UNANG KABANATA

1470 Words
TAGAKTAK ang pawis ko habang abala sa pagtatabas ng mga tubo' sa ilalim ng naglalagablab na init ng araw. Mag-tatanghalian na kaya naisipan na naming tumigil saglit sa pag-aani ng tubo'. Ganoon ang ikinabubuhay ng pamilya namin. Nag-iisa akong anak kaya naman tinutulungan kong magtrabaho ang aking mga magulang. Hindi ko natapos ang highschool sapagkat walang wala ang aming pamilya at di kayang tustusan ng  mga magulang ko ang aking pag-aaral. Mas minabuti kong huminto upang tulungan na lamang sila sa pagtutubo'. "Halika na rito, Gayang!" Tawag sa akin ng aking ina dahil ako ang huling sumilong sa aming munting kubo. "Kumain na tayo." Hinihingal akong lumapit sa kanila at sumalo sa tanghalian. Marami rami rin kaming mga naroon. Bawat pamilya ay may kanya kanyang kubo at lote ng tubo' na kinakailangang anihin. Matagal na kaming naninilbihan sa Hacienda Fuentebella. Dito na ako ipinanganak at lumaki. Kailangan naming magtrabaho kapalit ang pananatili namon sa lupa na pagmamay-ari ng mga Fuentebella. Kakarampot lamang ang kinikita namin sa pagtatabas ng tubo' at sakto lamang iyon sa aming araw-araw pang-tustos. Nag-iipon naman ako para makaluwas ng maynila at makapag-hanap ng trabaho. PAGKATAPOS naming mananghalian ay bumalik kami sa aming trabaho. Hindi pa man namin natatapos ang aming trabaho ay may nagsidatingang mga panauhin. "Gayang!" Tuwang  tawag ng kaibigan kong si Rowena sa akin. Patakbo siyang lumapit sa akin na naroon parin sa gitna ng tubuhan. "Andiyan si Sir Avelino." Tumitili pa nitong saad. Agad namang nanlaki ang mata ko sa tuwa. "Nakauwi na siya ng Pilipinas?" "Oo, tara dali. Salubungin natin siya. Papunta na siya rito." Agad naman akong tumango at sumabay sa pagtakbo nito palabas ng masukal na tubuhan. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko nang masilayan ang pagdating ng dalawang sasakyan. Nagsilabasan narin ang iba pang mga tauhan upang makita ang ginoo. Napasinghap nalang ako nang bumaba ang isang lalaking mala-modelo ang dating. Mas malakas pa yata ang kalabog ng aking dibdib kaysa tili ni Rowena na kilig na kilig sa kagwapuhan ng binata. "Sir Avelino. Maligayang pagbabalik ho." Bati ng aking ama nang maglakad ito palapit sa amin kasama ang ilang tauhan sa mansion. Agad na sumilip ang mapuputing ngipin ng binata nang ngumiti. "Maraming salamat, mang Roel. Kumusta ho kayong lahat rito?" Titig na titig lang ako sa ka kanya habang siya'y nagsasalita. "Salamat naman at naalala mo pa ako, Sir Avelino. Ayos lang naman ho kami rito. Maganda ang ani namin ngayon." "Ganon po ba?" Aniya sa nakangiting sinuyod ang buong lupain na puno ng pananim na tubo'. Ganoon nalang ang paghigit ng aking hininga nang dumako ang paningin niya sa akin. Sandali niya akong tinitigan kaya ganon nalamang ang aking kaba. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya naman nakaramdam ako ng ilang. Hindi kasi maayos ang aking itsura. Balot na balot ang aking katawan. Tanging mukha ko lang  ang nakalitaw at natatakpan pa ang aking ulo ng towel bukod sa bilog na sumbrero. Kaya hindi ko sigurado kung makikilala niya ako. Sampung taon siyang naglagi sa Amerika upang mag-aral at ngayon lang nakabalik muli. Muli kong binalikan ang mga sandaling magkalaro kami noong mga bata pa kami. Kaming dalawa ni Rowena ang naging kalaro niya. Pero mas maraming sandali na kami lang dalawa. Ngayon, marahil ay malaki na ang nagbago dito. Sobrang laki ng pinagbago niya. Napakaputi ng kutis niya. Matagal ko nang nakita ang makapal niyang kilay ngunit ngayon ay tila iyon ang mas nagpapakisig sa kanya. Ang matangos niyang ilong at ang nakakalusaw na ngiti ng labi niya. Naka-bota siya, naka ripped jeans at white t-shirt ngunit para na siyang modelo tingnan. Natigilan ako nang umangat ang gilid ng labi niya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipinahihiwatig. Ilang saglit lamang ay inialis na niya ang paningin sa akin at muling sinuyod ang kalupaan. "Dito na ba kayo mananatili sa Hecienda Sir Avelino?" Tanong ng isang tauhan. "Ah oo, sakin ipinamahala ng Papa' ang planta." ILANG sandali pa ang mga itong nag-usap at ni minsan ay hindi na bumalik ang tingin niya sa akin. Kaya naman nalungkot ako nang umalis na ito. Di ko na siya maabot. Noon pa man ay alam ko nang magkaiba ang aming buhay kaya naman lihim lang kami noong naglalaro. Ngayon, mas ramdam ko ang agwat ng aming pamumuhay. DUMAAN ang sabado. Nagtungo ako kasama si Rowena sa sapa upang maglaba ng aming mga maruruming damit. "Grabe, ang gwapo gwapo na ni Sir Avenino ano?" kinilig na turan Rowena habang nagkukusot kami ng damit. "Oo, at hindi niya narin tayo kilala..." Mapait akong ngumiti. "Sus, ikaw naman. Malamang na hindi tayo nakilala non nung isang araw dahil balot na balot tayo." Napabuntong hininga nalang ako. "Hi, ladies." Sabay kaming napalingon ni Rowena nang marinig ang baritonong boses na iyon. Natigil ako sa paglalaba at nataranta ng bahagya nang dumating si Avelino. Napatayo pa si Rowena at nakangangang pinagmamasdan ang paglapit nito. Bumaba siya sa  kaniyang kabayo at naglakad nalang hila ito. "Pwede ko bang painumin riyan ang aking kabayo?" "Siyempre naman po Sir Avelino." Malapad na ngiting sabi ni Rowena. "Thanks." Aniya saka hinila sa bukana ng umaagos na tubig ang kanyang kabayo. Para naman kaming tanga ni Rowena dahil nanunuod kami sa kanya. Maya maya ay lumingon siya at sakin dumapo ang kanyang paningin. "Hi, Ligaya." Halos manlaki ang mata ko sa gulat dahil kilala niya parin pala ako. Matamis lang ang ngiti niya kaya naman bumilis agad ang t***k ng aking puso. Tumingin din ito kay Rowena. "Rowena, right?" Natutop ni Rowena ang kanyang bibig. "Hala, natatandaan mo pa kami sir?" Tumawa naman si Avelino. "Konti. Saka ko lang naalala ang mga pangalan niyo." "Hala siya, Gayang, narinig mo yon? Natatandaan pa tayo ni Sir Avelino." Hindi naman ako nakapagsalita. Tumitingin lang ako paminsan minsan kay sir Avelino. "Tsk, wag niyo na akong i-sir, Avel nalang katulad noon." Aniyang sinilip muli ako at palaging nagtatagpo ang aming paningin. "Nako sir, hindi na po katulad noon na mga bata pa tayo. Nakakahiya po kapag hindi namin kayo ginalang." "Edi kapag tayo lang ang magkausap, ayos ba yon?" "Sige po sir Avelino. Hoy Gayang, magsalita ka naman dyan." "Ano ka ba Rowena, tapusin na natin tong labada para makauwi na tayo." Sabi kong iniwasang tumingin kar Sir Avelino. "Sus, ikaw nga tong kanina pa malungkot dahil akala mo nakalimutan na tayo ni Avel." Nanlaki ang mata ko at akmang sasambunutan si Rowena pero umiwas agad ito. Nahiya tuloy akong tumingin kay Sir Avelino. Natawa lang ito sa sinabi ni Rowena kaya napanguso ako at tinapsikan ng tubig si Rowena. Umabot naman iyon sa gawi ng kabayo ni sir Avelino kaya parang nagulat ang kabayo kaya napapadyak ito sa tubig ng ilang beses dahilan para mabasa ang damit ni Sir Avel. Napasinghap nalang siya at natawa. "Ikaw kasi.." Tinampal ni Rowena ang braso ko at sinamaan ko naman siya ng tingin. Nang mapatingin naman kami kay Sir Avel ay nagulat nalang kami nang bigla itong maghubad ng damit dahilan para makita namin ang maganda at makisig niyang katawan. "Ay sarap---." Natawa akong sinambunutan ng bahagya si Rowena saka umiwas ng tingin kay Sir Avel. "Nagutom ako bigla..." Nailapat ko ang aking mga labi upang pigilang mangiti dahil sa tinuran ni Rowena. Ibinaling ko nalang ang aking paningin sa aking labada at nagkunwaring walang nakita. Totoo naman kasing nakakatakam ang nasilayan namin. Kanin nalang ang kulang. "Girls, alis na'ko. Maiwan ko na kayo." Napatingin kami sa kanya. Hinihila na niya ang kanyang kabayo. Nakahubad parin siya at nakasabit lang sa kanyang balikat ang kanyang damit. "Sige Sir--este--Avel." Ani Rowena at napatayo Napatayo narin ako. Nabaling sakin ang paningin ni Avel. "Ligaya." Tawag niya at napahawak nalang ako sa laylayan ng aking blusa. "Alis na ako." Siniko naman ako ni Rowena at sininyasan na magsalita ako. Pilit akong ngumiti kay Avel. "Mm." Maikling tugon ko. Kumaway siya nang makasakay sa kanyang kabayo. Maya maya lang ay nakalayo na siya roon. "Ano ka ba?" Parang naiinis na usal ni Rowena. "Anong klaseng sagot yon? Mm." ginaya niya pa ang tugon ko kay Avel kanina. Inirapan ko lang siya saka muling bumaling sa aking labada. Bumalik narin siya sa paglalaba pero hindi parin tumitigil ang bibig sa kakadaldal. "Pero yieeeee, sa tingin ko may gusto sayo si Avel." "Sira, malabo yang sinasabi mo." singhal ko. "Sus, ang sabihin mo, may gusto karin kay Avel." Natigilan naman ako at napalunok. "Nababaliw ka na. Wala akong karapatang magkagusto sa kanya. Napakalaki ng agwat ng pamumuhay namin sa kanila." Bigla naman akong nalungkot. "Saka malabong magkagusto iyon sa tulad ko, siguradong marami siyang nakilalang magagandang babae dun sa Amerika." Napaismid naman siya. "Ang dami mo agad sinabi." Napabuntong hininga ako. Saglit na sumagi sa isip ko ang imahe ni Avel. Ang nakangiti niyang mukha ang palagi nang umuukilkil sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD