Nag-iinit at nanghihina ang katawan ni Querencia dahil sa mga nawala niyang mana. Nahihirapan siyang maglakad ngayon dahil wala siyang masyadong lakas. Hindi niya rin alam kung ano na ba 'tong direksyong tinatahak niya.
“Ack!” napasigaw siya nang bigla siyang natalisod ngunit hindi lupa ang nalandingan ng mukha niya. Sobrang lambot nito at para itong isang balahibo.
Hinimas niya ang sumalo sa kanya. Para itong isang aso...
What the— aso?!
Mabilis siyang tumayo saka lumayo rito. Tinignan niya ito at bigla nalang siyang tinakasan ng dugo.
Hindi ito aso kundi isang lobo.
Shyt! Shyt! Shyt!
Sinamantala niya ang pagkakataon at mabilis na tumakbo paalis. Baka bigla nalang magising yung lobo at makain pa siya! Kaya nga siya nandito kasi mahal pa niya ang buhay niya!
Dahil madilim parin ay hindi na niya alam kung nasaan na siya.
Wala talaga siyang sense of direction! Argh!!!
Bumuga siya ng malalim na hininga.“Kalma lang Querencia, kalma.” pagkausap niya sa sarili saka tinapik tapik ang dibdib niya. Wala siyang mapapala kung uunahin niya ang stress na nararamdaman niya.
Kanina pa siya naglalakad at hindi na niya alam kung nasaan siya. Mukhang kailangan na niya ng tulong mula sa hangin. Pero kaunti nalang ang natitirang lakas niya.
Malakas siyang napabuntong-hininga. Mas mainam nang gamitin niya ang natitirang lakas para lang makauwi siya. Kaysa naman sa mabulok siya rito.
Ginamit ni Querencia ang hangin at ginawa itong kumpas. Sa hilaga nanggagaling ang hangin kaya yun ang sinundan niya. At sa ilang minutong paglalakad ay nakarating na siya sa Archduchy. Gano'n parin ito. Walang tao.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at bumalik na sa loob. Gano'n parin ang kanyang ginawa sa pag-akyat at pagbaba.
Nang ligtas siyang makarating sa kanyang kwarto ay agad niyang inalis ang balabal na suot at nagbihis saka maingat na humiga sa kama.
Pagod na pagod ang katawan niya at para itong binugbog. Mabuti nalang talaga at hindi siya nasobrahan sa paggamit ng mana niya kaya nakabalik pa siya na mayron pang malay.
Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan na ang sarili na magpahinga. Hindi siya sigurado kung wala na bang buhay ang lahat ng halimaw, pero ang mahalaga ngayon sa kanya ay may nagawa siya. Even if it cost her life.
SAMO'T SARING INGAY ang narinig ni Querencia at parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Ang init din at hindi siya mapakali.
“Gising na ang Miss!” biglang sigaw ng isang katulong na babae at may narinig naman siyang nga yabag ng mga paa.
“Balitaan n'yo ang Archduke!” sigaw naman ng isa.
Napapikit siya ng mariin nang parang hinampas ng baseball bat ang likod ng ulo niya.
Side effect ba ito ng ginawa niya kagabi?
“Miss, kumusta ang pakiramdam n'yo?” tanong ng isang babae habang may dumadampi na malamig na bagay sa dibdib niya. Ang lamig nito.
Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na nanlabo ang paningin niya. Kalauna'y naging malinaw na ito at nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng puti.
Shyt! Patay na ba siya? Nakapasok ba siya sa langit kahit na madami siyang nagawang kasalanan? Kung gano'n man, thank you lor—
“Miss, miss.” the woman in front of her snap her fingers. “Mataas parin ang lagnat n'yo.” said then it turned its back on her. “Kailangan ng Miss ng pahinga, kaya kung maari, limitado lang ang taong papasok sa loob ng kwarto.”
Bahagyang sumakit na naman ang ulo niya kaya ipinikit ulit niya ang mga mata. Kapagkuwan ay nakarinig siya ng yabag ng mga paa.
“Bakit siya nagkasakit?” biglang tanong ng isang baritonong boses. Parang sa Archduke ito.
“Your Grace... As I observed at the Miss, she catched a cold, and I guess, she'll wake up soon.” sagot ng babae.
Nanatili lang siyang nakikinig sa dalawa dahil sumasakit parin ang ulo niya tuwing ididilat niya ang mga mata.
“You say that she catched a cold, yet she's bedridden in one whole day.” ramdam niya ang inis sa boses ng Archduke. “If you can't identify her illness, I'd rather call someone.” seryosong saad nito.
Bigla siyang nabahala. Kung tama ang hinala niya, isang Physician ang narito, at ang tinatawag na "someone" ng Archduke ay katulad ng mga wizard. Hindi pwedeng gano'ng tao ang titingin sa kanya. Baka malaman ng iba na mayron siyang black magic sa katawan.
Anong gagawin niya?! Anong dapat niyang gawin para mapaniwalang may lagnat lang talaga siya?!
Argh! Ano ang dapat niyang gawin?! Wait— tama, uubo lang siya.
Malakas siyang umubo at unti-unting iminulat ang mga mata. Napabaling naman sa kanya ang dalawang.
“Miss.” sambit ng Archduke na nasa tabi lang ng kama nakatayo.
Matiim niya itong tinignan. Dahil lang ba ito sa sakit niya o mas lalo lang talaga itong gumwapo?
Pilit siyang ngumiti. “My Lord...” mahina niyang tawag dito at lumapit naman ito sa kanya habang nakatayo parin.
“What is it?” istriktong tanong nito habang nakapamewang.
Grabe, ganito ba dapat tratohin ang nag-aagaw buhay?!
“Hands...” paos niyang sabi at inabot ang kamay nito. “Hands...My Lord...”
Shyt! Bakit ang layo nito?! Hands, My Lord! Hands!
“Why would I hand my hand to you? You have your own hands, Miss.” nakakunot noo nitong sabi.
Argh! Bw*sit ka My Lord!
Napahawak siya sa kanyang noo nang bigla itong sumakit. Tumagilid siya ng higa at tinalikuran ang Archduke.
Ayaw muna niyang lumandi rito. Tsk. Nakakainis. Mas mabuting magpahinga siya. Baka dahil dito'y maaga siyang matiguk.
“All of you, you may go out now.” istriktong utos nito sa ibang mga taong nasa loob ng kwarto. At sa ilang sandali'y nakarinig siya ng pagsarado ng pinto.
Pinakiramdaman niya ang paligid at naramdaman agad niya ang matalim na titig ng Archduke mula sa likuran niya. Kung kutsilyo lang ang tingin nito'y siguradong na back stab na siya.
“Be honest, Miss Lynn. Why did you got sick? Didn't you already agreed that you'll behave?” biglang tanong nito na nagpanguso sa kanya. Bakit bumalik ang napag-usapan nila noong nakaraang mga araw?
“Tapos na ba yung pakikipag-away n'yo sa mga halimaw, My Lord?” pag-iiba niya sa usapan. Wala kasi siyang maisagot.
“Yes. And don't change the top—”
“Kailangan mo munang magpahinga, My Lord. Alam kong pagod po kayo. Salamat sa pagbisita.” pagputol niya sa iba pa nitong sasabihin.
Naramdam naman niya ang pagsingkit ng mga mata ng Archduke. “Miss Lynn. Last chance—”
“Magpapahinga muna ako, My Lord.” pagputol niya ulit dito at parang pagong na pumasok sa lungga niyang kumot.
“Miss Lynn.” madiing saad nito ngunit hindi parin siya nagpatinag. Ano namang mukhang maihaharap niya rito?!
“Are you not going to answer it?” biglang nag-iba ang tono ng pananalita nito at parang nagbabanta na sa kanya.
Bakit ganito siya nito tratohin?! Dapat nga ay magpasalamat ito dahil tumulong siya sa pagpatay sa mga halimaw na yun!
“Five.” biglang pagbilang nito na nagpaigtad sa kanya. “Four... Three... Aren't you going to answer it?” malamig nitong sabi.
Nanatili lang nakatikom ang bibig niya. Ano ba kasi ang dapat niyang sabihin?!
“Two....” ramdam niya ang pagtindig ng kanyang mga balahibo. “One.”
Nagulat siya nang bigla nalang umangat ang katawan niya mula sa kama. Shyt! Anong ginagawa ng Archduke?! At tsaka! Nakakumot siya kaya bakit sa bewang talaga siya nahawakan?! Naka x-ray ba ang mga mata nito?
“What are you doing, My Lord?!” taranta niyang sigaw. Itatapon ba siya nito sa labas?!
“Now, answer it.” madiing saad nito at mas ini-angat pa siya.
“I-Itatapon n'yo ba ako sa labas... M-my Lord?” kinakabahan niyang tanong.
Biglang ngumisi ng nakakatakot ang Archduke at humarap ito sa direksyon kung nasaan ang terrace. Nakasarado ang mga kurtina kaya paniguradong ito ang unang sasalo sa kanya kung itatapon siya nito.
“Nice idea...” nakangising saad nito kaya agad siyang naging parang butiki at hinila ang leeg ng Archduke at doon kumapit. Ipinulupot din niya ang kanyang mga binti sa bewang nito habang nakayakap naman ang kanyang mga braso sa leeg nito.
“You're so mean, My Lord!” sigaw niya. Kung may lakas lang siya ngayon ay kukunan talaga niya ito ng hininga katulad nang ginawa niya sa mga halimaw!
“I'm just asking you, yet you're not answering it.” malamig nitong sabi at nag-umpisa nang humakbang.
Shyt! Sa itsura ng Archduke ay mukhang totohanin na talaga nito ang sasabihin nito.
Nababaliw na ba 'to?!
Humigpit ang pagkakapit niya sa Archduke. “Fine! Fine! Hindi ako makatulog kagabi, My Lord! Kaya lumabas ako ng kwarto at nagpahangin sa terrace!” sigaw niya at tumigil naman ito.
Dahil sa kanyang pagsigaw ay bigla nalang nanghina ang katawan niya. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ng Archduke at muntikan na siyang mahulog dahil nawalan ng lakas ang binti niya. Mabuti nalang at nasalo siya nito. Nagmumukha tuloy siyang batang kinarga nito— pero gano'n naman talaga ang posisyon nila ngayon.
“You'd better be honest.” saad nito sa kanya.
Napabuga siya ng malalim na hininga habang nakapikit parin ang mga mata. “Why would I lie to you, My Lord?” aniya saka napanguso. “You're to mean, My Lord.” nakasimangot niyang sabi at bigla nalang bumigat ang kanyang paghinga.
May sakit siya tapos ginanito siya nito. “You're crazy, My Lord. I'm sick... yet you did that to me.” mahina niyang saad at bigla naman nitong hinawakan ang noo niya na tila ba dinadama kung gaano kainit ang temperatura niya.
“Am I that scary?” tanong nito. Hindi niya alam kung bakit pero bigla nalang lumambot ang tono ng pananalita nito.
Mahina siyang tumango. “My life was in your hands, My Lord. Why would I not be scared?” aniya at naramdaman naman niya bigla ang malambot na bagay sa kanyang likuran. Ngayon pa niya napansing bumalik na pala ito sa kama niya at ipinahiga siya.
“Take rest. If your hungry, just ring the bell.” pagtukoy nito sa maliit na bell na nasa bedside table. Hinawakan nito ang kanyang noo at dahil sa laki ng kamay nito'y natakpan nito ang kanyang mga mata. “Syriel was in the guest room. Doon ko muna siya pinatulog.” anito.
Dahil sa ipinaparamdam ng Archduke ay bigla nalang kumabog ng mabilis ang puso niya. Why did he become gentle? Is he feeling guilty?
Kalauna'y bigla nalang nag-init ang buong katawan niya. She can feel the flow of the power inside her body. It's as if something was absorbing her heat.
Mariin siyang napapikit sa kanyang mga mata. Parang may ginagawa ang Archduke sa katawan niya na hindi niya maintindihan. At sa ilang sandali'y hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Sa naalala niya sa sinabi ng Archduke ay buong araw siyang walang malay, kaya hindi na siya magtataka kung gabi ngayon kaya pinatulog siya.
SA LIBLIB NA BAHAGI ng gubat ng teritoryo ng Wolreign ay doon nagmamasid ang isang mangkukulam. Hindi nito inaasahang may makakapigil sa kanya, at kapwa pa talaga niya.
The witch grit its teeth. She can't accept the fact that someone k*lled her monsters by taking their breath.
She should pay that person a visit next time.
As the witch's eyes glow, she disappear at the territory.