iyon dahilan upang maglandas ang pareho naming dila.   Kahit halos kapusin ako ng hininga ay hindi ko ginustong matapos ang sandaling iyon. Hiniling ko na lang na sana ay ganoon na lang kami ng matagal.   Ilang sandali pa, pareho naming habol ang aming mga hinga habang magkalapat ang aming mga noo. Nang magmulat ang aking mga mata ay agad kong nakatagpo ang paningin niya.   Nakangiti na siya kaya naman nahawa ang labi ko dahil iyon na yata ang pinakamagandang sandaling nangyari sa buhay ko.   “Gusto kita, Ligaya.” muli niyang bulong habang nasa mga mata ko ang tingin. “Gustong gusto.”   “G-gusto rin kita, Avel.” pag-amin ko na ginantihan naman niya ng matamis na ngiti. “At mukhang minamahal na kita ngayon.”   Nang bumaba sa labi ko ang tingin niya ay inunahan ko na siyang gawin ang pareho naming gusto sa sandaling iyon. Inilapat ko ang aking labi sa kanya na agad naman niyang tinugon. Ilang minuto kaming nagpalunod muli sa matamis na sandali.   Iniisip ko tuloy kung panaginip ba itong nangyayari. At kung panaginip nga ito ay ayaw ko nang magising pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD